CHAPTER 29: NIGHTMARE

38 25 2
                                    

CHAPTER 29:

Dumaan ang maraming linggo at araw, buwan at sumapit ang aming ika-siyam na buwan ng pagiibigan namin. Kahit pa habang tumatagal a pahigpit ng pahigpit ang mama ni Mikael dito. Naiintindihan ko ang part na yon dahil mali naman talaga ang pagmamahalan namin ni Mikael, handa naman ako sa kahit na ano pero ang mawala si Mikael ang kahit kailan ay hindi ko alam kung handa ba ako o hindi. 

Malapit narin ang pagtatapos ng buwan na ito . Magkasama kami ni Mikael para sa isang school organization para sa darating na Senior High namin. 

Ang araw na yon ang hindi ko inaasahan na isang matinding bangungot para sa aming dalawa ni Mikael dahil masaya kaming umuwi sa bahay ng isat isa.

------
Kinagabihan araw ng pagsamba. Iniintay ko ang text ni Mikael dahil alam kona sasamba ito ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Tinext ako ng pinsan ni Mikael na si Kristela.

Non verbatim

-Ateeeee! Si Mikael, puntahan mo nagaaway sila ni mama nya.

Ha bakit? Ano naririnig mo?

-Dahil ata sayo ate kasi diba dika pa iglesia?

Ha? Eeee. Magcoconvert naman ako ah?

-Ateee! Umiiyak si Mikael ang lakas ng iyak nya! Diko alam kung anong nangyayare. Puntahan mona ate. Sabi pa ni tita dimo daw kayang panindigan si Mikael

Ng makausap ko si Kristela hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na ng susi ko na kay papa na kasi 8pm na rin.

Tumakas ako ng bahay tumakbo ako kung saan pwede ako makasakay ng jeep.

Papunta palang ako sa sakayan ng jeep ay nagtext na si Mikael.

From Mikael:

Mahal sorry

Tapusin na natin to.

Mas mahal ko nanay ko.

Muntik na magpakamatay mama ko dahil satin

Halos gumuho ang mundo ko ng mabasa ko ang mensahe na iyon. Habang naglalakad ay tila ba nanghina ang aking tuhod diko alam para bang nanigas ang aking tuhod.

Unti unting tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang aking dibdib. Sabi ko sakanya kukunin ko ang tablet ko kaya pupunta ako.

Wala akong maramdaman na kahit na ano. Kundi sakit lang at pagkadurog. Hindi ko lubos maisip na dito naba matatapos ang lahat? Ang sakit dahil bawat minuto na tumatagal ang sakit ay syang pagdami ng luha na tumutulo sa aking mata.

Nakita ako ni Diego na kaibigan ni Kyle. Nakatingin sa sa akin at tinanong ako kung saan ako pupunta. Tinuro ko ang papuntang bayan dahil hindi ko alam kung pano magsalita o kahit na ano.

Walang jeep na dumadating ng biglang dumating si Kyle na dala ang kanyang motor.

"Saan ka pupunta? Bat ka umiiyak?" tanong nito sa akin ng makahinto ito sa aking tapat.

"k-kila m-Mikael" nauutal kong sagot dito. Ng nakita nya ang phone kona nakaon ay inagaw nito ito sa akin hindi ko alam hindi ko sya pinigilan nanghihina ako yun ang alam ko.

"Bat ganto? Wala na kayo? Hindi kaman lang nya pinaglaban sa nanay nya? Ano yun?" galit nitong sabi sa akin.

"h-hindi m-agpapakamay a-ang m-mama nya e." paiyak iyak kong sabi.

"tara sasamahan kita don, ano bang gagawin mo?"  tanong at aya nya saken.

"Kukunin ko ang tablet ko" sagot ko sakanya.

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now