12: Way Back Into Love

2.6K 105 27
                                    

Alyssa

Denisse.

I blinked several times just to make sure na hindi ako nananaginip. She's here. She's really here.

Nakayuko siya sa side ng kama at natutulog habang hawak ang kamay ko.

Dinahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero nagising pa rin siya.

"Alyssa..." She said and tears almost escaped from my eyes pero pinigil ko.

Sa ilang taon niyang pagkawala, madaming scenario akong hinanda kung ano ang dapat kung sabihin pag nagkita kami ulit.

Pero wala akong lakas para mag react. Nakatitig lang ako sakan'ya. To her beautiful blue eyes, ang mga matang nagpaibig sa akin.

"Alyssa..."

Lumapit siya at hinaplos ang pisngi ko, my body reacted to her touch at kusa nalang pumikit ang mata ko.

I miss you. Sabi ko sa isipan ko.

"I miss you too," napamulat ako nang sumagot siya. Oo nga pala, she's my mate and we're connected. Nababasa niya ang isipan ko.

I blocked her access para di niya malaman ang iniisip ko. I saw pain on her eyes nang mapagtanto ang ginawa ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" I finally had the courage to speak.

Akma niyang hahawakan ulit ang kamay ko pero nilayo ko ito.

"Answer me first. Anong ginagawa mo rito?"

"P-para balikan ka. Ly, aren't you happy that your Dennise is back?"

My Denissa is back.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Magkahalong galit dahil sa pag-iwan niya sa akin at pangungulila, walang araw na di ko hiniling na mangyari ito, na sana bumalik na siya.

"Mahal mo na ba talaga siya Alyssa?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Bago pa siya makasagot ay bumukas ang pinto at niluwa nito si Jia.

"Alyssa!"

Nakita ko na nasa likod niya si Kim.

"D-denisse."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.

"Anong kailangan mo Jia?" Diretsong tanong ni Denisse na may blangkong mukha. Napangisi ako. Di pa rin talaga nagbabago ang mahal ko, masungit pa rin.

Matagal bago nakasagot si Jia kaya si Kim na ang nagsalita.

"S-si Jema..."

"Anong nangyari kay Jema?!?" Kaagad akong napaupo nang marinig ang pangalan niya.

Nakita ko namang napairap si Denisse.

Anong problema ng babaeng 'to?

"Kim anong nangyari kay Jema?"

"Nawawala siya pati si Deanna, kaninang umaga papakawalan na dapat si Deanna pero naabutan ng mga guards na sira na ang pinto."

Ilang araw ba akong nakatulog?

"Anong araw na ngayon?"

"Linggo," sagot ni Jia.

Biyernes ng gabi nung nagwala si Deanna. Mga dalawang araw. Ang haba naman.

Tumayo na ako at nag-unat.

"Kailangan natin silang mahanap. Ayokong mapahamak si Jema."

Hahakbang na sana ako pero naramdaman kong may nakatitig nang sobrang talim sa akin.

My Mate (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon