Chapter Two

224 101 17
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒘𝒐

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒘𝒐

▪︎ 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐢𝐜𝐤 ▪︎

Pababa na ako ng hagdanan nang mapatigil ako sa kalagitnaan dahil nakita ko si mama na abalang naglilinis sa aming sala. We have a two-storey house pero hindi kataasan ang pagitan ng first floor at second floor. Sapat na ang walong hagdan para makaakyat sa ikalawang palapag. Tatlong kwarto ang nasa itaas at bawat silid ay mayroong sariling banyo. Ngunit dalawa na lamang ang ginagamit namin dahil kaming dalawa lang naman ni mama ang tao rito sa bahay. Ang ikatlong kwarto ay ginawa na naming tambakan ng mga bagay na hindi na namin nagagamit.

Dalawang taon na ang nakalipas simula noong naaksidente ako na naging dahilan kung bakit nawala ang aking mga alaala. The first 5 months of being discharged from the hospital. I feel like a new born baby, who needs a support from his family especially to his mother. I did not continue my studies during that year because the doctor told me that I need to rest and attend different therapy to avoid being in depression and trauma.

I’m now on my 2nd year being a college student and I took up my first course, Culinary Arts but I am attending in a different university already. My mom told me to shift, but there is something inside me saying, that I need to get this course. It feels like this thing is the way for me to remember who I really am.

Ilang beses kong sinubukan na alalahanin ang nakaraan ko but I was only end up in a hospital because I often lost consciousness if I will force myself to remember. At ang mukha nang nanay ko na umiiyak ang palaging sumasalubong sa akin.

A year after the accident I’m still not comfortable to call my “mom” as “mom”. Kapag uuwi ako galing school didiretso ako sa kwarto para matulog at lalabas nang hatinggabi para kumain ng hapunan. Even at school I chose to be alone, I don’t have friends. Mag-isa akong kumakain, pumapasok at umuuwi

But that was a year ago.

I decided to be open myself to other people. I got a chance to have a casual conversation with my classmates but I don’t consider them as my friends. And the most important decision I made is to give attention to my mom. Kahit na alam kong may mga bagay pa s’yang hindi sinasabi sa akin na pilit n’yang tinatago.

“Ma, tulungan na kita.”

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at tinulungan si mama na ilipat ang maliit naming mesa sa kabilang pwesto.

“Thank you, nak. O’ sabay na tayong mag-agahan.” Nakangiting sabi nito. Pero umiling ako at mabilis s’yang hinalikan sa pisngi.

“Don’t worry, ma. I’m fine. Malapit na rin mag time at baka ma-late pa ko. See you later.”

Bumuntong hininga si mama at nakita ko ang lungkot na bumalatay sa kanyang mukha.

See You, Tomorrow | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon