27: Mother's Love

2K 85 6
                                    

Jema

"Love."

Kanina ko pa siya tinatawag pero di niya ako pinapansin.

"Deanna."

Wala pa rin.

"Deanna Wong." Tiningnan niya lang ako at nag-iwas ulit.

Nasa kwarto na namin kami, si Izza ay malamang kasama na ni John Vic. Nararamdaman ko naman na maayos lang ang kalagayan ng anak ko kaya kampante ako.

"Deanna..." Hinaplos ko ang braso niya pero nagulat ako kasi tinalikuran niya ako.

"Why did you agree with their plan?" Nagsalita rin siya sawakas, still not facing me.

"Sinabi ko na 'di ba love? Gagana ang plano alam ko 'yon."

"Ramdam ko na maayos lang ang anak natin 'tsaka may protection spell na ginawa si Laura kaya 'wag ka na masyadong mag-alala." Dagdag na paliwanag ko.

Si Izza... Nang kargahin ko siya kanina bago sila umalis ay parang bigla akong nanghina.

Ganun rin kaya ang mararamdaman ni John Vic?

"Still Jema. I hate their plan and I hate that you let my child be involved in this."

Natahimik ako sa sinabi niya.

I let her child be involve? Siya lang ba ang ina ni Izza?

"Ginagawa ko lahat para maprotektahan siya tapos ibibigay mo lang sa kalaban?" Sumbat nito sa akin.

Satingin niya ba gusto kong gawin 'yon?

"Sorry if iniisip mong wala akong pakealam sa anak MO."

Umalis ako sa kama at mabilis na naglakad palabas.

"Where are you going Jessica?" Di ko siya nilingon man lang, dire-diretso akong lumabas ng mansion. 'Di ko naman siya naramdaman na sumunod.

Pumunta ako sa garden, sa bench na lagi kong inuupan pag gusto kong mag-isip.

Pumikit ako at yumuko. Mali ba talaga ang ginawa ko?

Wala na rin akong ibang paraan na maisip, at ang plano nila ang pinakamabisa para hindi tumakas si John Vic.

"Baby girl? Bakit nandito ka sa labas?"

Tumingala ako.

Si Denisse at si Alyssa na magkahawak-kamay ang nasa harap ko.

Di ko alam kung anong dapat gawin o sabihin. I got stuck staring at them.

Naramdaman ko nalang na may mga kamay na humaplos sa pisngi ko.

Umiiyak na pala ako nang di ko namamalayan, pinupunasan ng babaeng may asul na mata ang mga luhang nasa pisngi ko.

"M-mommy D-denisse..." Is all I was able to utter.

Niyakap ako nito ng napakahigpit, dinikit ko ang mukha sa leeg niya habang patuloy na umiiyak.

"Magiging maayos din ang lahat anak," tumabi sa akin si Alyssa.

"Mama..." Sabay nila akong niyakap na dalawa.

Sa loob ng mahigit dalawampung taon, di ko inakalang mangyayari ang bagay na 'to. Ang mayakap ako ng mga magulang ko.

Ilang minuto rin kaming nanatiling magkayakap tatlo hanggang sa kumalma na ako.

"What happened baby girl?" My mommy asked nang umupo rin ito sa tabi ko, I'm now seating between mama Alyssa and her.

"Si Deanna kasi," I bit my lower lip trying to stop my tears but failed.

"Nagalit siya dahil pumayag ka sa plano ano?"

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now