13: Anger and Hatred

2.4K 95 17
                                    

Jema

"Sa'n kayo nanggaling?!?" Umalingawngaw ang sigaw ng hari sa throne room. Yumuko lang ako, humigpit naman ang hawak ni Deanna sa kamay ko.

"To my secret place dad," mahinahong sagot ni Deanna.

Nang umangat ang tingin ko sinalubong ako ng nakakatakot na tingin ng hari, parang mangangain ng buhay. Yung singkit niyang mata mas lalong sumingkit.

"Dean honey, calm down okay?"

Hinawakan siya ni tita Judin sa balikat, halata namang kumalma siya dahil doon.

"I'm sorry for raising my voice. Alam n'yong Linggo ngayon! Deanna you have your obligations in this palace," may diin pa ring sabi pero mahinahon na. "Nakakahiya sa highest royalty."

"Nah it's okay," sabay kaming napalingon sa nagsalita, yung babaeng lumapit sa akin noong nagpunta ako sa throne room.

Kahawak-kamay naman niya si Alyssa.

"Hi baby girl," nagulat ako nang yakapin niya ako, kita ko namang napakunot ang noo ni Deanna.

"Hello po, good afternoon," nahihiya kong sabi nang kumalas na siya.

"Oh don't call me po, call me mommy baby girl."

Ha?

"Ah ahm Den," nagsalita na yung Alyssa at makabuluhang tinitigan ang babae tinaasan naman siya ng kilay nito.

Tumingin ulit sa akin yung Den at ngumiti ng matamis, napansin ko yung mata niyang asul, sobrang ganda.

"Jema right?" Hinaplos niya ako sa pisngi. Si Deanna sa gilid ko ay napakuyom ng kamao kaya hinawakan ko siya sa braso.

"O-opo pero Jessica Margarett po ang boung pangalan ko," yumuko ako matapos sumagot.

"Look at me baby girl," hinawakan niya ang kwintas na nasa leeg ko. Naweweirduhan na ako sa ginagawa niya kaya hinigpitan ko ang kapit kay Deanna.

"Mawalang galang na, but who are you? Sino siya ate Ly?" tanong ni Deanna.

"Deanna!" Sumigaw ulit ang hari.

"Control your temper King Dean, it's actually my fault that I didn't introduce myself properly."

"But Highest Royalty—"

Highest Royalty? Ang pinakamalakas na bampira?!?

Kaagad namang yumuko si Deanna nang marinig mula sa ama kung sino ang kaharap namin, yuyuko na rin sana ako pero hinawakan ako sa balikat ni Alyssa.

"Tumayo ka na ng tuwid Deanna and Jema hindi mo kailangang yumuko sa akin baby girl," bakit niya ba ako tinatawag na gan'yan?

Gustuhin ko mang magreklamo pero di ko magawa lalo na't kaharap ko ngayon ang pinamalakas na bampira.

Ano kayang kapangyarihan niya?

"Now King Dean let's start the meeting, we have so many things to discuss," ngumiti muna sa akin ang highest royalty bago umupo sa isa sa mga upuan dito sa throne room.

Napansin ko din na binago nila ang ayos ng silid, yung mahabang lamesa ay wala na, labindalawang magagarang gintong upuan ang nakabilog at pinapalibutan ang bilog na lamesang may mapa ng vampire kingdom.

Hinawakan ni Deanna ang kamay ko, umupo siya sa kanang bahagi katabi ng mahal na hari.

Tumabi ako kay Deanna sa kabilang gilid ko ay katabi ko si Alyssa na nakangiti sa akin.

Maya-maya ay may limang dumating, "ang council" binulong sa akin ni Deanna, tumango lang ako at tiningnan sila isa-isa.

Namumukhaan ko ang dalawa na kasama namin sa bus, ang iba ay hindi na.

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now