25: Fool

1.8K 88 13
                                    

John Vic

Sawakas!

I couldn't contain my laugh habang pinapanood na unti-unting natutupok ang palasyo ng mga bampira pati ang mga bahay sa paligid nito.

Jema also did a very good job. Lightning is everywhere. Tinatamaan ang mga puno at mga bampira.

Sigurado akong this will hit the news tomorrow and I'm also sure they will call this a forest fire, itatago pa rin ang identity ng mga bampira and other mythical creatures.

That is what I don't understand. Kami ang mga makapangyarihan pero kami ang nagtatago for the sake of those pathetic humans.

But I'll make sure matapos kong sakupin ang mythical kingdom. The human race would suffer. Mamumuno ang karapat-dapat mamuno.

"Rachel, kung di ka sana tanga magkasama sana tayong tinutupad ang plano mo ngayon." Napailing-iling ako.

Masyado kasing kampante. Pero kahit na nabuhay siya I will not allow her  to lead. Ako ang karapat-dapat, she's incompetent. Ang di niya alam matagal ko nang sinusubok ang lakas niya by attacking her intentionally at sinasabi ko na biro lang.

"John Vic," boses ng kapatid ko.

Isa din 'tong tanga. Siya mismo ang papatay sa mga magulang namin. Tsk. Tsk.

"Bakit?" Tanong ko.

Matagal ko nang alam na niloloko lang ako ni Rachel. Pero wala na akong pakealam kung sino pa man ang nagsilang sa akin.

Ang gusto ko lang ay maging hari nilang lahat.

And I won't be able to do that hangga't nabubuhay si Denisse at Jema. Kung mamamatay sila, I'll have the throne of the British Vampire Kingdom and it will make me the most powerful.

"Nakita ko na si Alyssa, nandito sa left wing ng palasyo."

"How about Denisse?" Siya ang dapat mawala.

"Hindi ko alam. Sumunod ka nalang dito kung gusto mong manood kung paano ko siya patayin."

Isang malaking tanga.

"Mr. Rivero, Bang, kayo na muna ang bahala rito, patayin ang magmamatigas," pinisil ko ang kamay ni Bang, she's my mate.

"Mag-iingat ka John Vic," tumango lang ako. As much as I want to show how I really feel for her ayoko. I'll never be vulnerable for anyone.

Ang tanging nais ko lang ay ang maging pinakamalakas.

Nilingon ko muna ang nagkakagulong mga bampira habang sinusugod sila ng mga lobo at wizards na alipin namin bago ko tinungo ang left wing. Nakakaawa.

Pumwesto ako sa pinakamatayog na puno nang makita ko na si Jema at Alyssa na naglalaban.

Halatang iniiwasan ni Alyssa na masaktan ang tanga kong kapatid kaya lagi siyang natamaan ng kidlat nito.

"Jema, tumigil ka na," may dugo na sa labi si Alyssa pero patuloy pa rin sa pag atake si Jema.

"Titigil lang ako pag napaslang na kita."

Very good Jema. You're making everything easier for me.

Alyssa tried making an ice shield pansalag sa kidlat na papunta sa direksyon niya pero nabasag lang ito agad at dumiretso ang impact sa dibdib niya.

Gan'yan ka pala talaga kalakas Jema? Sa'yo pala ako mahihirapan ng sobra.

Lumapit na ako nang sakal-sakal na ng kapatid ko ang tunay naming ina.

My Mate (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon