21: Chaos

1.8K 73 3
                                    

Mika

"Ilikas ang mga commoners!" Sigaw ko habang nasa balkonahe ng palasyo.

Nagkakagulo na sa boung wizard kingdom. Sobrang lakas ng hangin, ang mga bahay at puno ay kulang nalang mabunot mula sa lupa.

"Mga mandirigmang wizards kontrahin niyo ang hangin," utos ko na agad naman nilang sinunod.

Nasaan si Maddie at Bang? Bakit ako lang ang gumagawa ng trabaho.

Mga kapatid ko sila, pero magkakaiba ang aming ina.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nakangisi habang nakataas ang mga kamay sa di kalayuan.

"John Vic," nagsisimula na talaga siyang manalasa.

Kinuha ko ang wand at lumabas na ng silid. Kailangan kong puntahan si ama.

"Ano'ng nangyayari dito?"

Nagulat ako sa bumungad sa akin sa

throne room.

Si Maddie at ang Hari ay nakabitin patiwarik.

"Mika, Mika, Mika."

"Bang! Ano satingin mo ang ginagawa mo?!?"

"Kinukuha ang gusto ko. Ang trono."

"Nababaliw ka na."

"Baliw? Sobra," humalakhak siya.

"Akala mo madaling maiwan na nakatago sa anino niyo ni Maddie?" Ngayon naman ay naiiyak na ito.

Baliw na talaga.

"Kami ni John Vic ang mamumuno sa lahat ng mythical kingdom. Luluhod kayong lahat sa amin."

Di makapaniwalang tumingin ako sakan'ya.

"Masdan mo ang mga wizards mo Mika. Nakakaawa."

Nilipat ko ang tingin ko sa labas. Kakaunti na lang ang nakatayo at patuloy na lumalaban.

"Hindi."

Katapusan na ba talaga ng mythical kingdoms?

Ara

"Mr. Rivero anong ginagawa mo rito?"

Sandamakmak ang kasama niyang mga tauhan sa labas.

"Alpha Ara . Sumanib ka sa amin."

"Anong kinain mong agahan para isipin na gagawin ko 'yon?"

Ang lakas naman ng apog nito.

"Ang tataas talaga ng tingin niyo sa sarili niyo. Kayo nila Alyssa."

Hipokrito. Akala mo naman siya hindi.

"Umalis ka na Mr. Riv—"

Nanlaki ang mata ko nang makita si Mika na hila-hila ng dalawang bampira. Walang malay.

"Anong ginawa mo sakan'ya?"

Tumawa ito ng napakalakas.

"Hawak na namin ang  wizard kingdom. Isa ka sa may pinakamalaking pack kaya kung matalino ka ay sumanib ka na sa amin."

"Hindi ko gagawin 'yon!"

"Kahit pa ikamatay ng babaeng 'to?"

Kumuha siya ng espada at nilagay sa leeg ni Mika.

Magpapalit-anyo na sana ako pero tumilapon ako sa gilid dahil sa malakas na hangin.

"Ikulong niyo ang Alpha, susunod sa atin ang mga munting lobo niya."

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now