Chapter Nine

160 50 66
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑵𝒊𝒏𝒆

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑵𝒊𝒏𝒆

▪︎Patrick▪︎

[ F l a s h b a c k ]

Dahan dahan kong inalalayan si mama na makahiga sa kanyang kama. Kalalabas lang namin ngayon sa ospital dahil ang sabi ng Doctor ay bumalik na sa normal ang body temperature nya at bumalik na rin ang dati nitong lakas. Ngunit yun nga lang ay sinabihan pa rin sya ni Doc. Manansala na huwag munang magpapagod ng ilang araw.

Nang makahiga na sya ng maayos ay naglakad ako palapit sa bintana at binuksan ito upang mapasukan ng sariwang hangin ang kanyang silid. Napapansin ko namang sinusundan ni mama ang bawat galaw ng aking katawan.

“May problema ka ba anak?”

“Wala naman, ma.”

“Talaga? Bakit parang kabaliktaran ng sinabi mo ang nakikita ko sa bawat kilos mo. Simula noong makabalik ka sa ospital para kuhanan ako ng mga damit ay naging tahimik ka. Nagsasalita ka lang kapag tinatanong. Sabihin mo naman sa akin kung may problem ka anak, oh. Ayokong bumalik yung dati mong pakikitungo sa akin.” bakas ang lungkot at pag-aalala sa boses ni mama nakita ko rin na naging maluha-luha ang kanyang mga mata, naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa gilid ng kanyang kama.

“Ma, wag na po kayong umiyak. Hindi na po yun mangyayari.”

“Kung ganun maaari ko bang malaman kung ano ang nagiging dahilan kung bakit ka nagiging tahimik?”

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama ang mga bagay na nakita ko sa loob ng kwartong iyon. Pero hindi ko na dapat subukang itago ito, dahil may mga bagay pa ring hindi malinaw sa akin at alam kong sya lang ang makakasagot non. Tutal, ito ang magiging unang pagkakataon na ako mismo ang magtatanong sa kanya tungkol sa nakaraan ko.

“Ma, aksidente ko pong nahulog ang lalagyan ng mga alahas mo.”

Nagulat ako nang biglang s’yang tumawa.

“Naku anak, yun lang ba? Akala ko naman kung ano na. Bakit may nawala bang alahas ko kaya natatakot kang baka magalit ako? Naku, okay lang anak hindi naman sila mamahalin.”

“Ma, hindi po ganun ang nangyari.”

“Ano?”

“Nakita ko po ang isang susi na nahulog kasama ang mga alahas nyo. At alam ko po kung saang pinto iyon gagana. Pumasok po ako sa kabilang kwarto.”

Nang umamin ako, hindi nakaligtas sa akin ang kaba na bumalatay sa kanyang mga mata at mabilis na iniwas sa akin ang kanyang mukha.

See You, Tomorrow | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt