20: The Plan

1.8K 73 8
                                    

Deanna

"Mama ano na ang susunod mong plano?" Boses ni De Guzman ang bumungad sa akin nang magmulat ako ng mata.

Sobrang sakit ng ulo ko.

"Panalo na tayo John Vic, kakampi na siya sa atin." Mayabang na tugon ng babae.

"Paano ka nakakasiguro? Ma hindi dapat tayo magsawalang-bahala."

"Ano ka ba John Vic, magtiwala ka sa akin."

Pumikit akong muli nang maramdaman ko na may naglalakad papalapit sa akin.

"Hindi na natin kailangan ang isang 'to. Kusang lalapit ang kapatid mo sa atin. Iba ang pagagamitan natin sa prinsesa ng mga bampira."

--

"Bilisan mo ang lakad!" He pushed me hard kaya napaluhod ako. Agad naman niya akong hinila patayo.

Di ko alam kung saan kami papunta, basta na lang niya ako hinila kanina at nilagyan ng blind fold.

"John Vic hanggang dito lang. Maiwan mo na kami."

"Bakit ma?"

"Basta. Umalis ka na, ibalik mo si Rivero sa ama niya kumbinsihin mo na sumanib sa atin."

Tumigil kami, ilang minuto ang nagdaan ay tinanggal niya ang takip sa mata ko.

My brows furrowed when I realize where are we.

Nasa likod ng palasyo. Is she insane?

"May plano ka bang magpakamatay?" Nang-aasar na tanong ko sakan'ya.

"Wala. Hindi rin naman nila ako matatalo."

Ang yabang.

"Rachel." Napatingala ako, si Mommy Den! Nasa itaas ng puno nakaupo.

"Hi Denisse. Handa ka nang mamatay?"

"Ikaw handa ka na ba?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanila.

"Pakawalan mo si Deanna." Utos ni mommy Den.

"Ibigay mo muna sa akin si Alyssa." Asar naman ng isa, kita ko ang galit sa mukha ni mommy Denisse.

"Never."

May tubig na pormang espada sana ang papunta sa direksyon ni Rachel pero hinawakan niya ako sa leeg at ginawang panangga.

"Sige, patayan mo ang mate ng anak mo para lalo ka niyang kamuhian."

"Duwag ka Rachel," pang-aasar ko sakan'ya kaya mas lalo niya akong sinakal.

Biglang nawala si mommy Den sa itaas ng puno. Pati si Rachel ay nagulat dahil do'n.

"Magpakita ka Denisse. Kung hindi tatapusin ko ang buhay ng babaeng 'to!"

Ang sakal niya ay lumuluwag dahil sa nabaling sa iba ang atensyon nito.

Pumikit ako at sinubukang tawagin ang gift sa loob ko.

Maya-maya ay nakalas na ang tali sa mga kamay ko dahil nasunog ito.

Umikot ako ng mabilis at sinuntok siya sa tiyan habang nag-aapoy ang kamay. Nabutas ang damit niya at nalapnos ang tiyan.

"P-paanong..."

Natigil siya nang may pumulupot na tubig sa leeg niya.

"D-denisse." Nagpupumiglas siya pero maya-maya ay natigil sa panghihina.

Bumuo ako ng bolang apoy at tinapon sa direksyon niya. Natamaan siya balikat kaya nasunog ito.

"Paalam Rachel." Biglang lumitaw sa likod ni Rachel si Mommy Denisse at inikot ang leeg nito.

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now