It's just a Car

4.6K 111 0
                                    

Zach's POV

"Someone told me... that I'm a good kisser" I whispered and pressed my lips on Ellie's Lips. This game is no good, because the moment I met her, I already fell. 

She suddenly  pushed me gently after she realize that she's already kissing me back. she just stared at me suprise.

"I don't care if I lose car, as long as I win you" dagdag ko pa.

"See? It only took me less than 30 seconds" she said faking a smile and secretly wiped her lips. 

"That was unexpected" sabi ko naman at nagmadali syang tumayo.

"We need to head back, magdidilim na" she said at  nagmadali na sumakay ng kotse. 

I guess I'm about to lose then... I just sighed at niligpit ko na yung kalat namin bago sumakay sa kotse. I remember that I bought her a ring kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at binigay sakanya. 

"What's this?" she said wondering. 

"It's a ring, di ba obvious? we need that to keep our act gaya ng sabi ng tatay mo" paliwanag ko naman at pinaandar na yung sasakyan.

"It's different...Nasan na yung unang binigay mo?" tanong nya referring to the first ring I gave her before.  

"Masikip yun sa daliri mo, I intended to buy this for you" paliwanag ko naman at sinuot nya na ang singsing. 

"This is better" she said putting on her seat belt.



2 weeks later...

Ellie's POV

After the issue and controversies died down, we both started to work again. I lost some advertisement dahil sa mga issue buti nalang meron pa akong movies, TV series at runway gigs na nakapila. People stop wondering about our marriage anymore kaya malaya kaming nakakagalaw but we still have to be careful sa mga paparazzi.

For the past few weeks, I also keep on posting our photos together. Nagtatrabaho sya, nagtatarabaho din ako, ihahatid nya ako at susunduin pagkatapos. He's never late and very consistent kahit alam kong sobrang busy nya sa trabaho. Minsan pagkatapos akong ihatid sa bahay ay agad naman syang babalik sa opisina at minsan doon na din sya nakakatulog at uuwi nalang ng madaling araw para ihatid ako sa trabaho.

We never slept on the same bed. Kapag nandito sya sa bahay, sometimes he'll  sleep on the couch in our room or minsan doon sa study room nya.

I don't have a shoot today kaya nandito ako sa office ng Hotel ko. Sales are also rising kaya nalagpasan nadin namin ang crisis because of Zach's marketing plan. 

"Ms. Ellie dumating na ang invitation for premiere night" bungad ni Jeni pagpasok sa office ko. 

"Thanks." sagot ko naman matapos nyang ibigay sakin ang invitation.  

"And Amber was here earlier at kinuha ang working schedule mo for next week." dagdag nya na ipinagtataka ko naman. 

"Bakit daw?" tanong ko naman. 

"She mentioned about a charity ball, I'm not really sure about it..." paliwanag nya.  "at nabanggit nya pala na hindi ka daw muna masusundo ni Sir Zach kaya tinawag ko na yung personal driver mo" dagdag nya. 

"It's okay I'll drive myself home nalang" sagot ko naman at agad na lumabas si Jeni sa office ko.

Nakakapagtataka naman ata na hindi ako masusundo ni Zach. This is the first time na hindi nya ako masusundo.  Pagpatak ng 5 pm agad na akong umuwi ng bahay. 

Kakarating lang din ni Erik when I arrived and I'm sure he's going to prepare our dinner soon. 

"Ms. Ellie nandito kana pala" bungad ni Erik sakin kaya tumango nalang ako.  "Maghahanda na ako ng hapunan, may gusto ka po bang kainin?" tanong nya sakin.

"Nothing really, kahit ano nalang" sagot ko naman kaya dumiretso na sya sa kusina, ako naman ay dumiretso na sa kwarto.

I started taking off my clothes then I panicked when I saw Zach's reflection on the mirror, sleeping on the bed kaya napalingon ako to check if he's really asleep. I honestly don't trust him yet.

He seems sleeping so soundly kaya pumasok na ako sa bathroom para magbihis. Hindi ko na sya insitorbo, hinayaan ko nalang syang matulog at ako naman ay nagrereherse ng script para sa susunod kong project at hihinintay ko ring makapagluto si Erik ng dinner.

Nasa harap ako ng pool nakaupo habang pinapractice ang linya ko sa script. Hindi nagtagal tinawag na din ako ni Erik para maghapunan kaya agad na akong pumunta sa dining room. 

"How about Zach? hindi ba sya kakain?" tanong ko naman kay Erik. 

"Wala pa po sya" sagot ni Erik which obviously didn't know na nandito nadin pala si Zach. 

"Kanina pa sya nandito, he's sleeping.." sagot ko naman. "de bale na...dito kana lang... ako na ang tatawag, mauna ka nang kumain" dagdag ko at agad bumalik sa kwarto para gisingin si Zach. 

Pagpasok ko ng kwarto napakahimbing parin ng tulog nya kaya nilapitan ko sya. 

"Zach?.. kakain na" tawag ko sakanya pero hindi pa sya nagising.

"Zach! wake up! kakain na..." tawag ko while tapping his shoulders but it didn't work. 

Di nagtagal, nagsimula na akong mainis sakanya kaya lumapitb ako sa higaan nya. "Just tell me kung hindi ka kakain, para hindi na ako magsasayang ng oras na gisingin ka" sabi ko but he still ignored me. 

"Bahala ka nga dyan!" dabog ko at nang pa-alis na ako, he suddenly grab my hands kaya bigla akong napatigil when I realize na napaka-init ng kamay nya. 

I touched his forehead at inaapoy nga sya ng lagnat.

"What the hell did you do? ang taas ng lagnat mo" tanong ko naman sakanya. 

"Don't worry..Itutulog ko lang to" bulong nya naman and obviously he's very weak.

"Kanina ka pa natutulog but you're getting worst!" sagot ko naman sa sobrang inis at napaupo nalang sa tabi nya. 

Naiinis ako kasi hindi ko man lang narealize na masama na pala ang pakiramdam nya tapos pinagsungitan ko pa.

"You know what? In times like this, you should rely on me sometimes" sabi ko while looking for some medicine sa side table nya at pilit syang bumangon then he suddenly hug me from behind.

"Can I really do that?" he  whispered and I just nod.

"Okay then" he said at bumalik na sa pagkakahiga. 

He didn't even eat anything kaya nagpadala nalang ako ng pagkain kay Erik dito sa kwarto at tinulungan syang kumain. Hindi nya rin mahawakan ng maayos ang kubyertos nya kaya sinubuan ko na. 

"Kumain ka muna before taking your meds"  I said at dahan-dahan syang sinubuan.  

I'm sure  he's working so much kaya sya nagkaganito. Konte lang ang nakain dahil nasusuka na daw sya kaya pinainom ko na sya ng gamot nya. Kumuha din ako ng bimpo na binasa sa maaligamgam na tubig at pinahid sa katawan nya para mas madaling bumaba ang lagnat nya. I keep checking his temperature hanggang sa bumaba ito.

Married Overnight (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon