CHAPTER 14: GETTING TO KNOW YOU

48 38 0
                                    

CHAPTER 14:

RECESS TIME

Gaya dati kasabay ko si Sabrina. Pumunta kami sa Canteen.

"Sab, boyfriend kona si Mikael" sabi ko sakanya

"Ha? We? Marunong ba humalik yon?" sagot nya saken na nang iintriga.

"ayaw mo maniwala?" sagot ko HAHAHAHAHA

Sakto na parating na si Mikael dito sa canteen at lumapit saken at hinawakan ang kamay ko"

"Hi babe kumain kana ba?" tanong nya saken

"Hindi pa, diba boyfriend kita?" agad na tanong ko sakanya habang kaharap si Sabrina habang kumakapit ako sa braso nya at nagpapacute sakanya.

Ngumiti sya at hinawakan ang baba ko "Oo naman girlfriend ko bakit?" habang ang mga mata nya ay parang nangaakit.

"Wala lang" at ngumiti sakanya. Napansin ko naman si sabrina na parang naalibadbaran sa kasweetan namin at nag paalam na sya sakin at pumasok na sya sa room. Habang si Mikael ay binibilan ako ng foods and drinks.

"Bat mopa ko binilan di naman ako gutom. Nagbreakfast kaba? Late ka pumasok?" tanong ko sakanya.

"Di ako nagbreakfast. Hmmm opo late ako, dapat nga maaga ako papasok para sabay tayo. Pero nalate ako ng gising, nasa panaginip kasi kita kaya ang hirap bumangon" pangbobola nito saken pero eto ang dahilan para kiligin ako at ikapula ng pisngi ko.

"Edi ikaw dapat ang kumain" sabi ko sakanya habang kinikilig.

Ang ending parehas nalang kaming kumain para iwas pagtatalo. Hinatid naman ako ni Mikael sa room ko dahil tapos na ang Recess. At ang room nila ngayon ay sa Com Lab.

"Intayin kita mamaya sa labas ha iloveyou" sabi nito saken.

"okay bye Iloveyoutoo" sagot ko sakanya.

----
Diko alam kung mabilis ang oras o sadyang minamadali ko. Dahil gusto kona agad makita si Mikael at makasama.

Agad akong lumabas ng room Para makita na si Mikael. Nakita ko naman si Mikael sa labas ng gate.

Sa di kalayuan ay nakita ko agad ang pulang bag ni Mikael at tumakbo papunta sakanya at kiniss sya sa cheeks nya.

"Hi babe!" bati ko sakanya at paglingon nya sakin ay namumula sya. At hinawakan nya ang kamay ko.

"Tara na. Hmmmm dala ko pala yung kotse, hmmm gala tayo bago umuwi" Sabi nito saken na kinagulat ko. So mayaman pala si Mikael? Hmmm. Sakto nasa getting to know each other naman kami.

Agad akong pinagbuksan ni Mikael ng kotse nyang vios parehas kami ng kotse meron din kaming vios na gray sa bahay ginagamiy kapag namamalengke.

Ng nakapasok na ako sa kotse nya ay naamoy ko ang mabangong amoy nila. Amoy Apple ang amoy nito ang bango. At agad din naman syang pumasok at pinaandar nya ang kotse.

"Sayo to babe?" Tanong ko sakanya

"Hindi babe, kay mama to. Late na kasi ako. Kaya ginamit koto" sabi nya sakin.

Naalala ko naman na may ka business partner si papa na isang mooxtar kaya nais kong itanong ito sakanya. Habang umaandar. Kami papunta sa diko alam HAHAHAHA ay naitanong kona rin.

"Babe kaano ano mo si Mr. Charles Mooxtar? Yung may ari ng MH yung Mooxtar Hotel?"

"Papa ko si Charles. Bakit? Pano mo sya nakilala?" takang tanong nito sakin.

Napaisip naman ako na ahhh mayaman din apala sila. So hindi ako mahihirapan.

"Ahmp wala lang. HAHAHAHAHA" hindi kona kinwento ang THR kasi baka di naman nya alam yon.

"Eeeh ikaw? Kaano ano mo si Mr. Wilson Tjandra owner ng THR? Confident na tanong nito sakin na syang kinagulat ko.

" Papa ko sya. Pano mo nalaman yun? Tanong ko sakanya.

"Business partner pala ang mga magulang natin" natatawa nyang sabi sabay inihinto ang kotse nya sa isang malilim na puno. At inilapit ang muka nya na para syang nangaakit.

"So para sakin ka pala talaga" mapangakit nyang boses.

"Para sayo talaga ako" mas inakit ko sya sa malambing kong boses

At halata sakanya na na kinilig sya at namula. Kaya pinaandra nya na ulit ang sasakyan. Huminto kami sa isang convenient store bumili kami ng madaming foods. Dala nya ang laptop nya. Pumunta rin kami sa isang Boutique shop para bumili ng clothes dahil naka uniform pa kami. Binilan nya ako ng Peach na dress. Ang gusto ko sana ay yung backless pero sinaway nya ko. Bumili naman sya ng cotton shorts nya and polo nya. Binilan nya din ako ng isang necklace na silver dito. Bumili din sya ng flat shoes ko na kulay black cheelon shoes and bumili sya ng Vans old skool nya na black.

"Anong meron babe?" tanong ko sakanya ng matapos kami mamili at nasa sasakyan.

"Magmomovie date tayo dito sa kotse ko. Dun tayo sa may malapit sa Arena kasi don malamig at wala masyadong tao" sagot nito sakin

"Nung una ayaw kong spoiled ka kasi alam mona dika naman materialistic, ewan nabigla nalang din ako sa ginawa ko ngayon" natatawa nyang sabi.

"Alam kona yan iniisip mona baka gaya ako ng ibang girls na kapag wala ng maibigay ang mga lalaki iiwan na? Hahaha naaaah hindi ako ganon babe. May mga ex din naman ako na mahirap lang di kagaya mo, pero minahal ko sila" yup bukod kay Kyle may mga ex pako pero di naman seryoso yun. Si kyle lang yung sineryoso ko at ngayon eto si Mikael mukang seseryosohin ko. Mayaman din naman si Kyle pero wala akong pake sa yaman nya.

"Hindi ah, basta" depensa nyang sagot.

Ng makarating kami sa Arena agad nyang inayos yung kotse para makapag movie date kami. 5pm narin kami nakarating dito at nakabihis narin kami.

"Sana pala yung fortuner yung dinala ko para sa likod tayo para makahiga tayo." sabi nito.

Nakaayos ang vios nakapahiga ang mga seats. Para makahiga kami. Ang mga pinanood namin ay mga love stories. Natapos kami ng 8pm deep talks tawanan. Knowing each other. Na para bang kilalang kilala na namin ang isat isa.

" Uwi na tayo hatid na kita sainyo para nadin malaman ko kung saan ka nakatira" sabi ni Mikael saken.

"Sige babe, hmmmm ipapakilala narin kita sa parents ko" sabi ko sakanya. Na syang kinangiti ni Mikael. Halata sa muka nya na masaya sya sa sinabi ko.

"Talaga ba? Mahal mona ko?" sabi nito habang nilalapit ang muka nito sa akin.

"Mahal kita, at mamahalin pa" sabi ko dito at dumikit ang labi nya sa forehead ko na syang kinalambot ng puso ko.

"Nirerespeto kita Isabel" Sabay sabi nito sa akin at pinaandar ang kotse nya.

----
Keep reading 🤤💜

Vote
Follow
Laby'all

Unexpectedly Yours Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt