10: Monster

2.4K 92 10
                                    

Jema

Tumingala ako sa kalangitan, namamaga ang mata dahil kanina pa ako umiiyak. Nasa garden ako ngayon.

Hapon na pero wala pa rin akong balita kay Deanna simula kaninang madaling araw. Nagising akong wala siya sa tabi ko.

Ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan siya, nagmakaawa ako kay Tita Judin pati sa hari pero wala.

Kahit di ko alam ang pasikot-sikot, pinasok ko ang palasyo para puntahan ang hari sa throne room pero wala rin akong napala.

Sabi ni Deanna kagabi ililibot niya ako pero nasaan siya?

Alam kong may problema. Ramdam ko...
Nararamdaman ko na nahihirapan siya ngayon.

"Ikaw ang mate ni Deanna 'diba?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Babae at may sout na sumbrerong patulis. Witch?

Ang ganda namang mangkukulam, yung tangos ng ilong niya saktong-sakto lang. Yung tindig niya para siyang model.

"Sino ka?" Matagal bago ako nakasagot kasi natulala ako sa ganda niya.

"Gusto lang kitang tulungan," kinunot ko ang aking noo sa sinabi niya. Di ako nagsalita.

"Alam ko kung nasaan siya." Dagdag ng babae.

"Bakit ako maniniwala sayo?"

"Ikaw ang bahala kung ayaw mo, baka bukas di mo na siya makita."

Di ako sumagot.

May tinapon siyang susi na sinalo ko naman.

"Magagamit mo din 'tong invisibility cloak," nilapag niya sa bench ang kulay pulang tela.

"Hanapin mo sa bandang likod ng palasyo ang silver na pintuan, use that key little girl."

Bigla nalang siyang naglaho sa paningin ko.

"baka bukas di mo na siya makita."

Nag echo sa utak ko ang sinabi niya. Hindi. Hindi pwedeng hindi ko na siya makita kahit kailan, di ko kakayanin.

Bumalik ako sa kwarto namin ni Deanna para magbihis at maghanda. Tinitigan ko ang susi, pilak din ito.

Nasaan ka ba kasi Deanna Wong?

After few hours

Mag-aalas diyes na, kakatapos lang namin mag dinner ng boung pamilya ni Deanna.

Ang kapatid niya na si Nicole ay sobrang bait sa akin. Kwento siya ng kwento kung gaano ka ayaw ni Deanna kumain ng gulay.

Natawa ako nang maalala ang usapan namin kanina.

"Jema you should've seen sachi's face nung one time mom make her pilit to eat okra," conyo pala siya, ngumiti lang ako bilang tugon. Nagpatuloy naman si Nicole.

"She cried so hard then her sipon eww, lumubo like a plastic balloon then nag putok on her face." Tawang-tawa silang magkapatid kaya pati ako rin, paiyakin ko din kaya si Deanna para magkasipon tas ganun?

"Nicole enough na, lagot ka kay Sachi," natigil lang kami nang sawayin kami ni tita Judin.

Kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam ko. Di ko ramdam na iba ako sakanila.

Nasa kwarto na ako ulit para kunin yung susi at telang binigay nung babae sa garden kanina.

Invisibility cloak. Naalala kong tawag niya dito. Pumunta ako sa harapan ng salamin at nilagay ko sa ulo ang tela.

My Mate (GaWong)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum