CHAPTER 17: FIRST DATE

58 40 0
                                    

CHAPTER 17:

6:30am nang tumunog ang phone ko dahil sa may tumatawag.

Mikael is calling.......

"Hi babe good morning finally nagising kana. Kanina pako tawag ng tawag. Happy sunday labas tayo ngayon papunta nako dyan iloveyou" bungad sakin ng boyfriend kong magaling.

"Pero--" dipa ako natatapos mag salita ay binabaan na nya ako ng relepono.

Napahawak ako sa noo ko. Grrrrrr bangag na bangag pako tas bigla syang gaganon? Ang aga aga nyang mambulabog.

Bumangon ako patumba tumba pa papuntang bathroom. Nang matapos ako ay nagtoothbrush ako habang naka bathrobe. Ng bigla kong marinig na tumatahol si Billie.

"Aww! Aww! Aww!!"

Agad naman akong lumabas. Nang makita ko si Mikael.

O.O

O_O

"Billie! Stop!" suway ko.

Nang dahan dahang tinuro ni Mikael ang suot ko.

"Gash nakabathrobe pala ako" gulat kong sabi

Tumalikod naman bigla si Mikael at sabay sabing "Pumasok kana sa walk in closet mo, magbihis kana"

Agad naman akong pumasok sa walk in closet ko at nag ayos. Nakita kong naka white ripped jeans, white and light blue na stripes polo and nike air force 1 na white. Kaya nakaisip ako ng porma kona katulad ng kanya pero iba ang kulay. Kaya nakaisip ako na black riped jeans, croptop na polo white and black and air force 1 na black. And tadan ganda ko. And nag make up lang ako ng light.

"Babe ikaw mag blower sakin" sabi ko sakanya pagkalabas ko ng walk in closet ko.

0.0

"A-ah o-okay babe" nauutal nitong sagot sa akin.

Nakalapit na ako sakanya at naupo sa harap nya ng nakartalikod. Magaan ang kamay nya halatang dinadahan dahan nya ang pagsusuklay sa akin para di ako masaktan. Ng matapos syang mag blower ay niyakap nya ako. At kiniss dump sa leeg.

"Imissyou babe ang bango mona" malambing na boses nito.

Humarap ako at hinalikan sya, siniil ko ang pang ibaba nyang labi at siniil nya ang pang itaas kong labi. Habang ang mga kamay ko ay nasa dalawa nyang pisngi at sya ay nakahawak sa likod ko. Tatlong minuto din ang tinagal ng paghahalikan namin at masasabi kong iba ang halik nya ngayon di gaya kahapon. Mararamdaman mona sa bawat halik nya ay talagang nirerespeto nya ako bilang babae, sa bawat halik nya ay sinasabi nito na mahal na mahal ako.

Nakangiti kami parehas ng matapos ang malambot na halikan.

"Iloveyou Isabel"

"Iloveyoutoo Mikael"

7:30 ng matapos kami kaya bumaba narin kami agad sa living room kung saan andon sila papa at pinag paalam nya ako dito.

---
Mikael's pov

Nag breakfast pa kami at ng matapos kami ay agad kong ipinagpaalam si Isabel sa kanyang magulang.

"Mommy, pa. Lalabas lang po kami ni Isabel. Igagala kolang po sya sa Manila" magalang na paalam ko sa mga magulang ni Isabel.

"Ahhh. Kaya pala maaga ka pumunta dito." sabi ni papa. "O sige magiingat kayo ha. Ingatan mo si Isabel" tugon ng papa ni Isabel. Hindi naman ako nahirapan ipagpaalam si isabel sa mga magulang nya.

Agad namang bumeso si Isabel sa kanyang ama bilang pamamaalam. At hinatid kami ng kanyang ina sa labas.

Pinagbuksan ko ng pinto ang reyna at prinsesa ng mansion na ito. Maganda ang bahay nila Isabel mansion talaga. Kung titingnan ay kulay gray at black ang theme nito sobrang moderno na parang makaluma ang style. Mga kagamitan na gawa sa narra, mga pinto na malalaki. Madaming halaman, malawak at malaki ang mga ito malaki ang bakuran malawak at may fountain sa gitna at syempre di mawawalan ng bantay. Mapapansin talaga na billiones ang ginastos sa mansion na ito. Madaming saskyan sila Isabel. Kung ang kwarto naman ni Isabel ang paguusapan makikita mo ang personality ni Isabel na sadyang nakakaakit. Madaming mga paintings mga photography na sya mismo ang kumuha. Mga LED lights, Christmas lights sa loob ng room nya magagandang damit mga mamahaling damit.

Pinagbuksan ko din sila ng gate dahil sa labas lang ako nagpark. Dala ko ngayon ang mustang black stripe ko. Pinagbuksan ko ng pinto ng sasakyan si Isabel pagkatapos nyang yunakap sa kanyang ina bilang pagpapaalam. At gayun din ang ginawa ko at tuluyan ng sumakay sa sasakyan. Binaba ko ang bintana para makakaway pa si Isabel sa kanyang ina. At tuluyan ng pinaandar at umalis makikita mo sa side mirror kona nakatingin parin ang kanyang ina na parang ihahatid kami sa tingin nya. At tuluyan na kaming nakalayo.

"Babe saan tayo pupunta?" sabi ni Isabel na ngayon ay nakatingin sa bintana at kumukuha ng mga Litrato. Mapapansin mo sa kanyang muka ang saya. Ang ganda ni Isabel ngayon. Maganda sya pero iba ang ganda nya. Iba ang muka nya kapag nakapang alis sya. Maganda sya pumorma, napansin ko din ang LV (Louis Vuitton) shoulder bag nya, sa porma nya makikita mo din kung gano kamahal ang mga suot nito, may rolex din sya na kagaya lang din ng suot ko ngayon. Para kaming couple goals.

"Basta" sagot ko sakanya. Dahil gusto ko syang surprisahin, sigurado na magugustuhan nya kung saan ko sya dadalin. Dahil napansin ko si Isabel na mahilig sya sa mga makalumang bagay. Mga historical places. Kung baga mahilig sya sa vintage makalumang style sya na pinapamoderno nya.

Nasa manila na kami na parang kanina lang ay kinukuhanan ako ng litrato ni Isabel na ngayon ay tulog na.

Nang makarating kami sa Baluarte de San Diego dito sa Intramuros ay pinark ko ang kotse ko sa malapit sa Baluarte.

Tinitigan ko si Isabel na ngayon ay mahimbing na natutulog. Tinitigan ko sya ng maigi, maganda, medyo singkit ang mga mata nya, mahahaba ang mga pilik mata nya. Simple lang ang muka nya pero mahuhumaling ka sa mga to. Straight ang buhok maitim na blonde ang laylayan nito. Mapupula ang mga pisngi at labi nito. Para syang nangaakit kahit tulog na.

Kaya inilapit ko ang muka ko sakanya. At dahan dahang naglapat ang aming mga labi. Hinalikan ko ang pang itaas nyang labi na kinagulat kong gumalaw din ang mga ito at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Gumanti sya sa akin, ginantihan nya ang mga halik ko. Ramdam mo sa mga halik nya ang pagmamahal na matagal konang iniintay. Pagmamahal na ngayon ko lamang naramdaman. Na kahit kanino ay hindi ko naranasan kundi sakanya lang. Ramdam mo sa mga malalambot nyang labi ang pagmamahal na lubusan. Ramdam ng puso kona itong babae na ito ay mamahalin kopa ng sobra.

Limang minuto ang itinagal ng malikot na halikan namin. Nang matapos kami ay habol hininga kong sinambit ang mga katagang "Mahal kita Isabel" na bakas sakanyang muka ang saya at kilig. "Mahal din kita Mikael" Mga salita na para bang umukit sa puso ko. At mga tinig na syang nagpasikip ng dibdib ko.

"Mahal nasan na tayo?" Tanong nya sa akin ng siya ay magtingin tingin sa paligid.

"Andito tayo sa-" hindi pa ako natapos magsalita ay pinutol nya na ito.

"Baluarte de San Diego? Dito sa Intramuros? Babe! Favorite place kotong Intramuros, pano moto nalaman? Thankyouuu" masaya nitong sabi at bigla akong hinalikan at lumabas sya sa sasakyan. Tumakbo sya papunta sa Baluarte. Natakot naman ako dahil para na syang madadapa kakatakbo kaya agad akong bumaba ng sasakyan at sinundan sya. Ng makalapit ako sakanya ay niyakap nya ako at tinadtad ng mga halik at paulit ulit na nagpasalamat sa akin.

~~~~
Nagkaproblema pako sa Chapter nato kasi nadelete to. At 400 words lang natira. Kaya ayan type ulit ang lola nyo.

Vote
Follow

Lablots ❤️❤️❤️

Thankyouuuuuuuuuuu❤️

Unexpectedly Yours Donde viven las historias. Descúbrelo ahora