18: Twisted

1.9K 66 12
                                    

Jema

Nasa bintana ang atensyon ko, simula kagabi ay di pa rin tumitigil ang malalakas na kulog at kidlat.

"H'wag kang mag-alala Jema, pangako ko sayo hahanapin namin si Deanna."

Hawak-hawak ko sa bisig ang anak namin ni Deanna. Nakatitig ang  kayumangging mata nito sa akin na parang binabasa ang isipan ko.

"Izza Margarett," banggit ko sa nais kong ipangalan sakan'ya. Mula ito sa boung pangalan namin ni Deanna.

Jessica Margarett at Ma. Deanna Izabelle.

Mas marami siyang namanang katangian mula sa mama niya. Pero pansin ang biloy (dimple) sa magkabila niyang pisngi.

Wala naman kaming ganun ni Deanna? Ang tanging kilala ko lang na may ganun ay si Alyssa.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Pasens'ya anak kung wala rito ang mama Deanna mo.

Bigla naman itong umiyak na parang alam ang lungkot at takot na nadarama ko.

Tinitigan ko ang dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko.

Alyssa at Denisse.

Ano ba'ng maaari niyong gawin at kailangan kong mag-ingat sa inyo?

"Baby girl gusto mo ba munang mapag-isa?"

Tumango lang ako bilang tugon. Nagkatinginan sila ni Alyssa, humalik muna sa noo ko si Denisse 'saka sabay silang lumabas na magkahawak-kamay.

Bakit kung tratuhin nila ako ay napaka espesyal?

Palaisipan pa rin kung bakit parang 'di ako nahirapan na ipanganak ang anak ko gayung isa siyang bampira.

Simula rin kagabi nang mailabas ko siya ay parang nakaramdam ako ng matinding uhaw. Kahit ilang basong tubig ay di sapat para mapawi 'yon

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto, pumasok ang isang may edad na babaeng manggagamot.

Alam ko dahil kapareho niya ng sout ang nagpaanak sa akin kagabi.

"Oras na para inumin mo ang gamot kamahalan."

Gamot?

"Para saan?"

"Nakakaramdam po ba kayo ng matinding uhaw?"

Tumango ako.

"Gamot po ito para mapawi ang uhaw mo."

May kinuha siyang baso na may pulang likido. Inilapag ko muna ang anak ko sa crib na katabi ng kama.

Nang maamoy ang nasa baso ay para akong natakam.

Mabilis ko na kinuha sakan'ya at tinungga, gumaan ang pakiramdam ko matapos makainom.

Pamilyar ang amoy, "Deanna," banggit ko nang dumaan sa lalamunan ko ang likido.

Kagaya ng amoy ni Deanna kapag inaamoy ko ang leeg niya. Napakabango.

Napatingin ako sa matanda at nanlaki ang mata ko nang nag-iba na ang mukha nito.

"Hello Jema."

Ang itinakwil.

Pinitik niya ang noo ko at ang epekto ay parang hinampas ako ng bakal sa sakit. Pinipilit ko na manatiling dilat pero hindi ko nalabanan.

"Pumikit ka na, tinutulungan lang kitang malaman mo lahat ng nais mong malaman."

Narinig kong sabi niya bago dumilim at tumahimik ang paligid ko.

Pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako. Nakatayo sa labas ng isang bahay na katamtaman ang laki.

My Mate (GaWong)Where stories live. Discover now