CHAPTER 9: SABI NA FISHY

71 51 2
                                    

CHAPTER 9:

January 9 and today is my papa's birthday.

Maaga akong nagising dahil inayos ko ang gift ko kay papa at may pasok pako. Binilan ko si papa ng Tag Heuer na relo.

5:20 ng bumaba ako sa kwarto ko. Dumeretsyo ako sa Dining are namin dahil dun palagi si papa nauupo sa tuwing kinukuha ko ang allowance sakanya. "Hi papaaaaaa happy birthdaaaay!" bati ko sakanya. Sakto ang pag baba ko dahil nakabihis na si papa paalis na sya dahil ngayon ang fiesta ng itim na Nazareno. Pupunta sya sa Quiapo para magsimba. "Thankyou bunso" Nakangiti si papa ng magpasalamat ito sa akin. "Teka papa parang hindi kumpleto porma mo" agad kong kinuha ang regalo ko sa bag ko at iniabot sakanya. "ano naman to bunso" takang tanong nya saken. At pagkabukas nya ay laking gulat nya na ang regalo ko sakanya ay relo na Tag Heuer. "Woooow anak mahal neto salamat sobrang nagustuhan ko" nakangiti si papa ngayon habang sinusuot ang relo na regalo ko sakanya. At kiniss nya ko noo ko at niyakap bilang pasasalamat. "sige na pa papasok napo ako pahatid nako kay manong goodbye pa ingat ka sa byahe mo ha? Happy birthday" paalam ko kay papa at nagbeso narin ako kay mommy na ngayon ay nakangiti sa amin. "ingat anak salamat" sabi saken ni papa. Pinagbuksan na ako ng kotse ni manong. Ang damit namjng sasakyan ngayon ay ang mustang ko na white na may mga line design na purple sa gilid ng mga pinto nato.

Gaya ng dati hanggang kanto lang ako at nag aabang ng jeep. Maaga akong pumasok ngayon. At laking himala din.

"Aga mo Ms Tjandra" pangaasar na naman sakin ng TLE teacher ko. At agad naman akong naupo sa

Mabilis ang oras kaya naman diko namalayan na na uwian na pala.

"Isabel di ako saaabay ah. May lakad kasi ako e." Sabi sakin ni Sabrina. Napaisip ako kung sino ang kasabay kong umuwi. Ahhh si Kuya Angelo nalang.

"Okay sige kay kuya Angelo nalang ako sasabay." tugon ko sakanya.

Inintay naman ako ni kuya Angelo sa labas ng room. Dahil magkatabi lang din naman ang classroom namin.

Pinauna kona sila maglakad. Habang ako nasa likod lang nila. Sa di kalayuan sa kabilang kalsada sa may silong nakita ko si Mikael kasama si Jack. Ng tumawid kami nila Kuya Angelo ay nakita ko sila Mikael at Jack na nakatingin sakin na para bang iniintay akong makaraan. Ng makadaan ako sa harap nila ay binati ako ni Jack "Boss Isabel" habang nakangiti sila parehas. - _- tumawa ako at sabay sabing "lul" ng makaraan ako sakanila ng hindi pa ako nakakalayo ay agad naman silang sumabay sa akin. "Isabel sabay na kami sayo" sabi ni Jack. Kaya ngayon nasa gitna na nila akong dalawa.

"Sino kasabay mo?" Tanong ni Jack sa akin.

"Ayun" agad ko namang tinuro sila kuya Angelo. "Aaah. Boyfriend mo?" tanong ni Mikael sa akin na syang kinagulat ko

O.o

"Hindi aaah" angil na sagot ko sakanya.

"Wala kang boyfriend?" tanong nito saken.

"Walaaaaaa! Edi sana kasama ko ngayon yun" pamimilosopo kong sagot sakanya.

"Hindi baka wala lang dine" sagot nya.

"Wala akong boyfriend yung akala ko magcomeback pero di naman pala wala hahahaha wala" natatawa tawa kong sabi sakanila. At ang mga muka nila ay may halong kuryoso sa istorya na yun. "ahhhhhh" "woaaaah" mga reaksyon nila sakin.

Habang naglalakad pasalubong sa jeep ay may pinara sila kuya Angelo na jeep na maluwag kaya sumakay nadin kami dun. Nasa likod ako ng driver katabi ko si Jack at katabi naman ni Jack si Mikael. Ng magbabayad na kami ay narinig ko na kulang ng tres si Mikael dahil otso ang pamasahe kapag student. Kaya kinuha ko yung payb nya at dinadagan kona lang yon. Buo daw kasi pera nya ayaw na nya pag mabarya. Arteng lalaki.

Pumara ako sa kanto at andun na si Manong dala ang Kotse ko. "para po!" sabi ko. "bye paalam ko kila Mikael at kuya Angelo. Kasabay kona bumaba si Jack dahil taga dun din sya samin. Kaya sinabay kona sya sa sasakyan.

Bumaba na si Jack mula sa kanto nila" Thankyou Isabel"pasasalamat nya at nginitian kolanh ito, at agad ng pinaandar ni manong ng sasakyan para makauwi na.

12:30 ng makauwi ako ng bahay. Handa na ang tanghalian kaya sumabay na ako.

"Hi ma!" bati ko kay mommy.

"Maaga kang umuwi, upo kana kain kana" pag anyaya nya sakin.

Kaya kumain na ako agad ng marami. Nagluto si mommy ng puchero at nag peprepare na rin sya ng cupcakes at spaghetti para sa paguwi ni papa. Dahil birthday nito ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretsyo na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Ng biglang magvibrate ang phone ko.

*Mikael Mooxtar send you a message*

Nakita kong sa screen ng phone ko.

Napaisip ako kung bat nagmessage tong kupal nato saken eto yung panay haha sa mga profile pic ko e. Papansin talaga - _-

---
Mikael's Pov

Walang boyfriend si Isabel. Paulit ulit na nasa isip ko.

Pagkatapos kong kumain ng lunch ay agad kong kinuha ang phone ko at hinanap ko ang name ni Isabel Tjandra.

Sinearch ko ang pangalan nya sa messenger ko ISABEL TJANDRA at nakita ko agad yon. At agad kong chinat si Isabel dahil online din naman sya. Ano kaya ang sasabihin ko?

To Isabel

"Woyyy!"

Nagdadalawang isip ako kung anong una kong ichachat sakanya. Nakakahiya kasi talaga syang ichat. Isang babae na famous at sigurado naman na maraming nagkakagusto dito.

Laking gulat kona nagreply agad sya. Nahiya ako sa chat ko kasi naman parang ang gara. Nakakatorpe naman tong babae nato

"poooo" reply nya

"Bat dimo ko chinachat? *Sad face* reply ko sakanya

" wala akong sasabihin e. *iyak emoji*

"Ang gara *iyak emoji*

"Sorry naaaaa *iyak emoji*

Ewan nakaramdam ako ng excitement sa convo namin kaya sinubukan ko sya sa dinya expect syempre.

"Break na tayo hirap na hira nako*iyak broken heart emoji*

Kinabahan ako sa irereply nya hanggang sa nagulat nalang akos a reply nya.

"wag naman babe *iyak emoji*

Tinawag nya akong babe O.o kumabog ang dibdib ko dun.

" Lagi nalang ganto *iyak broken heart emoji*

"sorry na ikaw naman kasi dimo ko pinapansin dami mong babae*

Hanggang sa humaba ng humaba ang convo namin hindi ko namamalayan na nakangiti na ako." hoy! " sita sa akin ng pinsan ko." kanina kapa nakangiti dyan ah. Laki ng ngiti mo" sabi pa nito. Hindi ko pinansin ang pang aasar ng pinsan ko dahil kachat kona ang crush ko. Oops crush ko sya HAHAHAHAHA

Paputol putol ang chat namin ni Isabel dahil nag wawait ako at nagwawait sya minsan.

Hanggang sa inabot kami ng 9pm ng gabi kakachat.

"sabay tayo ulit bukas ha" sabi nya. Na syang kinabilis ng tibok ng puso ko at nagpaalam na kami sa isat isa para matulog na.

~~~
A/N kelalandi ng mga ire. Hahahaha

Please vote and follow me Thankyou Mga mahalll :***

Unexpectedly Yours Onde histórias criam vida. Descubra agora