CHAPTER 27: REMINISCE

36 25 1
                                    

CHAPTER 27:

Simula ng mag birthday si Mikael palagi na namin kasama sila Markus at Lewis.

Si Markus ang nagsilbing photographer namin sa tuwing gumagala kami. Madalas syang third wheel namin.

Bumalik ang mga kaibigan ni Mikael nung isurpresa ko sya. Para bang nag recollect ang lahat. So glad because ako yung naging daan.

"Baaaaaabe!" sigaw ni Mikael paglabas ko ng room. Agad naman akong lumapit dito at niyakap to.

"Uyy you're here too" bati ko kay Markus. "May lakad ba tayo?" tanong ko kay Mikael.

"Hmmm yup bibili na sila Markus ng Mustang at sila Lewis, napagusapan namin na ang bibilin nila is malapit sa kulay ng kotse ko para astig" masayang sabi ni Mikael sa akin.

Pagkatapos ay inintay pa namin sila Lewis na maglabasan pati narin si Louie na kambal nito.

Pagkalabas nila ay sumakay na kami agas sa sasakyan ni Mikael na Mustang white stripe.

"Pre kain muna tayo bago tayo pumunta sa Manila. Tas bili narin tayo damit" sabi ni Lewis.

"Kahit saan go na, gutom narin ako e." sabi ni Louie na kambal ni Lewis.

"Dito nalang tayo sa Green Eat" sabi ko ng makita ko ang isang karinderya sa tapat ng campus.

Agad naman na sumang-ayon ang mga kasama ko. Kaya nag park na si Mikael sa tapat ng green eat at pumasok na kami dito.

"Giniling nalang ang sakin" sabi ko. BBQ naman ang inorder ni Mikael at valenciana naman kay Marcus, menudo sa kambal na si Lewis and Louie.

Matagal din kami bago matapos kumain dahil tawanan at kwentuhan pa.

"Huy! 1:30 na tara na." pagputol ko sa mga boys na nagkukwentuhan pa.

Agad naman silang nagayos para makaalis na kami. Dahil mahaba haba pa ang byahe. Sa front ako nakupo habang ang tatlo ay sa likod, papunta kami sa Ford Manila para dun bumili ng Mustang ng tatlo nato. 

Sabay sabay silang bibili, oh see mga RK talaga mga to e. 

Habang nasa byahe ay may nakita kaming isang bilihan ng clothes at huminto kami don para magpalit ng damit dahil naka uniform pa kami.

As usual dress ang binili ko off shoulder na pa long sleeve na plain mint green favorite color kasi ni Mikael yun kaya yun ang pinili ko. Halata naman sa muka nya na nagustuhan nya ang pinili ko.

Habang ang mga boys ay pang taas lang ang binili nila. Si Mikael na aking mahal ang binili nya ay mins green na polo din. Habang sila Lewis ay polo na stripe na red and black at si Louie ay tshirt ng oxygen same with Markus na penshoppe.

"Mahal eto bilin mong flat shoes" sabi ni Mikael paglabas ko ng fitting room suot suot ang dress turo nito ngayon ang isang flat shoes na mint green na floral ang design . Agad akong lumapit dito at isinuot nya iyon sa akin. 

O_O

Pagkasuot ko nun ay halata kay Mikael na gandang ganda ito sa akin ngayon. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang bewang ko. "You are the most prettiest woman in the world im so lucky to have you Isabel" sabi nito sa akin habang ang mga noo namin ay mag kadikit.

*Ubo ubo ubo*

*Ehem!Ehem! Ehem*

*Aray! Ang dami namang langgam*

Ilan lamang sa mga reaksyon ng mga kaibigan namin na ngayon ay nakatingin sa amin. Agad namang namula ang mga pisngi namin ni Mikael ng kami ay mag hiwalay sa pagkakadikit. 

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now