7: Revelations

2.7K 92 15
                                    

Alyssa

"Anong plano mo?" tanong ni Ara habang tumutungga ng whiskey.

"Protektahan si Jema at Deanna." 'yun naman talaga ang ginagawa ko kasi sila ang susunod na mamumuno sa palasyo.

"Tapos?" Sabat ni Kim habang umiinom din. Tsk. Mga lasenggo.

"Ano pa bang dapat kong gawin?" Inis na tanong ko sakanila. Nandito kami sa pack house ni Kim, kailangan niya raw ng kausap kasi nagtampo sakan'ya si Mela.

"'tsaka bakit ako iniinis mo, yung problema mo sa asawa mo hoy."

"Maaayos ko din yun. Pero ikaw, yung problema mo sa mate mo? Ano na?" Pangungulit niya.

Huminga nalang ako ng malalim.

"Alam mo namang malabo diba? Alam niyo yan. Saktong 25 years na Kim nung mawala siya, mali. Nung iwanan niya ako. Namatay ako nun, naipanalo ko nga ang great war pero..." Sht. Di ko na mapigilang umiyak.

"Pero nawala lahat sa akin Kim." Tumungga na din ako ng alak. Pumikit at ninamnam ko ang init na dumadaloy sa lalamunan ko.

"Alam mong hindi kami nawala para sayo Aly," sabi ni Ara at tinapik ako sa balikat, bago pa man maganap ang great war ay magkaibigan na kami, kasama si Jia, Mika at si.. at ang taong nagdulot ng sakit sa pagkatao ko.

"'tsaka hahanapin pa natin ang anak niyo diba?"

Ang anak namin...

Matagal ko na siyang nakita, di ko lang pinaalam sa lahat para protektahan siya. Kukunin ko sana siya sa tamang edad pero nahuli ako.

"Nakita ko na siya, ang anak namin."

Gulat naman silang napatingin sa akin.

"Saan?!?"

"Sino?!?"

"Paano?!?"

Nandito na din pala si Mika, Jia at Mela.

Kaagad namang yumakap si Kim sa asawa. Narinig pa namin ang mahinang growl ng wolf niya.

"Ang laswa niyo hoy," binato sila ni Ara ng tsinelas na ikinatawa namin.

"Amin amin din kasi Ara para di maunahan diba Mika?" Pang aasar ni Kim. Yumuko lang si Mika habang si Ara ay napainom ng isang baso.
(KaRa first ship ko eh, lubog na lubog na pero ba't ba! :< )

Siguro dapat ko nang sabihin sakanila. Alam kong matutulungan nila ako.

Umayos ako ng upo at tinignan sila isa-isa.

"Kailangan niyong malaman kung sino ang anak namin."

Bianggit ko kung sino, gulat silang lahat.

Si Ara nalaglag sa inuupuan, si Kim nabulunan sa alak habang ang tatlo ay nakanganga.

"Sigurado ka?!?" Sabay nilang tanong, tango lang ang isinagot ko.

Siguradong sigurado.

---

Deanna

"Dad," tawag ko sakan'ya pagpasok ko sa throne room.

Nakaupo siya sa trono habang nasa baba ang council. Ramdam ko ang matalim na titig ni Mr. Rivero sa akin kaya tinitigan ko rin siya.

"Ano'ng ginagawa ng isang yan dito? He doesn't belong here," tukoy ko sa anak niyang nakatayo sa likod niya.

Ang meeting na ito ay para lang sa miyembro ng council at royal family.

My Mate (GaWong)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن