Chapter Four

189 89 30
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒐𝒖𝒓

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒐𝒖𝒓

▪︎ X ▪︎

𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷....

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago naglakad palapit sa mesa upang initin ang mga lumamig na pagkain sa microwave. Ilang minuto ang lumipas ng makarinig ako nang mga hakbang ng paa na bumababa ng hagdanan at hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang kanyang presensya sa aking likuran.

I counted 1 to 5 before I turned my back to face him. Nakaupo na sya at kasalukuyang kumukuha ng sinangag sa bowl papunta sa kanyang plato. Nakangiti akong naglakad palapit sa kanya, habang may dala na isang baso ng gatas.

“Anak, eto inumin mo na ang gatas habang mainit-init pa.”

Nakita kong napatigil sya sa pagkuha nang kanin at napatingin sa akin.

“Ma, hindi ako umiinom ng gatas.” Seryosong sabi nito.

Kaya bago pa man lumapat ang baso sa kanyang tabi ay mabilis ko itong inilayo sa kanya at naglakad patungo sa kabilang upuan at wala sa sariling ininom ko ang gatas.

“Mmm. Hindi masarap ang pagkakatimpla ko. Mabuti nalang dahil hindi ka umiinom.” At tumawa ako nang peke. Biglang kumunot ang kanyang noo at tinitigan ako na para bang kinikilatis ang aking mukha.

Pero para maiba ang kanyang atensyon ay kumuha ako ng isang nilagang itlog at binalatan ito.

“Sige itong itlog na lang ang kainin mo, nak. Alam mo mayaman to sa protein.” Halata ang panginginig sa aking kamay dahil dalawang beses ko pang nahulog ang itlog habang binabalatan ito.

“Ma, at mas lalong hindi ako kumakain ng itlog.”

“Ha? Bakit?”

“I’m allergic to eggs.”

This time tuluyan ko nang naihulog ang itlog, buti nalang ay nahulog ito sa pagitan ng aking binti. Mabilis kong pinunasan gamit ng aking kamay ang mga pawis na nagsisimulang tumulo sa aking noo.

Tiningnan ko si Patrick.

I can’t explain the expression that he has right now. Shocked? Confuse? Discomfort? I don’t know.

Kaya bago pa man mas lalong pagdudahan ni Patrick ang kinikilos ng mama nya. Ay tumayo ako habang nakatingin sa kanya.

“Lalabas muna ako anak ha. Sige, kumain ka lang dyan.”

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay mabilis nya akong tinawag.

“Wait, Ma.”

Kahit gustuhin ko mang hindi sya lingunin ay wala akong magagawa.

See You, Tomorrow | ✓Where stories live. Discover now