Chapter Six

176 75 50
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑺𝒊𝒙

▪︎ Patrick ▪︎

𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷...

Bakas sa itsura ni mama na naguguluhan na ito. Kaya minabuti ko nalang na ibahin ang usapan.

"Ah wala, Ma. Wag munang isipin yun. Magpahinga nalang po muna kayo."

Hindi naman nanagtanong ulit si mama dahil alam kong nanghihina pa rin ang kanyang katawan. Tinulungan ko s'yang makahiga nang mabuti at kinomutan.

"Ma, uuwi lang po muna ako ha. Dahil kukuha po ako ng damit nyo at gagamitin habang nandito po tayo sa ospital."

"Sige anak, mag-iingat ka ha."

Hinalikan ko muna sa noo si mama, bago ako nagtungo sa pintuan at lumabas.

Palabas na sana ako nang mapagdesisyunan ko munang dumaan sa canteen ng ospital para bumili. Nakarating ako roon na hindi gaano karami ang mga pasyenteng kumakain o tumatambay. Naglakad ako palapit sa refrigerator para kumuha ng maiinom, pero nagulat ako nang may makasabay akong kamay na humawak sa hawakan ng ref.

"Sorry." Rinig kong sabi nito.

Balak ko na rin sanang mag-sorry ngunit nang ibaling ko ang aking paningin sa kanya ay natigilan ako.

This man.

Nakita kong kumuha sya ng isang kulay pulang C2 at mabilis akong tinalikuran. Hinayaan n'yang nakabukas ang ref dahil siguro alam n'yang kukuha rin ako ng maiinom pero mabilis ko itong sinara at tinawag ang kanyang pangalan.

"Nurse, Joshua."

Napatigil ito at dahan dahang lumingon. Tinuro nya muna ang sarili nya para bang nagbabakasakaling sya ang tinatawag ko.

Tumango ako at naglakad palapit sa kanya.

"Kilala mo ako?".

I nod. This time ako naman ang nagtanong.

"Ikaw, kilala mo ba ako?"

Umiling naman sya bilang sagot.

"Sorry, ngayon lang kita nakita. Sino ka ba?"

Nag isip muna ako kung ipagpapatuloy ko ba ang balak kong gawin. O hahayaan nalang na kunyari nagkamali ako nang tinawag. Pero this is my chance to make my self at peace.

"2 years ago. March 3, 2020 we've met in this hospital rooftop. I am ready to jump but you stopped me from commiting suicide. You saved me, don't you remember?"

I am praying that he will say "Yes." But my hope turned to ashes when he laughed and then punch my shoulder lightly.

"I have acrophobia or fear of heights. I've never been in the hospital's roof top, for almost 5 years working here as a nurse. And, as far as I remember, March 3, 2 years ago I was admitted in this hospital, diagnosed by dengue starting March 3 and discharged 6 days later. So it doesn't support you statement. Mr?--

He's waiting for me to say my name, but I did not bother to speak because I already got my answer. I bow, to show my respect and to say good bye to him.

So it's really true, that the person who saves my life is the mysterious soul named, X.

NAKARATING ako sa bahay at mabilis na dumiretso sa kwarto ni mama. Kinuha ko ang isang gym bag sa kanyang aparador at kumuha ng iilang pares ng damit, underwears, alcohol, tissues at iilang gamit na maaaring kakailanganin kapag nasa ospital.

See You, Tomorrow | ✓Where stories live. Discover now