Chapter Ten

156 45 42
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒆𝒏

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒆𝒏

▪︎X▪︎

"Mrs. Kailangan nyo pong huminga nang malalim."

"Hooo.. Hooo.. Hooo.."

"That's good. Let's count one to three, and when I say push, push hard okay?"

Tumango naman ako habang kagat kagat ang ibabang parte ng aking labi.

"One.. two. three.. push."

"Ahhhhhh.."

Hindi ko alam kung ilang beses kaming paulit ulit sa ganoong sitwasyon. Magbibilang hanggang tatlo, tapos sisigaw naman ako sa abot nang aking makakaya. Hindi ako nagising nang araw na ito galing sa tunog ng alarm clock kung hindi dahil sa kakaibang sakit na nararamdan ko sa aking tiyan. At doon ko nalaman na nagising ako sa katawan ng isang babaeng manganganak.

"Isa pa pong push Mrs. Nakalabas na po ang ulo ng anak nyo."

Ramdam na ramdam ko ang iilang malalaking butil ng pawis na tumutulo galing sa aking noo, pababa sa aking leeg, At tulad nga nang sinabi nya ay humugot ako nang malalim na hininga at buong pwersang sumigaw kahit sobrang sakit na ng aking lalamunan. Kailangan kong maipanganak ang batang ito nang ligtas.

"AHHHHHHH.."

At kasunod nun ay ang isang malakas na iyak ng bata na sumakop sa loob ng kwarto.

"Lalaki po ang anak nyo Misis."

Nakangiti kong inabot ang bata ngunit hindi ko na nagawang tignan ang kanyang mukha dahil bigla na lamang nandilim ang aking paningin.

Ngunit hindi nakaligtas sa aking pandinig ang nakakabinging tunog ng makinarya at ang pagpa-panic ng mga tao sa aking paligid.

"Anong nangyayari."

▪︎Patrick▪︎

Kasalukuyan akong naka-upo sa isang bench na nasa tapat ng kwarto kung saan nagpapahinga si X. Kaninang ala syete pa ng gabi nang makarating ako rito at hindi ko alam kung ilang oras akong nag-aantay na magkamalay sya. Kasama nya ngayon sa loob ang ina ng tunay na babaeng nag ma-may ari sa katawan.

"Ah. Sana pala nagpalit nalang ako ng damit nung umuwi ako sa bahay." I whispered to myself, after I realized I'm still wearing my school uniform. I looked at my wrist watch and I saw what time is it, 10:39 pm. Shit! Mag a-apat na oras akong nag-antay dito sa ospital? Tsk.

Tumayo ako sa aking kinauupuan para bumili nang maiinom sa canteen dahil mukhang tinatamaan na ako ng antok, pero napatigil ako nang makitang may nagsisitakbuhan na tatlong nurse at isang doctor palapit sa aking direksyon.

When they got closer I thought they will enter the room where X is in pero nakahinga ako nang maluwag dahil lumagpas sila at pumasok sa katabing kwarto. Isasara na sana nila ang pinto pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang isang pasyenteng nakahiga na may iba't ibang makina na nasa tabi ng kanyang hinihigaan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero base sa reaksyon ng kanilang mukha at kilos mukhang nasa panganib ang pasyente na nasa loob ng silid.

See You, Tomorrow | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon