Prologue

3.6K 63 0
                                    

Sam's POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor at hinahanap ang boyfriend ko. Lucas Saavedra is my boyfriend lahat ng babae ay nagkaka gusto sa kaniya. Ang sabi-sabi nila ay baka pinaglalaruan lang daw ako ni Lucas but hindi ko naman pinagsisihan na sinagot ko siya. Araw-araw niyang pinaparamdam sakin na mahal niya ako at sweet rin siya sa akin.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang kaibigan ni Lucas si Ashton.

"Oh, Sam? Saan ka pupunta?"

"Hinahanap ko kasi si Lucas, nakita mo ba siya?" Sabi ko.

"Ah, si lucas? Sabi niya samin may kukunin lang daw siya sa kotse niya."

"Ganun ba? Pwede mo ba akong samahan?"

"Sure." Sabi niya at naglalakad na kami papuntang parking lot.

Habang naglalalakad kami ay kinakabahan ako na ewan, kapag kasi kinakabahan ako ay may hindi magandang mangyari. Paano kung? No! Hindi niya gagawin sakin yun, mahal niya ako. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano habang papalapit kami sa sasakyan ni Lucas. Sana naman hindi mangyayari ang nasa isip ko.

Malapit na kami sa sasakyan ni Lucas at habang papalapit kami ay kinakabahan talaga ako at pinagpapawisan. Tinted ang sasakyan ni Lucas kaya hindi mo malalaman kung may tao ba o wala.

"Teka lang Ash!" Pinahinto ko muna si Ashton. Sumisikip ang dibdib ko, ewan ko kung bakit.

"Bakit sam? May problema ba?" Alalang tanong niya.

"Wala naman, sumikip lang bigla yung dibdib ko."

"Hala! Tara dalhin na kita sa clinic."

"Wag na, malapit na tayo sa sasakyan ni Lucas. Halika na!" Hinila ko na siya. Nasa harapan na kami ng sasakyan ni Lucas, walang pag alinlangan ko itong binuksan. And to my surprise kaya pala kinakabahan ako kanina.

"S-Sam?" Gulat na sabi ni Lucas at tinulak bigla si Astrid. Lucas & Astrid was kissing in his fucking car. Napahawak ako bigla kay Ashton.

"Are you okay Sam?" Alalang tanong ni Ashton. Buti nalang nandito siya at kung wala baka hindi ko kayanin.

"S-Sam l-let m-me e-explain" sabi ni Lucas. Habang si Astrid naman ay nakangiting tumingin sakin. Lumabas naman silang dalawa sa sasakyan at napa atras naman ako bigla.

"A-ano p-pa b-bang k-k-kulang s-sakin? H-Ha L-Lucas?" Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Nagkakamali ka Sam." He's trying to hold me. Ang sakit!

"Anong nagkakamali ha Lucas? Ano? Sapat na yung nakita ko para e-explain sakin lahat." It's hurt when the person you love cheated on you. Tama nga sila "Even the sweetiest person can cheat" akala ko hindi niya ko lolokohin. Pero nagkakamali ako.

"Tama nga sila, na baka lolokohin mo rin ako." Sabi ko habang hindi na makahinga dahil sa kakaiyak. Alam kung naghahalikan lang sila sa loob ng kotse pero he still cheated on me. Ang sakit lang kasi minahal ko na yung tao eh, tapos ganito pa ang mangyayari. Hinagod ni Ashton ang likod ko.

"I'm sorry Sam, please forgive me." Sabi niya habang umiiyak na din. Gustohin ko mang yakapin siya pero hindi ko kaya, masakit ang ginawa niya sakin.

"S-S-Sa tingin m-mo g-ganun g-ganun na l-lang k-kita p-pa-patawarin?" Sabi ko. Hindi ko na kaya gusto ko na umuwi.

"I'm regretting meeting you Lucas, akala ko nabago na kita pero hindi pa pala." Sabi ko habang lumingo-lingo.

"Please, don't do this to me Sam please." He's begging.

"Gustohin ko mang patawarin ka pero hindi ko kaya Lucas, masyadong masakit ang ginawa mo sakin."

"Tama na ang pagmamakaawa lucas, she don't deserve you!" Sabat ni Astrid the bitch in our campus.

"ANO?! MASAYA KANA?! INAHAS MO ANG BOYFRIEND KO!!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ko siya inahas, dahil kung talagang mahal ka niya hindi siya magpapadala sa tukso." Sabi niya at natamaan ako. Oo nga! Kung talagang mahal ako ni Lucas hindi siya magpapadala sa tukso na hatid ni Astrid.

"SHUT UP!! ASTRID!!" Biglang sigaw ni Lucas na kinagulat ko at ni Astrid pero binalingan ko nalang si Ashton.

"Ashton! Iuwi mo nako." Pagmamakaawa ko kay Ashton. Katabi lang ng sasakyan ni Lucas ang sasakyan ko. Hindi ko na talaga kaya hindi na ako makahinga.

"Halika na." Binuksan niya ang pintuan ng front seat at pinapasok ako.

"Sinayang mo yung babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ka dre! Napaka mali mo sa parteng yun." Rinig kung sabi ni Lucas hindi kasi tinted yung sasakyan ko.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya Ash, responsibilidad ko yan."

"RESPONSIBILIDAD MO PALA YAN BA'T GINAWA MO PA ANG BAGAY NA YAN?? GAGO!!" Suntok ni Ashton kay Lucas.

"Kaibigan kita dre, pero ibang usapan na 'to yung prinsesa na natin yung sinaktan mo. Kung noon hindi ako nakikialam sa pambabae mo, iba na ngayon dre may Sam kana. Akala ko ba mahal mo siya? Asan na yung pagmamahal mo na yun?" Habang naririnig ko ang mga sinasabi ni Ashton ay naiiyak ako ulit.

Noong hindi pa kami ni Lucas ay madami siya babae hindi nga ata nagtatagal sa kaniya ang mga babae niya eh. Isang linggo lang ata ang pinakamatagal niyang naging jowa. Pero nung niligawan niya ako kahit may possibilidad na lokohin niya ako ay sumugal parin ako. Sumugal ako na nagbabakasakali na mag bago siya, na ma bago ko siya pero hindi ganun parin siya. Sa relasyon namin napaka sweet niya masasabi mong nagbago siya pero yung totoo hindi. Siguro nga tama sila.

Even the sweetiest person can cheat.

May gang si Lucas at sampu silang miyembro ang lider nila ay si Lucas at ang Co-Leader naman nila ay si Ashton at may isa pang kaibigan si Lucas na sobrang close niya rin si Drake Atticus sa sampu nilang magka grupo lahat sila ay may mga kaya sa buhay. At sa grupo nila ako ang naging princessa nila. 1year naging kami ni Lucas at lahat ng ka grupo niya ay napalapit narin sa akin.

Si Nathan Revior, Theo Dexeus, Zack Hades, Isiah Scott, Andre Santos, Michael Villaruel, King Smith, Sila ang mga ka grupo ni Lucas at ngalan ng grupo nila ay KING SPADES sila ang kinakakatakutan sa school at sa lugar nato.

"Sam?" Napukaw ni Ashton ang atensiyon ko.

"Let's go? Pagod nako, gusto ko munang magpahinga." Sabi ko at tumango naman siya.

Nagmamaneho na si Ashton papunta sa bahay namin at wala ni isa ang gusto magsalita sa amin at pagod rin akong magsalita. Pinilig ko muna ang ulo ko sa headboard na upuan at pumikit. Pagod na pagod ako sa nangyari.

"Sam? Sam?"

"Ha?"

"Nandito na tayo." Sabi ni Ashton sakin. Tumingin ako sa labas, oo nga nandito na pala ako sa bahay.

"Thank you ah? Ipapahatid nalang kita kay Manong." Sabi ko at lumabas na ng kotse at hinanap si Manong.

"Manong?"

"Ma'am?"

"Pakihatid nalang si Sir Ashton mo kung saan man siya gusto magpahatid, gamitin mo yung kotse ko."

"Sge po ma'am."

"Salamat po." Sabi ko nalang at pumasok na sa loob. Buti nalang wala sina Mommy at Daddy dito dahil nasa business trip sila. Si kuya naman I'm sure nandun siya sa kwarto niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga buti nalang summer na kinabukasan, last day na nga pala ng klase ngayon.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now