17: Broken Soul

2K 95 14
                                    

Jema

Ang tagal ni Deanna!

Seven pm na pero wala pa rin siya.

Nakatambay muna ako sandali sa garden para magpahangin, may dalawang guards naman na nakabantay sa akin, nakatayo sila sa entrance ng garden habang ako ay nasa bench.

Gusto ko sana mapag-isa but Daddy Dean insisted. Si Deanna ang may ideya na pasundan ako lagi eh.

Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko, bukas makikita na namin ang baby namin. Babae kaya o lalaki?

"Jessica."

Lumingon ako nang may marinig akong nagbanggit ng pangalan ko, pero wala namang tao sa likod.

"Jessica," lalaki ang may-ari ng boses. Pamilyar siya sa akin pero di ko mawari kung saan ko unang narinig.

Tatawagin ko na sana ang mga guards para magsumbong pero nagsalita ito ulit.

"Mag-iingat ka sa mga nakakasama mo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagulat ako nang nagawa ko rin na kausapin siya gamit ang isipan ko.

"Niloloko ka lang nilang lahat Jessica, lalo na si Alyssa at Denisse." Halata sa boses nito ang galit niya sa dalawa.

"Hindi kita maintindihan." Sagot ko sakan'ya.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang iyong mga magulang?"

Napakuyom ako nang banggitin niya 'yon, anong karapatan niya para banggitin sa akin ang tungkol sa mga magulang ko?

"Ano ba'ng alam mo?!?"

"Lahat Jessica. Lahat. Kung nais mong malaman ang tungkol sakanila at tungkol sa sarili mo magkita tayo sa likod ng palasyo tatlong araw mula ngayon."

"At bakit kita pagkakatiwalaan?"

"Dahil alam ko rin ang pakiramdam na abandonahin."

'di ako nagsalita. Naalala ko na naman kasi kung ga'no kahirap mamuhay mag-isa. Kung paano matulog sa gilid ng kalsada, umiiyak dahil boung araw na walang kain.

"Tandaan mo. Mag-iingat ka kay Alyssa at Denisse."

Naramdaman ko na may hangin na humampas sa balikat ko. Naghintay ako na may magsalita muli pero wala nang sumunod.

Pumikit ako pinipigilan ang luha na gustong lumabas sa mga mata ko. Matagal ko nang tanggap na 'di ko na makikita ang tunay kong mga magulang. Di ko rin pinangarap na makita silang muli.

Pinabayaan nila ako.

"Kamahalan, pumasok na po tayo nagsisimula nang sumama ang panahon."

Dumilat ako at tumayo na. Tumingala ako sa kalangitan.

Kanina napakapayapa nito pero ngayon ay sunod sunod na ang kulog at kidlat na parang nais maglabas ng galit.

Matagal bago ko inalis ang tingin dito. Namamangha kasi ako sa bawat pagliwanag ng langit.

"Nakauwi na ba si Deanna?" Tanong ko.

"Hindi pa po."

"Alam mo ba kung nasaan siya?"

Nagtinginan muna sila ng kasama niya bago sumagot.

"Hindi po pero kasama niya ang isandaang sundalo nang umalis sila."

My Mate (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon