14: Calm Before the Storm

2.4K 101 31
                                    


Jema

"Jema stay away from me!" Tinulak niya ako dahilan para matumba sa kama.

"D-deanna bakit?" Umiiyak na tanong ko sakan'ya. Yung mata niya nagkukulay pula pero galit ang nakikita ko.

"Ayoko na sayo!"

Naglakad na siya papunta sa terrace kaya hinabol ko at hinawakan siya sa kamay.

"Deanna! H'wag mo akong iiwan please!" Niyakap ko ang braso niya pero iwinaksi niya lang ito.

"Deanna..." Humawak siya sa railings ng terrace at binigyan ako ng malamig na tingin bago tumalon.

Humihikbi akong napaluhod nang mawala siya sa paningin ko.

"Deanna!!!"

"Mi amor! Jema wake up," nag-aalalang mukha ni Deanna ang bumungad sa akin.

Pinupunasan niya ang luha sa mga mata ko. Hinawakan ko siya sa pisngi habang umiiyak pa rin.

"H'wag mo akong iiwan Deanna.."

"No mi amor. I won't. Hinding-hindi ko gagawin 'yan."

Niyakap niya ako sabay sabing "it's just a bad dream mi amor, tumahan ka na."

Hindi ako nagsalita, iniisip ko pa rin ang napanaginipan ko.

"Mi amor stop crying na please, nasasaktan din ako," pinagdikit niya ang mga noo namin.

Kahit papano ay kumakalma na ako.

"Hindi rin 'yan maganda para sa baby," nilayo ko ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Baby?"

Nakangiti si Deanna sa akin, naramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang tiyan ko kaya napatingin ako d'on.

"Deanna anong baby? Di naman ako buntis."

"Yes you are mi amor." Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Ako ba pinagtri-tripan mo Wong? Sapak ka sa akin."

Tinanggal ko ang kamay niya sa tiyan ko pero binalik din ng bruha na ikinainis ko. Tinitigan ko siya ng masama.

"Deanna gumagamit ba ng drugs ang mga bampira?"

"Huh?"

"Anong baby ka d'yan di nga ako buntis."

Yung ngiti niya mas lalong lumapad dahilan para sumingkit lalo ang mga mata niya.

"Para kang tanga eh, nakakainis 'yang ngiti mo."

"Mi amor, I'm happy kaya nakangiti ako. Bawal ba 'yon?"

"Basta nakakainis! Wag kang ngingiti!"

Tinakpan ko 'yong mukha niya gamit ang palad ko. Pinipilit niyang tanggalin pero diniin ko pa lalo.

"Jema ano ba!" Natanggal na niya ng tuluyan ang kamay ko.

Nakakunot na ang noo niya kaya ako naman napangiti sa reaksyon niya.

"'yan bagay sayo ang nakasimangot," pinanggigilan ko ang pisngi niya kaya mas lalong nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

Sobrang cute ni Deanna waahhhh!

"Jema ouch!!!"

Tinigil ko na ang pagkurot nang sobrang pula na talaga ng pisngi niya.

Mukha siyang kamatis na hinog, humalakhak ako at hinampas siya sa braso.

"Deanna dapat yung mukha mo laging kulay pula, ang cute mo." Dumapa ako sa kama, nasa panga ang dalawang kamay para pantukod habang nakatitig sakan'ya ng malagkit.

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now