22: Hope

1.9K 80 5
                                    

Jema

"Mabuti naman at bumalik ka na."

"Naaliw ako sa paglilibot." Ilang araw na akong di pumupunta sa palasyo.

Namimiss ko na ang mag-ina ko.

Nadatnan ko ang kapatid ko na naakaupo sa couch habang nilalaro ang isang silver na kutsilyo.

"Di ka ba nanghihina sa pilak?" Tanong ko.

"I'm immune."

Napakunot ang noo ko, "paano?"

"Si mama, nung bata pa ako ay kinulong niya ako ng dalawang buwan sa kwarto na puno ng pilak."

Nagawa 'yon ni Rachel sakan'ya?

"Muntik na akong mamatay nung unang buwan pero bigla na lang na di ako nasasaktan," sinugatan niya ang palad at dinilaan ang dugo na umagos mula doon.

Ang mga mata niya, katulad kay Denisse. Kahit titigan ka lang ay matatakot ka at manghihina.

"Nakapagdesiyon ka na ba Jema?" Tanog niya habang tumutulo ang dugo sa sahig.

Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Deanna.

Flashback

"Kailangan natin mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Sa paghihiganti ko kay Alyssa at Denisse."

Tinitigan niya lang ako na parang di makapaniwala.

"Hindi si Rachel ang tunay kong ina 'diba?"

Naramdaman ko na hindi nang nasa taguan na kami ni Rachel. Para akong nakawala sa kadena at napagtanto lahat.

Umiling siya, "hindi."

Walang nagsalita.

"Mi amor, pinainom ka ba ni Rachel ng dugo ko?"

Yung pulang likido, tumango ako sakan'ya.

"Sila ang bumihag sa akin," napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sila ba ang may gawa nito?" Tukoy ko sa sugat sa ulo niya.

"Si John Vic, hinampas niya ako ng baseball bat," napakuyom ang kamao ko.

Pinaglaruan ako ni Rachel. Pinaglaruan niya kami ng kapatid ko.

Hinaplos ko ang pisngi ni Deanna, napapikit siya dahil doon.

"Kaya pala grabe ang galit na nararamdaman mo mi amor," pahayag ni Deanna.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Unang beses ka kasi nakainom ng dugo kaya di mo na control ang emosyon mo. Nagalit ka ng sobra dahil galit rin ang una mong naramdaman nang makainom ka," pagpapaliwanag ni Deanna.

Kaya pala.

Pero..

Kung hindi si Rachel...

"Sino ang tunay kong ina?"

"Si Alyssa at Denisse." Agad na naalala ko ang ginawa ko kay Denisse.

My Mate (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon