CHAPTER 10: KAYO BA?

69 48 2
                                    

CHAPTER 10:

*Riiiing! Riiiing! Riiiiiing! *

Ring ng phone ko. Nakakainis! Aga aga. Pero pagtingin ko sa phone ko ay 5:30 na kaya nagmadali akong tumayo at tumakbo sa bathroom ko.

Nakatopless ako ngayon dahil kakatapos kolangmaligo ngunit tulog parin ang diwa ko. Nakatingin ako sa salamin at tinititigan ko ang sarili ko. Sinampal sampal ko ang sarili ko para magising "Mikael ano ba gising na papasok na tayo" sambit ko sa aking sarili. At nagayos na ako ng uniform ko at sabay bumababa sa dining area namin para kumain at kunin ang allowance ko kay mama.

"maaaa papasok napo ako" sabi ko kay mama pagkatapos kong kumain at iniabot nya ang allowance ko.

Agad naman akong sumakay sa kotse at nagpahatid sa kanto para sumakay ng jeep. Yup kahit may kotse kami di ako nagpapahatid sa school kahit sobrang late na. Ewan ayoko lang magmukang mayabang or ano pa sa school namin gusto kolang maging simple lang kesa magyabang.

Time check 6:15 nice late na naman ako habang naglalakad ako papasok sa gate ng school namin ay agad kong naalala na sabay pala kami uuwi ni Isabel ngayong araw. At kinilig na naman ako. Maaga kaya syang pumasok? Nakapasok na kaya sya? Diko sya nakasabay sa jeep. Pagiisip ko. At ng makarating ako sa room ko ay wala pang teacher don kaya natuwa ako.

---
RECESS

Nakita ko si Isabel sa Canteen kausap si Christine ang Best friend nya. Diko alam kung panong approach ang sasabihin ko sakanya pero nakangiti lang ako confident para di halata.

Nagkatinginan kami at nginitian nya ako ng maganda. Lumapit sya saken at sabay sabing "uyyy mamaya ha wait moko" na para bang close na close na kami. Pero aaminin ko komportable ako sakanya. At umalis na sya at pumasok sa room nya

Ang room nya ay sa ground floor habang kami ay lilipat sa computer lab. Ang room ng com lab ay nasa 2nd flor katapat nila at tanaw na tanaw ang classroom nya. Nakikita ko sya mula dito sa 2nd floor mula dun sa tapat ngbintana na kinatatayuan nya. Nakatingin lang ako sakanya habang sya ay nakatalikod. "Pag to tumingin bet ako neto" isip isip ko. Pero tinawag naman kami agad ni sir para mawala ang atensyon ko dito at diko na nakita kung tumingin paba sakin si Isabel. - _-

---
Christine's Pov

Uwian na at nauna sila Mikael sakin lumabas at tila nagmamadali nila. Nang makita ko si Mikael at Jack na nagiintay sa labas ng gate na syang pinagtaka ko kasi kanina lang ay nagmamadali sila kaya nilapitan ko sila

"Uyyyy! Sinong iniintay nyo?" tanong ko sa dalawang kumag.

"Si Isabel" agarang sagot ni Jack saken. "Iniintay ni boss Mooxtar si Isabel your best friend" dagdag pa nito.

"Anong meron haaa" sarkastikong tono ko. At pinindot ang bewang ni Mikael na dahilan ng pagkakiliti nya.

"Wala sabay lang kami uuwi bakit bawal? Masama?" sagot ni Mikael saken pero halata sa muka nya na kinikilig sya.

"naku naaku naku!" pang aasar ko sakanya.

----
Isabel

Natanaw ko si Mikael sa di kalayuan. Nakita ko sya kasama nya si Jack at ako naman ay walang kasama dahil iniwan ko si Sabrina sa room na naglilinis. Nakaramdam ako ng malaks na kabog ng dibdib ngayon kona lang ulit ito naramdaman. Hindi naman si Mikael ang tipo kong lalaki. Kung titingnan sya. Gwapo sya di maipagkakaila. Sya ay kulot, matangkad maputi. Malaki ang ilong pero matangos. May jawline din sya gaya ng mga gusto ko sa lalaki. Maganda ang tindig ng katawan nya na syang nagpaganda ng dating nya. Pero diko alam dipa rin sya ang tipo ko.

"tagal mo!" reklamo ni Mikael.

Actually diko naman expect na iintayin talaga nya ko.

"kanina pa kayo dito?" tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa abangan ng jeep.

"sakto lang" sagot ni Jack

"Oyy dina ko sasabay dito nalang ako ah" sabi ni Jack at nagpaiwan nalang sya dun sa malapit kung saan ko sila nakita noon. At kami ni Mikael ay nagpatuloy sa paglalakad.

May nadaanan kaming isang babae na si Lira na sumigaw "Mikael jowa mo?" tanong nito. At napansin kona namula si Mikael at lumapit saken at nginitian lang ang si Lira. Diko alam pero napaisip na ako dun.

"Ang init" reklamo ko dito.

"May payong kaba? Tanong ni Mikael. Agad ko namang nilabas ang payong ko at kinuha nya sakin. At pinayungan nya ko. Na syang kinapula ng pisngi ko.

May dumaan na may mga lalaki sa loob sumigaw sila ng" walang forever" na syang kinataas ng kilay ko.

"Pinayungan lang jowa na agad?" natatawang sabi ni Mikael.

"Bat ganon no? Kapag magkasama sa iisang payong magjowa na agad diba pwedeng friends lang?" natatawa kong sabi kay Mikael.

May dumating naman agad na Jeep na walang sakay. Kaya sumakay na kami agad dito.

Nakasabay din naman namin ulit sila Jack kasama sila Zack at ang girlfriend nito. Nakasabay kona rin si Sabrina na syang nagaya saken kumain sa bayan kaya sa bayan ako bababa ngayon.

" Kayo ba?" tanong ni Zack samin.

"Hindi na nagbreak na kami kagabi e." sarkastikong sagot ko. At tumawa si Mikael at sinakyan ang trip ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Nagtawanan ang mga kasabay namin dito sa jeep. Dahil karamihan ay mga kaibigan lang din naman namin ang kasama namin dito.

Ng makarating kami sa bayan ay bumaba kami ni Sabrina sa baba ng tulay para dun kumain ng mga Street foods at iba iba pang pagkain. Nagpaalam naman ako kay Mikael.

2pm nako nakauwi ng bahay. Pagkabukas ko ng WiFi ng phone ko agad namang nag notif ang pangalan ni Mikael. Nagchat pala sya.

From Mikael

"Nakauwi kana ba?"

"Kakauwi kolang" agad na reply ko.

"Uwi ba ng matinong babae yan? Angry emoji*

HAHAHAHAHA naguumpisa na naman sya sa pagiging feeling jowa nya XD sinakyan kona lang to ng sinakyan." bahala ka kapag ikaw nafall sakin"hahahahaha sabi ko sa phone ko na parang mababasa nya habang magkachat kami.

Humaba ng humaba ang usapan namjn hanggang sa sinabi nya na sumabay ulit ako sakanya bukas ng uwian. Komportable naman ako kay Mikael. Masarap syang kausap, masaya syang kasama. Hindi sya boring. Bet kona rin siguro sya. Ewan feeling ko mag ka vibes kami.

Bumalik na naman yung topic about kahapon ying nagbreak kami HAHAHAHA ngayon kami na daw ulit. Nakakatuwa syang kachat.

"tayo na ulit ha" sabi nito sakin.

HAHAHAHA sa totoo lang ay kinikilig ako sa ganto namin na nagbibiruan kami ng ganto. Ewan koba.

Nagpaalam na kamj sa isat isa at nag goodnight na.

Iloveyou" sabi ni Mikael

Iloveyoutoo"sabi ko naman sakanya HAHAHAHAHAHA pero trip trip lang yun ha. Oh alam nyo na hindi lahat ng iloveyoutoo totoo. Charr.

~~
PANIS KAYO DYAN HAHAHAHAHA

PLEASE VOTE AND FOLLOW ME LABLOTS :P <3

Unexpectedly Yours Where stories live. Discover now