Chapter Five

166 80 23
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒊𝒗𝒆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒊𝒗𝒆

▪︎ Patrick ▪︎

NAGISING ako dahil sa hapdi na nararamdaman mula sa aking mukha at doon ko lang napagtanto na ito ay dulot nang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone na nasa tabi ng aking unan at pinindot ito para umilaw ang screen.

Tumambad sa akin ang mga numerong, 9:36 AM.

Kaya pala masakit na ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat dahil mag ta-tanghali na. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog na naging dahilan nang pagsakit ng aking tiyan sa sobrang gutom. And then I remember what happened yesterday.

Using my mom’s body.

I met a soul who wakes up in different body everyday.

The soul said, that I am the reason why she/he already have his/her own identity. And that is the emotion that he/she feel the moment and everytime he/she meet me.

The soul, who became the reason why Pearl, Ms. Altobano and my mom acts differently on their usual self.

And the soul, who saved my life 2 years ago.

Mabilis kong sinabunutan ang aking sarili at ilang beses na inuntog ito sa aking unan.

I only have amnesia, but I am not crazy to believe such things.

Kahit pagod man, sinubukan ko pa ring tumayo at nag-unat ng katawan bago nagtungo sa banyo para maligo. Mabilis lamang ang aking mga galaw, nagsipilyo, tinuyo ang basa kong buhok gamit ang tuwalya, nagsoot lang ako ng simpleng short at v-neck na t-shirt.

Lumabas ako ng aking silid at naglakad papuntang hagdan para bumaba at kumain. Pero natigilan ako nang tumapat ang aking pwesto sa pintuan ng kwarto ni mama.

At muli na namang bumalik sa aking ala-ala ang mga kakaibang ginawa ni mama kahapon.

“Anak, eto inumin mo na ang gatas habang mainit-init pa.”

“Sige itong itlog na lang ang kainin mo, nak. Alam mo mayaman to sa protein.”

I release a deep sigh and shaked my head side ways.

No, the thing happened yesterday is not real.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pababa habang tinatawag ang pangalan ni mama ngunit nakarating ako sa sala na wala sya.

“Ma?”

Lumabas ako ng bahay dahil baka nagdidilig sya ngayon sa mga alaga n’yang bulaklak. Ngunit nabigo ako dahil wala sya roon.

“Ma?”

Pumasok ulit ako sa loob at naglakad papuntang kusina, dahil baka nandon sya at naghahanda ng magiging agahan ko.

See You, Tomorrow | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon