15: Lighting Blast

2.3K 82 10
                                    

Jia

"Mika!" Tawag ko sa babaeng matangkad na kakapasok lang sa pinto.

Kanina pa kasi namin siya hinihintay, kasunod niya si Ara na may bitbit na dalawang libro at case na naglalaman ng potions.

"Pasensya na't natagalan may hinanap pa kasi ako." Sabi ni Mika.

Napatingin ako sa labas ng bintana, ang lakas ng kulog at kidlat. Madilim ang kalangitan pero hindi naman umuulan.

"May kakaiba sa langit," sabi ni Kim. Sumang-ayon kaming lahat dahil napansin namin na parang ang vampire kingdom lang ang pinapalibutan ng maiitim na ulap.

Biglang may kidlat na tumama sa gilid ng pack house ni Kim kaya natumba ang dalawang puno.

"Jia," tiningnan ako ni Kim nakuha ko naman ang gusto niya, ginamit ko ang aking kapangyarihan para ibalik sa pwesto ang mga puno.

Napakunot ang noo ko nang tamaan ulit ng kidlat at natumba na naman ang dalawang puno.

Ang tama ay eksakto sa nauna nitong tinamaan kanina.

"Seryoso ba 'to?"

Mas lalong lumakas pa ang mga kulog at kidlat.

"Guys." Tawag ni Alyssa na bagong pasok lang kasunod niya si Denisse na nakakunot ang noo.

"We have a problem."

Bungad ni Denisse nang makalapit siya sa amin.

"Mika," tumingin siya kay Mika parang nag-uusap sila gamit ang mga mata, the latter nodded and grab the thicker book from Ara.

Binuksan niya ito at inilapag sa table kaya napatingin kaming lahat. Tinuro niya ang pahinang kalahati lang kasi punit ang gitna.

I first saw a photo of burnt houses, tapos sa gilid ay may sketch ng taong nakatalikod na may hawak na lighting bolt habang nakataas ang kamay.

"Zeus's Curse," mahina kong basa sa nakasulat sa itaas ng pahina.

My mouth hang open when I realized what I've just read.

"The chosen one has arrive,
With the great war's reward.
Heavy winds while lightning strikes.
In the hands of the broken soul,
The race would stand or slump."

Binasa ni Mika ang nakasulat sa baba, isa itong propesiya pero ang inakala namin ay tapos na ito kasabay ng pagtatapos ng great war.

But prophecies are hard to understand, hindi mo alam kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito.

Who is the chosen one? Ang nagtataglay ng kapangyarihang kidlat.

"In the hands of the broken soul?" Nag-iisip na sabi ni Mela, "ang chosen one ba d'yan ang tinutukoy o iba?"

Walang nagsalita, lahat malalim ang iniisip.

Tumingin ako muli sa bintana, sunod-sunod pa rin ang pag-iingay ng kalangitan.

Napahilamos ako, una ang pagbabalik ng mangkukulam na itinakwil, tapos ngayon ang sumpa ni Zeus—king of the gods.

——

Denisse

I feel so useless right now. I'm supposed to protect everyone kasi naturingan ako ang highest royalty.
Pero kanina I can't even decipher what the prophecy meant.

Mabuti nalang may progress na sa problema namin sa mangkukulam.
Gumagawa na ako ng sarili kong plano para mahuli si Rachel. I'll make sure that she'll suffer lalo na sa ginawa niya sa mag-ina ko.

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now