Chapter Seven

167 68 44
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒆𝒗𝒆𝒏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒆𝒗𝒆𝒏

▪︎X▪︎

3 DAYS has passed since I inhabited the body of Patrick’s mom. Napag-alaman ko ring isinugod sa ospital ang kanyang ina dahil inapoy ito ng lagnat kinabukasan nang magising ito. At sa loob ng tatlong araw na yun ay sinubukan kong hindi magpakita sa kanya. Kailangan ko munang bigyan ng panahon si Patrick na tuluyang tanggapin ang isang katulad ko.

Na lahat ng mga sinabi ko ay totoo at wala akong intensyon na guluhin ang buhay nya. Sadyang sa tinagal-tagal ng panahon kong nagpalipat-lipat ng katawan ay makikilala ko sya at mararamdaman ko ang emosyong matatawag kong akin talaga.

Yung pagbilis nang puso ko sa pagtibok sa t’wing nakikita sya, yung hindi ko namamalayang matititigan ko sya na para bang ang tagal ko na s'yang gustong makasama.

I know its sounds ridiculous, creepy or even paranormal. But, what can I do?

“Baby, let’s go?”

Napa-angat ako ng tingin ng marinig kong tinawag ng babae ang pangalan ko. Well it’s just their call sign. Inubos ko muna ang natitirang ice cream sa aking cup bago sya sinagot.

“Sure.”

Nauna akong tumayo at naglakad palapit sa pwesto nya at kinuha gamit ng kaliwa kong kamay ang tatlong paperbags na naglalaman ng damit at sapatos na binili namin kanina sa iba’t ibang boutique. Samantala ang kanan ko namang kamay ay inabot ang kaliwa n’yang kamay upang hawakan ito.

Nakita ko naman ang ngiti na bumalatay sa kanyang mukha at mahina n'yang hinampas ang balikat ko dahil kinikilig sya.

Body 921,

My name is Kevin, a graduating college student who taking up Civil Engineering in a well-known university in the city. While the woman beside me is his girlfriend, Dennirosse. A 2nd year sociology student in the same university.

And right now, we are celebrating our 10th monthsary. I can feel that they really love each other dahil pagkagising ko kaninang umaga agad na sumalubong sa akin ang kanyang mukha at biglang kumabog ang aking dibdib nang makita sya. That is the emotion of the real Kevin have towards his girlfriend.

“May gusto ka pa bang puntahan?” tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang escalator para pumunta sa 3rd floor ng mall. Nang maksakay na kami dun nya lang ako sinagot.

“Hmm. I was planning to do groceries today. Kasi wala na akong stock ng pagkain sa boarding house.”

“Then let’s do it.”

Humakbang kami nang sabay ng makarating kami sa 3rd floor at lumiko sa kanan.

“But it’s our special day, today. I want to spend time with you.” Ramdam ko ang paglalambing sa boses nya kaya hindi ko mapigilang hindi sya tingnan at hawakan ang kanyang magkabilang pisngi.

“You’re so cute baby but it’s okay. Sasamahan nalang kitang mag grocery.”

“What? You hate coming in the grocery store, remember. Dahil ayaw mong maghintay sa counter. Lalo na ngayon dahil holiday. Maraming tao.”

Umiwas ako ng tingin at binalik ang dati naming pwesto.

“Hmm. Okay ito nalang. Mag grocery ka nalang ngayong araw tutal nandito kana sa mall. Tapos hihintayin nalang kita rito sa labas.”

Nakita ko ang pag ngiti nya at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Really? Okay, I’ll see you later.” at tuluyan na s’yang umalis at pumasok sa entrance ng grocery store.

Nakahinga naman ako nang maluwag, dahil sa tingin ko ay hindi nya napansin ang kakaibang sinabi ng boyfriend nya. Balak ko na sanang umalis para maghanap ng lugar kung saan ko sya hihintayin nang matigilan ako dahil sa isang lalaking seryosong nakatingin sa akin. May hawak itong isang plastic bag at sa tingin ko katatapos nya lang mag grocery.

It’s Patrick.

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagtitigan bago ko inalis ang tingin sa kanya. Mabilis ko s’yang tinalikuran at humakbang palayo, ngunit nagulat ako nang may biglang humawak sa aking balikat.

“Wait.”

Dahan dahan akong tumalikod at tama nga ako dahil sya ang pumigil sa akin.

“Why? Is there something wrong?”

“It’s you, X.”

Nagbuntong hininga muna ako bago nagtanong.

“How did you know that it’s me?”

“Because the way, you look at me, I know it’s you.”

Ngumiti ako at ngumiti rin sya pabalik.

“Can we talk?” pag-iiba nito ng usapan.

“I think we should talk some where, before my girlfriend caught his boyfriend talking to someone she doesn’t know.”

Tumango naman sya at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

NANDITO kami ngayon nakaupo sa isang Thai Restaurant. Um-order lang kami ng dalawang milk tea at isang platter ng dumpling.

“So, how are you?” nagulat ako ng sya ang unang magsalita.

“Okay lang naman. Ikaw kumusta ka?”

Uminom muna sya sa kanyang milk tea bago ako sinagot.

“I’m trying to convince myself that you’re not real. That maybe, I was just dreaming the moment you confess your existence using my mom’s body.”

“So what made you believe that I’m real?”

“After confirming to Nurse Joshua that he never met me, 2 years ago.”

This time ako naman ang uminom bago nagsalita.

“Kumusta ang mama mo? Nakalabas na ba sya ng ospital?”

Nakita ko na natigilan sya sa pag nguya ng dumpling dahil sa naging tanong ko.

“How did you know that my mom was hospitalized?”

“I’m the one who got her temperature the moment she admitted.”

Nakita ko na biglang nahulog sa malalim na pag-iisap ang kanyang ekspresyon pero di rin nagtagal ay nagliwanag ang kanyang mukha.

“Ikaw yung nurse na kasama ni Doc. Manansala?”

Tinaas ko ang aking balikat at narinig ko ang kanyang pagtawa na para bang hindi sya makapaniwala sa naging sagot ko.

“Yah! Ibang klase ka rin. Pero, oo nakalabas na si mama sa ospital hindi na sya nagtagal doon dahil naging mabuti na ang kanyang pakiramdam.”

“Mabuti naman kung ganun.”

“But how did you know that my mom will get sick?”

Hindi na ako nagulat nang itatanong nya ang bagay na ‘yan.

“All the body that I possessed will get sick the moment their real soul take over their body.”

“I don’t understand.”

Pumikit muna ako at nagbilang hanggang lima, bago muling iminulat ang aking mata.

Mukhang mahaba-habang eksplenasyon toh.

𝓽𝓸 𝓫𝓮 𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭...

See You, Tomorrow | ✓Where stories live. Discover now