Worried wife

4.6K 110 1
                                    


Zach's POV


Nagising ako dahil sa tumunog na ang alarm ng phone ko. I feel better than the last night, thanks to my personal nurse who stayed up all night para asikasuhin ako. This is also the first time that we shared a bed again.  Nakatulog sya sa tabi ko while taking care of me.  Wala na nga akong lagnat but  I still feel weak kaya hindi na muna ako bumangon.

I am watching her sleep so soundly. I'm sure sisisihin nya naman ako dahil pinuyat ko sya kaya hindi ko na muna sya ginising.  I also informed the office na hindi muna ako papasok at tinext ko na rin  si Jeni  na ayusin ang schedue ni Ellie for today. 

Ilang sandali nagising na sya at agad nya chineck ang temperature ko.

She sighed "Buti naman at wala ka nang lagnat."

 "Thank you for taking care of me" pasasalamat ko naman. 

"Hindi ka na pwede magkasakit... I don't want to stay up all night para lang magbantay ng may sakit" pagsusungit nya kaya napangiti nalang ako. 

She just told me last night that I can rely on her and now there she is, back to her old self.

"You should stop staying up late for work... it's not healthy" she said while I'm playing with her hair.

"You're worried now?" pabiro ko naman sakanya at bigla nya akong pinaghahampas ng unan.

"I should've killed you, I had a perfect chance last night pa naman sana!" inis na inis nyang sabi.

"Thank you din pala for sharing your bed to me" sagot ko naman sakanya and she just rolled her eyes. Kinuha nya naman yung phone  nya sa side table nya at bigla nag panic ng marealize nyang late na sya sa trabaho kaya agad syang bumangon at pumasok sa banyo. Bumangon narin ako to fix our bed. 
Ilang sandali, lumabas na sya ng banyo na nagmamadali and dolled up.

"Kumalma ka nga, sinabihan ko na si Jeni na malelate ka sa trabaho mo" pagreremind ko sakanya.

"Yes, I know but I need to be there earlier, ayokong madisappoint ang direktor sakin" paliwanag nya habang biniblow dry ang buhok nya kaya lumapit na ako para tulungan sya. 

Kinuha ko ang hair dryer sakanya "Just put some make up on, ako na bahala" sabi ko kaya hinayaan nya ako at nagsimula na syang maglagay ng make up sa sarili nya.

Ilang sandali natapos din. 

"Hindi kana kakain?" tanong ko sakanya. 

"Bibili nalang ako sa daan." sagot nya at nagmadali na umalis.

I've never seen her  rushed like that for work.. she always act modest everywhere. Maybe because she's just late.

Bumaba naman ako sa Dining to have my breakfast and Erik prepared some porridge for me.

"Erik, wala ka na bang ibang niluto?" tawag ko sakanya at hinanap sya sa kusina. 

"Wala na kuya, sabi kasi ni Ms. Ellie bawal ka sa matitigas na pagkain" paliwanag nya. anong akala nila sakin? bata?

"Dagdagan mo nalang to ng kahit na anong side dishes" sabi ko naman kaya hinintay ko nalang na matapos syang magluto.

While waiting for him, nakita ko naman yung script book sa upuan ni Ellie. 

"Erik ? bakit nandito to?" tanong ko sakanya matapos nyang lutuin yung side dish na nirequest ko. 

"ahhh.. nakalimutan po yan ni Ms. Ellie kagabi, hawak-hawak nya yan habang nagpapractice sa pool kagabi eh" paliwanag nya.

She only brought her bag and she didn't bring any script. Di kaya nakalimutan nya? Should I send this to her? baka mas lalo lang syang mainis sa pagiging clingy ko.



Ellie's POV


I'm so fucking late! 

I'm worried that it might affect my image and performance. 

Pagdating ko sa set, they're already shooting for the 3rd scene and Amber is also here. Ano namang ginagawa nya dito?

"Ms. Ellie, akala ko ba malelate ka... Sir Zach called me about it" bungad nya. 

"I'm already late Amber" sagot ko naman. 

"Hindi miss Ellie nag-adjust ng konte si Direk, medyo maaga ka pa sa susunod na scene" paliwanag nya naman. "Ipapatawag ko nalang yung stylist para makapagsimula ka na rin " sabi nya at hinanap na ang stylist ko. 

Hinalungkat ko naman yung  bag ko para makapag-rehearse pa ako. Ilang sandali dumating na din si Amber kasama ang stylist pero hindi ko pa mahanap ang script ko. 

"Amber, can you please check my car? baka kasi naiwan ko dun yung script book ko for today" paki-usap ko sakanya at binigay ko na ang susi ng sasakyan ko sakanya. 

Di nagtagal, narealize ko na naiwan ko pala talaga ang script ko. 

"Ms. Ellie, wala naman sa sasakyan mo" bungad ni Amber sakin pagbalik nya. 

Tanga-tanga ko talaga. "Sorry Amber, naiwan ko ata sa bahay" sagot ko naman. 

"I'll ask Erick na ihatid nalang dito" sagot nya naman. 

"Yes please.. pero baka maabala ko sya, just call Jeni if he couldn't make it" 

Agad naman akong inayusan ng stylist while waiting for the script.  Kabisado ko naman yung linya kaso minsan kasi may mga sudden changes na nangyayari sa set. 

Ilang sandali bigla nalang nagkagulo sa labas ng tent ko. 

"What's Going on?" tanong ko sa stylist ko. 

"Hindi ko alam Miss Ellie, mukhang may dumating ata." sagot nya kaya napalingon naman ako para sumilip sa labas at agad kong nakita si Zach na papunta sa tent ko. 

"Bat ka nandito?" tanong ko sakanya pagdating nya, tapos agad nya namang inabot yung script na naiwan ko sa bahay. 

"Naiwan mo" he said. 

"Ano namang kaguluhan ang nangyayari sa labas?" tanong ko ulit.

"Nakakahiya naman kasi dumalaw na empty handed kaya nag-hire ako ng food truck, alam ko  hindi ka din kumain" paliwanag nya sabay abot ng isang paper bag na maraming pagkain. patatabain ata ako sa dami ng dala nya.

Pina-alis ko muna ang stylist ko bago ko sya kinausap ulit.

"Ano naman ang binabalak mo at may pafoodtruck kapa?" tanong ko at binuksan na yung pagkain. 

"Naisipan ko lang lumevel up... I've never visited you on your shoot before, baka sabihin nila na wala akong pake-alam sayo" paliwanag nya, buti naman at naisip nya yun but It doesn't mean that I like it, off course not. 

"Kung tapos kana sa palabas mo, pwede ka nang umalis" sabi ko habang kinakain yung pagkain na dala nya pero umiling lang sya. 

"I'll wait for you hanggang matapos ang shoot mo" sagot nya naman. 

Hinayaan ko sya sa gusto nyang gawin at pinabalik nya na din si Amber sa Office. Minsan nalilito na ako kung sino ba talaga ang secretary ko, hindi ko na mahagilap si Jeni eh.

Zach waited for me the whole day at maliban sa food truck, he keeps ordering foods to spoil the  filming staff. 





Married Overnight (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon