Chapter Three

181 92 20
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒆

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒆

▪︎ X ▪︎

MABILIS kong naimulat ang aking mga mata dahil sa malakas na tunog na nagmula sa tabi ng aking tenga, at doon ko lang napansin ang isang puting alarm clock na pinanggagalingan ng ingay.

5:30 A.M

May kalakasan ko itong hinampas na s'yang naging dahilan upang tumigil ito. Naghikab muna ako bago tumayo sa pagkakahiga. Ilang beses akong nagpalakad lakad sa dilim upang hanapin ang switch ng ilaw nang may makapa akong maliit na bilog mabilis ko itong pinindot at bigla namang nagliwanag ang paligid.

Sumalubong sa akin ang isang kwartong may di-kalakihan ang kama, kulay itim na closet at carpet. May mga nakapatong na iba't ibang pampaganda sa ibabaw ng maliit na drawer, may mga librong nakaayos sa gilid at isang aircon na nakapwesto malapit sa pintuan.

Lumapit ako sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama at maingat na ini-angat ang isang picture frame. Nakita ko roon ang isang litrato ng babaeng nasa mid-50. Habang naka-akbay sa kanya ang isang binatang nakasoot ng toga. It looks like a graduation photo. Balak ko na sanang ibaba ang picture frame para tumungo sa banyo para ihanda ang aking sarili. Nang biglang mapadako ang aking mata sa itsura ng binatang nakasoot ng toga.

That thick eyebrow, pointed nose, heart shape smiling lips, chinito eyes and his hair is color black but now it's dyed of ash blonde.

Hindi ako nagkakamali it's the same boy that I met, 4 days ago and the boy who keeps bothering my whole system.

Mabilis akong naglakad papuntang banyo, in-on ang ilaw at nakanganga akong napatingin sa repleksyon ko sa salamin.

I have curlers in my hair. I am wearing a floral duster and we have the same face of the mid-50 woman that I saw in the picture frame a while ago.

"Hello, Patrick's mom. My 918, body."

I smile widely and shaked my head sideways.

I think we are really destined to see each other from now on, Patrick.

I AM done preparing our breakfast. I just cooked friend rice, I boiled 3 eggs and fried 4 pieces of hotdog. Yun lang kasi ang madaling lutuin na nakita ko sa loob ng refrigerator. Natapos na rin akong magwalis sa loob ng bahay, diligan ang halaman sa labas, pulutin ang mga tuyong dahon na nanggagaling sa pine tree na nakatanim sa gilid at punasan ang mga figurines na naka-display sa sala.

Ilang beses na rin akong nagpabalik-balik sa taas kung kakatukin ko ba si Patrick.

It's already 9 am in the morning at kaninang 6:30 ko pa natapos lutuin ang magiging agahan namin, at alam ko sa mga oras na ito malamig na ang kanin at itlog, samantala ang hotdog naman ay kunot na ang balat.

See You, Tomorrow | ✓Where stories live. Discover now