CHAPTER 34: BLOOM

31 21 0
                                    

CHAPTER 34:

"Helloooooooo Isabel!"

"Hellooooooo Mikael!"

Ilan lang yan sa mga salubong sa amin ng mga bago naming kaklase ngayong Grade 12, and yes lumipat kami sa section nila Markus at Lewis dahil hindi na kami nakatagal sa mga kaklase namin nung Grade 11.

"Preee! Finally kaklase na namin kayo" sabi ni Lewis sa amin. Magkakaklase kasi kami dapat pero nauna kasi sila.

Introduce yourself dahil 1st day of class na. And we are happy to be part of this section.

"Mahal are you okay?" tanong sa akin ni Mikael.

"Yes I'm okay masaya ako kasi nakalipat na tayo" nakangiti kong sabi dito.

"Matagal din tayong nagtiis sa mga yun no?" sabi nito sa akin na ngayon ay tumatawa na.

Tumawa lang ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Ngayong nakalipat kami ng section for sure makakabawi na kami.

Hindi man ako naghonor  grade11 but it's okay since aminado naman kami ni Mikael na nagpabaya kami nung 2nd sem.

Always kong sinasabi sa sarili kona may mga galit man saken at may mga taong ayaw saken, meron paring mga tao na tanggap at mahal ako.

————
"Pre labas tayo" aya nila Markus ng matapos ang klase.

"Sige tara" tugon ni Mikael sa mga to.

Paglabas namin ng Campus at pumunta sa parking lot nakita ko naman na mustang lang ni Markus ang dala nga mga to at si Lewis ay umangkas lang dito.

"Nasan kotse mo Lewis?" tanong ko dito bago ito makasakay ng tuluyan sa kotse ni Markus.

"Ahhhh nasa bahay di ako nagdala" sagot nito sa akin. Magkapitbahay kasi sila Lewis at Markus.

Umalis kami at pumunta sa isang sea food restaurants dito lang sa bayan.

Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Mikael at inialok nito ang braso nya para kumapit ako, ginawa ko naman iyon.

Humanap ako ng magandang pwesto at ang napili ko ay malapit sa bintana para tanaw ang magandang tanawin.

Ang tatlong lalaki ang umorder ng aming makakain.

"Ganda dito sa place nato" sabi ni Lewis ng matapos silang umorder at naupo sa table na napili ko.

"Bago lang to no?" tanong ni Mikael.

"Oo ata pre bago lang" sagot ni Markus.

Maya maya lang ay dumating ang madami nilang order, mukang mukbang ang magaganap nito.

"Ano to? Bat ang dami?" natatawa kong sabi.

"Kumain kana lang mahal ko" sabi ni Mikael habang nilalagyan na ang plato ko ng maraming pagkain.

-______-

"Ang dami na mahal" sabi ko dito habang magkasalubong ang kilay ko. Tinawanan nya lang ako at kumain na kami parehas.

Bondat ako ng matapos kaming kumain dahil sa bawat pag ayaw kong kumain ay sinasamaan ako ng tingin ni Mikael.

"Grabeeee busog na busog ako" sabi ni Lewis habang naguunat.

"Shot tayo?" aya ni Markus.

"Gaga naka uniform pa tayo" reklamo ko naman dito.

"Edi bumili ng damit" sabi ni Markus.

"Ayoko may pasok pa bukas uwi na tayo" pagsusungit ko kay Markus, halata naman na natakot ang kumag.

Nag aya na akong umuwi at nagsiuwian naman na kami. Umalis na kami ng resto at pumunta na sa parking lot.

Pagkadating namin sa parking lot pinagbuksan ako ni Mikael ng pintuan gaya ng palagi nitong ginagawa sa akin.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa muka ng boyfriend ko na ngayon ay nagmamaneho.

Hindi ako nagsisi na nagconvert ako para sa taong ito bilang Iglesia. Dahik bawing bawi, ang pinapangarap ng maraming kababaihan na gantong lalaki na aalagaan ka at consistent ang pagmamahal nito.

Magtatatlong taon narin kami pero hindi kopa rin masasabi na subok na kami dahil marami pang pagsubok ang haharapin.

Kahit pa nagtatagal na kami hindi parin ako nagsasawa sa lalaking ito. Gaya nga ng sabi ko habang tumatagal mamahalin kopa si Mikael.

Ng maibaba nya ako sa bahay ay bumaba din sya para magpakita sa parents ko.

"Good evening po" bungad ni Mikael ng makarating kami sa living area kung saan andon sila papa.

Agad naman akong bumeso kila papa at bumeso naman si Mikael kay mommy.

"Dito kana kumain anak" aya ni papa kay Mikael na hindi naman nito natanggihan dahil hindi talaga nya ito kayang tanggihan.

Dumating naman si Kuya na galing sa trabaho nya sa hotel namin

"Uyyy Mikael tagal mo di napasyal 1 week din" sabi ni kuya ng makalapit ito kay Mikael.

"Oo kuya e. Busy kasi sa school" sabi nito.

At pumunta na kami sa dining area namin para kumain. Nagluto si mommy ng sinigang na baboy at gumawa din ito ng graham para dessert.

Naging masaya ang hapagkainan na iyon. Na para bang masaya kaming buong pamilya.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis ako at tumambay kami ni Mikael sa roof top ng garahe namin.

Nakahiga kami habang ang ulo ko ay nakasandal sa kanyang dibdib at nakatingin sa kalangitan.

"Mahal na mahal kita" pabulong na sabi sa akin ni Mikael at niyakap ako.

"Mahal na mahal din kita" sagot ko dito.

"salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa relasyon natin lahat ng iyon naappreciate ko mahal" sabi ni Mikael at humalik sa noo ko.

"Mahal kasi kita kaya lahat gagawin ko para sayo. Lahat naman mahal gagawin yan para sa taong mahal nila" nakangiti kong sabi sakanya.

Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit.

Maya maya lang ay nagpaalam na ito para umuwi.

"Hatid na kita sa kotse mo mahal" sabi ko dito at tumugon ito, nagpaalam naman na sya sa parents ko at pumunta na kami sa garahe kung saan ito pumarada.

"Bye mahal ko magiingat ka" sabi ko dito bago ito makasakay.

"Papakasalanan pa kita kaya magiingat ako." sabi nito at humalik sa aking noo na syang kinakilig ko at kinapula ng aking pisngi.

Sumakay ito aa kotse nya at binaba ang bintana para makita ko sya.

Pagkaalis nito ay pumasok na ako ng bahay at dumeretsyo sa aking kwarto.

Bago ako matulog kinuha ko ang aking journal at pluma, nagsulat ako dito ng mikling mensahe para sa aking minamahal tulad ng madalas kong gawin sa tuwing ako ay nagiging masaya man o malungkot.

Mahal,

   Kung sana mabasa mo ito. Lagi mong tatandaan kung gano ako kasaya sa tuwing nakikita kita at nakakasama. Kahit pa sa tuwing nag aaway tayo at nagkakaayos masaya ako dahil sa kahit na anong kapalpakan ko sa buhay ay andyan kapa rin at mahal ako at higit sa lahat hindi ako iniiwan. Mahal sana alam mo kung gaano moko napapasaya sa mga simpleng bagay na dulot mo sa akin. Lagi mong tatandaan na mamahalin kita ng paulit ulit. Lagi akong babalik kung paano at bakit tayo nagsimula.

Isabel Diane Langston Tjandra

ALWAYS REMEMBER HOW WOULD YOU START!




---
Mahal kita ❤️

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now