CHAPTER 11: ELEVEN

55 41 0
                                    

CHAPTER 11:

"Toooooot! Tooooooot! Toooooooot! *

" Riiiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiiiiing! *

Tunog ng cellphone na kasabay ng alarm clock kona kanina pa nagwawala sa kakaalarm. Kaya agad naman akong bumangon para kunin ang cellphone ko at patayin ang alarm clock ko.

Today is the day. Diko alam bat ako excited pumasok. 5:30 na ng umaga, and wish kona sana makasabay ko si Mikael sa Jeep. Namimiss kona sya agad. Weird ha

Agad naman akong bumangon at pumunta sa bathroom para magayos ng sarili. Gaya ng dati inaayos ni mommy ang damit nasusuotin ko. Yes may mga maids kami pero si mommy parin ang nagaasikaso sa amin.

Mabilis akong naligo at nagayos suot kona ang uniform ko. Btw ang school na pinapasukan ko ay Miguel National High School. Public school sya pero disiplinado ang mga mag aaral, maaayos at mahuhusay ang mga guro na nagtuturo dito.

Agad akong bumaba sa dining area para kumain ng breakfast ko. Gaya ng routine ko.

"Ma nasan si papa?" tanong ko kadalasan kasi 8 sya umaalis para pumasok sa office nya. CEO kasi ng isang hotel and restaurant si papa. Ang THR Tjandra Hotel and Restaurant.

"Maaga sya umalis Isabel mga 4 lang dahil may meeting sya sa bagong business partner nya ang Mooxtar" paliwanag ni Mommy saken.

Napaisip ako dun sa Mooxtar dahil yun yung last name ni Mikael. Pero diko nalang pinansin dahil hindi naman kilala ni mommy yon.

"Sige napo ma pasok napo ako pahatid nako kay manong" paalam ko kay mommy.

"Magingat ka anak magaaral mabuti ha" paalala sakin ni mommy.

"Manong tara napo." aya ko kay manong na kakatapos lang magkape. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ko.

Ng makapasok ako sa kotse naupo ako at nagmuni muni dito. Ng makarating kami sa kanto ay agad akong bumaba at gaya ng dati nagabang ako ng Jeep. Nakasay naman ako agad ng Jeep diko nakasabay si Mikael wala sya. Di kami magkasabay. Hays

Maaga akong nakapasok at gaya ng dati andun ang mga kaibigan ko sila Christine maaga silang pumasok as usual sinita nila ako kasi maaga akong pumasok. HAHAHAHAHAHHA

Mabilis ang oras kaya diko na naman namalayan na uwian na pala.

Kasabay kong umuwi si Sabrina ngayon late na kami nakalabas dahil pinaglinis pa kami ng room. At gaya kahapon andon si Mikael at si Jack nagiintay saken. Iba ang muka ni Mikael nung hindi pa nya ko nakikita parang may masakit sakanya pero nung paglingon nya saken ngumiti sya at umaliwalas ang muka nya in short bigla syang gumwapo nung ngitian nya ako. Gwapo din talaga netong lalaki na to e. Bago kami makalapit sakanila agad naman akong tinanong ni Sabrina about kay Mikael.

"Anong meron? Ano mo sya?" tanong sakin ni Sabrina na may halong pagtataka.

"Wala kaibigan, kasabay bakit?" depensa kong sagot sakanya. Ang muka ni Sabrina ay parang hindi naniniwala.

"Ang tagal mo naman" Natatawang sabi ni Mikael sa akin. At natawa naman ako dun. "sorry boss naglinis pa kasi kami" agad na sagot ko sakanya. Grrrr kinikilig ako sakanya shemay.

Hindi na kami naglakad. Dun nalang kami nag abang sa dati nilang inaabangan. Nakakuha naman kami agad ng Jeep dahil konti nalang ang estudyante dito dahil nga late na kami lumabas ng school.

Pagpasok sa Jeep si Mikael ay kay Sabrina tumabi. Pero agad naman tong sinita ni Sabrina. "Isabel ohh saken tumabi" nanikip naman ang dibdib ko don. Pero binalewala ko at sabay sabing "Dito ka sa tabi ko" agad namang lumipat si Mikael sa tabi ko. Una kong naisip ay baka si Sabrina ang bet nya at hindi ako. Hays akala koba naman.

Ng makaandar ang jeep nilabas ko ang wallet ko at nakita ni Mikael ang isang bracelet don na kulay white and black ang kulay nito.

"Ano yun? Bat dimo sinusuot?" tanong ni mikael saken.

"Bracelet bigay saken ng kaibigan kong si Angelika" sagot ko sakanyan. At nilabas ko ito at susuotin.

"Akin na isusuot ko sayo" sabi ni Mikael. At sinuot nya iyo sa kaliwa kong kamay. Dahan dahan nyang binuhol ang mga tali nito.

"Ayan na okay na" Ngiting sabi nito sakin na syang kinatibok ng puso ko ng mabilis. Habang si Sabrina ay nakangisi na nakatingin samin na para bang nangaasar.

"Bye ingat" paalam namin sa isat isa ni Mikael bago ako bumaba sa kanto. Dahil taga bayan pa si Mikael kaya palagi akong nauunang bumaba sakanya. Andon na agad ang sundo ko kaya si Sabrina ay sinabay kona.

Nang makauwi nako sa bahay ay agad akong dumeretsyo sa dining area dahil naamoy ko ang mabangong luto ng aking mahal na Ina.

"Andyan kana pala maaga kang umuwi. Halika kain kana dito" sabi ni mommy sakin ng ayain nya akong kumain. Katulong nya si manang mag ayos ng hapag kainan namin.

"Ang dami kong nakain sarap ng puchero mo ma" sabi ko kay mommy. Agad naman itong nangiti sa sinabi ko at nagpatuloy pa syang kumain.

"Akyat nako ma magbibihis nako" sabi ko kay mommy at bumeso na ako sakanya

"Sige anak" tugon nito sa akin.

Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay napatingin ako sa kaliwang kamay ko at nakita ko ang bracelet na sinuot sakin ni Mikael. Hanggang ngayon ay ramdam kopa rin ang balat nya na dumadampi sa akin. At ang mabango nyang amoy na syang hinahanap hanap ko.

Pumasok ako sa walking closet ko para magbihis na. Nang matapos akong magbihis ay nahiga ako sa aking malambot na kama at tumulala sa kisame.

"bat kay sabrina sya tumabi? Hmmmmm. Baka si Sabrina ang bet nya? Hays bala na nga sya basta ako magpapatuloy nalang ako. Gusto kona si Mikael" Mabilis na tibok ng puso ko.

2pm na ng magchat sakin si Mikael.

Mahaba haba ang usapan namin ngayon masaya kwentuhan, asaran, landian yun ang namuo sa paguusap namin.

Umabot kami ng hangggang alasyete ng gabi kaya nag paalam ako sakanya na kakain na muna ako. At Ganon din sya.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan. Diko namalayan ang oras magdamag pala akong nasa kwarto. Masaya kasi akong kausap si Mikael.

"Oh mukang masaya ka" Sita sakin ni mommy.

"Hmmmm. Wala naman ma, masaya lang ako" nakangiting sagot ko kay mommy.

Mabilis akong kumain at nagayos ng sarili. Hindi nawawala sa isip ko si Mikael. Tiningnan ko ang Facebook nya. Tinititigan ko ang litrato nya "gwapo naman pala talaga to" bulong ko sa aking sarili.

~~~
May namumuong pagtingin yieeeee

Thankyou sa mga walang sawang sumusubaybay sa pag update ko ng istorya kong ito. Don't forget to vote and follow me. Thankyou guys ❤️

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now