Chapter 11

129 39 59
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑬𝒍𝒆𝒗𝒆𝒏

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑬𝒍𝒆𝒗𝒆𝒏

▪︎Patrick▪︎

LUMIPAS ang dalawang buwan na palagi na kaming nagkikita ni X gamit ang katawan nang iba’t ibang tao.

Minsan nagiging bata sya na pumapasok sa kindergarten. 

Tindero ng ice cream sa park.

Batang lalaking nagbebenta ng sampaguita sa kalsada.

Babaeng manghuhula na nakapwesto malapit sa simbahan.

Ilang beses ko na rin s’yang nakasama sa classroom dahil nagigising rin sya sa katawan ng ibang kaklase ko.

At ang hindi ko makakalimutan na pangyayari ay nang magising sya sa isang katawan ng matandang babaeng foreigner. At noong panahon na magkasama kami, kinabukasan ay kumalat sa school na mayroon akong sugar mommy.

Syempre, tinanggi ko ang bagay na yun. May ilang naniwala may iilan ring hindi. Pero hindi na ako nag-asaya ng oras na tuluyan silang maniwala dahil wala naman akong pakialam.

At sa loob ng dalawang buwan na yun, hindi ko maipagka-kailang nagiging malapit na ang loob ko sa kanya. Palagi akong gumigising nang maaga para antayin ang tawag nya kung saan kami magkikita ngayong araw. Palagi kong inaabangan kung sino at anong klaseng tao sya kapag magpapakilala na sya sa akin.

And then, this weird feeling came. When I saw X kissing someone. I don’t like the idea when X wakes up in a body of someone who is in a relationship hindi ko alam pero parang may kung ano sa sarili ko na ayaw ko s’yang makita na may kasamang iba.

I know this feeling, hindi naman na ako bata para maging inosente sa mga bagay na ganito. Yes, I’m jealous because I like her. That’s why I want to be with her everyday.

And everytime I’m with X, I realized, I don’t have this feeling that I fell for her because of the idea that she is the soul of my girlfriend who passed away two years ago.

I think the main reason why I fell for her is because of the characteristics and attitude of that soul have.

X, never failed to make me laugh everytime we see each other.

X, never failed to made me realize that waking up every day is a blessing.

X, is always there to make me feel that I am not alone.

Umpisa nang makilala ko sya parang nawala na sa isipan ko na mayroon akong amnesia. Ang gusto ko nalang ay ang bumuo ng bagong alaala na kasama sya.

I am sure that I fell in love with X even if we will forget the idea that she’s the soul of my girlfriend, X.

“Patrick.”

Napaangat ako ng tingin ng makita kong lumabas ang isang lalaking nakasoot ng puting tuxedo galing sa pintuan ng dressing room.

“What do you think? Bagay ba?”

He woke up in a body of a boy who is 3 years younger than me. At sinamahan ko s’yang bumili ng suit nagagamitin nito para sa kanilang Senior’s ball three days from now.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at napailing nang tatlong beses.

“Nope, the black tux suits you well. Maputi na nga ang balat mo, puting tuxedo pa ang susuotin mo. Magmumukha kang bangkay n’yan.” Natatawa kong komento, nakita ko naman ang pag-irap nya na para bang sinasabi na “kaya nga nagpapatulong sa’yo diba?”

“Sir, nakapili na po ba kayo ng damit para sa nakakabata n’yong kapatid?”

Nalipat ang atensyon ko sa isang sales lady na nakatayo sa aking harapan.

What the hell?

“Hindi ko sya kapatid.” Hindi ko alam pero naiinis ako dahil sa sinabi nya. Narining ko ang pagtawa ni X at mabilis n’yang inagaw ang atensyon ng sales lady.

“Yung itim na lang po ang kukunin ko.”

“Ganun po ba? Sige po.” Yumuko ang babae sa kanya at mabilis na naglakad paalis.

“Hindi ba sya mag so-sorry sa’kin?”

“Bakit naman sya mag so-sorry? Dahil ba napagkamalan n’yang magkapatid tayo?”

Tumango ako.

“Wala namang problema d’on ah. KU-YA.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya, balak ko pa sana s’yang gantihan ngunit mabilis n’yang sinarado ang pinto ng dressing room.

“Magbibihis lang ako, ku-ya.” panunukso pa rin nito.

Aish.

Bumalik ako sa pagkaka-upo at wala sa sariling napangiti.

“Makakabawi rin ako.”

MATAPOS makabili ng damit ay sinamahan ko rin s’yang bumili ng sapatos at iba pang gagamitin para sa ball na dadaluhan ni Ian; ang tunay na nagma may-ari ng katawan.

Hindi namin namalayan kung ilang oras ang nilaan namin sa mall upang mamili dahil napatingin lang ako ng oras sa aking relo nang makaramdam na kami ng gutom. Kumain kami sa isang kilala na fast food chain at bago umuwi ay dumaan pa kami sa arcade upang maglaro. Hinatid ko sya sa kanilang bahay gamit ang aking motor.

“Maraming salamat sa pagsama sa akin, Ku-ya.”

“Alam mo ikaw, nakakapikon ka na.”

“Pikon kana, Kuya?”

“Bahala ka na nga dyan, aalis na ako.” Nang akmang tatalikod na ako ay mabilis n’yang hinawakan ang aking kamay.

“Eto naman hindi na mabiro. Sige na, maraming salamat sa pagsama sa akin ngayon, Patrick.”

Napangiti ako sa pag banggit nya ng aking pangalan. Para bang “Patrick” ang pinakamagandang pangalan na naimbento sa buong mundo.

“Pumasok kana, magkikita pa naman tayo bukas.”

“Hmm.”

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa kanyang labi nang magdikit ito dahil sa pagsagot nya.

“Okay ka lang?”

Shit, bakit parang may nag-uudyok sa akin na halikan sya.

“Hmm? Patrick?”

“I’m sorry.”

Yun lang ang sinabi ko at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Mabilis kong hinawakan ang magkabila n’yang pisngi at pinagdikit ang labi ko sa labi nya.

I thought X will push me away, but seconds later he already responded from my kisses.

And that moment, using the body of a Senior High School student we shared our first kiss.

♡♡♡

See You, Tomorrow | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon