CHAPTER 30: FREEDOM

39 25 2
                                    

CHAPTER 30

Today is Monday nagising ako na para bang wala akong gana sa lahat. Buong maghapon lang akong nasa kwarto at hindi kumain. Nagising ako with my tears, kumilos at nag asikado with my tears.

Pumasok ako sa bathroom ko na para bang sobrang bigat ng katawan ko. Nag shower ako parang 5  to 10 mins lang ako naligo tas sobrang bagal ko talaga kumilos. Maaga ako nagising 4:00 pero natapos ako ng 5:30  at for sure late ako.

Bumaba ako sa dining area namin. Huminga ako ng malalim para hindi ako mahalata nila mommy. Kumain parin ako pero binigay ko ka billie lahat. After nun nag pahatid ako ka manong sa kanto nagbabaka sakali na baka makasabay kopa sya sa jeep. 

Pero wala nakasakay ako sa jeep ng wala sya. Expect kona pupunta sya sa room para kunin yung uniform nya sakin mamayang recess and yeah makukulit kopa sya. Nageexpect ako na makukuha ko sya ulit. And later 3pm ang start ko sa doktrina sasabihin ko yun kay Mikael.

Pumasok ako sa school magisa walang kasama ako lang, wala si Mikael.

Pagpasok ko sa room agad akong sinalubong ni Ana kaibigan ko, niyakap nya ko ng mahigpit dahil alam nya at nagkwento ako sa mga kaibigan ko about dito. Sa yakap ni Ana naiyak ako. Humagulgol na naman ako sa room ke aga aga.

Wala kaming teacher lahat wala busy sila kasi may magaganap na event. May time ako para magdrama, tinreat ako nila Ana they comfort me naman. Alam nila at nasubaybayan nila kung pano kami mag mahalan ni Mikael . And I'm so glad because they are here besides me. 

Recess time and sobrang saya ko dahil pumunta si Mikael kasama nya si Lewis. Alam din nila to syempre. At gusto nila kami pag ayusin.

Inabot ko ang uniform nya at nag attempt syang umalis na. But Lewis stopped him.

"Hoy pre kausapin mo naman mag ayos kayo" sabi ni Lewis dito.

Nanggigilid ang luha ko pati narin ang kay Mikael.

"Pre si nanay ko kasi" sabi ni Mikael. 

"Babe mamaya doktrina kona" nakangiti kong sabi dito.

"Oh ayon naman pala e." sabi ni Lewis

"Wag mong gawin kung para saken lang, gawin mo para sa sarili mo" sabi ni Mikael. Tumango ako sakanya at ngumiti.

Hinawakan ko ang kamay nya ta sinabi kong ayusin na namin to. 

Niyakap nya ako at sabing "pano si mama? diba sabi nya pag iglesia kana" 

"Handa akong magtago mahal, itago muna natin. Mas masarap gawin to mahal kung hawak kita kung tayo." sabi ko dito.

Matagal din ang paguusap na iyon with tears. Ramdam kong mahal ako ni Mikael at alam kong hindi nya ako gustong mawala sa kanya. Mahal ako ni Mikael. At lahat gagawin ko para ipaglaban sya at panindigan. Masarap lumaban kung alam mong nilalaban karin ng taong gusto mong ilaban. 

Natapos ang madamdaming paguusap na iyon nagkabalikan kami n Mikael. 

Bago umuwi ay kumain kami ng kumain dahil hindi lang pala ako ang walang kain simula ng mangyare iyon.

-----------

Dumating ang ilang araw na nalaman din ulit ng mama ni Mikael dahil may nagsabi dito na nakita kami ni Mikael na magkaholding hands. That time hindi naman na sya nagalit dahil nalaman nito na dinodoktrinahan na ako.

Hindi madali ang naging buhay ko nung mga araw na yon dahil hindi alam ni Papa na nagpaconvert ako dahil ayaw nya na magconvert ako, ang gusto nya si Mikael ang magconvert. Si mommy lang ang nakakaalam ng bagay nato at sinuportahan naman nya kami ni Mikael, Mikael ang mom is like a mother and son tandem magkasundo din sila kaya hindi kami nahihirapan kay mommy. At botong boto din naman si Mommy dito.

Hindi naging madali sa amin ni Mikael to dahil madalas din kaming magaway dahil nagseself pity sya dahil alam nyang nahihirapan ako sa bagay nato kahit ang totoo ay masaya ako, pagod but the same time masaya dahil alam kong ito ang way para maging matatag ang relasyon namin ni Mikael. 

Nakumpleto ang 25 lessons at naging sinusubok nako sa loob ng anim na buwan dapat walang absent sa pagsamba sa loob ng anim na buwan. Hindi madali dahil una sa lahat hindi alam ni papa kaya patakas takas ako sa tuwing may pagsamba ng huwebes at linggo.

Dahil dito sa pagsasakripisyo ko para kay Mikael , nag seself pity sya dahil nakikita nyang naghihirap ako sa bagay na hindi nya gusto. May mga time na gusto nalang sumuko ni Mikael dahil pausod usod ang Bautismo ko.

Pero hindi ako nagpatinag sa bagay na yon dahil naumpisahan na namin kailangan nalang tapusin at panindigan ang bagay nato. No thoughts no doubts no what if's and anything.

Naramdaman ko naman ang pagiging anak na turing sa akin ng mama ni Mikael. Boto din naman to sakin kahit nung una palang kaso hindi ako Iglesia kaya nagawa nya ang bagay nayon.

Naramdaman ko ang pagtanggap nito sa akin sa tuwing iniimbitahan ako nito sa mga family celebrations nito at pagpapakilala sa akin nito sakanilang angkan.

Masarap sa pakiramdam ang gantong kalayaan sa relasyon. 

Hindi na kami ginugulo ng mama ni Mikael isa sa pinakamahirap na pagsubok ang nalagpasan namin ni Mikael ng magkasama at nagmamahalan.

Sabay sabay kaming sumasamba, nagpapasalamat kay ama.

"Mahal salamat sa lahat hindi ko alam kung pano ka masusuklian" sabi sa akin ni Mikael ng maihatid nya ako sa bahay.

"Mahal? Mahalin molang ako nasuklian mona ang lahat" sabi ko dito at hinawakan ko ang pisngi nya.

"Salamat mahal, hindi ko kayang mawala ka sakin" hinawakan ni Mikael ang kamay ko na ngayon ay nakahawan sa pisngi nya.

"Handa akong ipaglaban ka sa kahit na ano mahal basta't ikaw at ako magkahawak ang kamay at lalaban" 

Dahan dahan na nilapit ni Mikael ang kanyang muka sa akin ng magabot ang aming mga labi at ramdam kona ang paghinga nito ay dahan dahan nyang inilapat ang kanyang labi sa akin, ramdam kona sa bawat pagkilos ng kanyang labi ay nagsasabi itong mahal ako at nagpapasalamat ito sa lahat ng aking ginawa para sa amn.

Mahal kong Mikael, mananatili akong sayo at ika'y akin maniwala ka sa akin.

Pero hindi parin don natatapos ang lahat.

-----------------------------------

SANAOL

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now