Chapter 18

970 33 0
                                    

Sam's POV

"Thank you, Miss Martinez!" Nakipag kamay ulit ako sa mga lalaking board members. Kakatapos lang ng meeting namin at paalis na sila. Ngumiti lang ako sa kanila at nakipag kamay.

Napansin ko naman na hindi pa tumatayo si Lucas sa upuan niya kaya napabaling ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Anlakas na ng tibok ng puso ko.

"Hindi ka pa ba aalis?" Sabi ko. Mukha lang akong seryoso pero sa loob ko gusto ko ng umalis nalang. Ano pa nga bang gagawin mo Sam? Ba't naka tunganga kapa dyan? Habang nagliligpit ako ay tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa gawi ko.

I can almost hear my own heart beating like shit, Damn you Lucas! He's the one who can make me feel this kind of reaction. Parang nanghihina yung tuhod ko. Napatigil ako sa pagliligpit ko ng nasa malapit na siya sakin. Damn it!

"W-What are y-you d-doing?" Shit! Nauutal pa ako. Calm yourself Sam! Don't let him do this to you. Tumingin ako sa kaniya, nakita ko ang pag igting ng panga niya. Para akong tinutunaw ng mga mata niya. He's brown eyes is throwing daggers.

"What scene did you create a while ago, Miss Samantha?" Napa atras ako konti at buti nalang hindi siya sumunod.

"W-What scene?" My brows furrowed. Maang-maangan pa Sam! Ipapa audition talaga kita sa Abs-Cbn.

"What scene? Really? Miss Samantha?" His dangerous eyes is looking at me. Kung nakakamatay lang ang titig kanina pa ako bumulagta dito. Kinakabahan ako sa kaniya and my heart can't stop beating faster.

"Ano naman ngayon s-sayo?" Sabi ko. Pinagtatanggol pa talaga ang babae niya. Walang pinagbago. Tss! Sabi nga nila ONCE A CHEATER, ALWAYS A CHEATER.

"I have no problem but you just make a scene. Sabrina didn't do anything and besides she's done with her work. What's the problem?" This time, nakakunot na ang noo niya. Hindi na ako naaapektuhan ng mga titig niya. Tinignan ko narin siya sa mata at sinigurado ko na makikita niya ang galit sa mga mata ko.

"Wala kanang pakialam dun, Lucas! Empleyado ko siya. Kaya may karapatan akong pagsabihan siya. Kung mag-uusap o maglalandian kayo, wag dito sa kompanya ko! Find a suite or papuntahin mo siya sa bahay mo!!" Sunod-sunod na sabi ko sa kaniya. Hinakbang niya ang distansiya namin.

"Hindi kami naglalandian, Sam! Nag-uusap lang kami." Malamig na sabi niya.

"I don't care kung nag-uusap kayo or what! Wala akong pakialam. Wag lang dito s-sa k-kompanya ko!" Sabi ko at bahagya siyang tinulak. Hindi naman siya natinag sa ginawa ko. Ang lakas talaga ng loob Lucas Saavedra! After all those years.

"Nagseselos ka?" He said with a playfully tone. Nagulat ako sa sinabi niya kaya malakas ko siyang natulak at ako naman ngayon ang nasa pwesto niya.

"Ang kapal din naman ng mukha mo, Lucas Saavedra! And besides I already have a boyfriend. So, bakit pa ako magseselos?" Sabi ko sa kaniya and I see his jaw clenched of what I've said.

Serve's you right Moron!

Pagkatapos kung sabihin yun ay biglang may kumatok sa pinto ng conference. Nagmadali akong kinuha ang mga gamit ko. I'm scared na baka si Kent yan at naiinip na sa office ko. Binuksan ko naman and si Alexa lang pala ang kumatok medyo nakahinga ako ng maluwag.

"A-Ah! Ma'am. Pinapasabi po ni Sir Kent kung matagal pa ba daw kayo?" Sabi ni Alexa at parang nahihiya pang sabihin yun.

"Sabihin mo paakyat na ako, kukunin ko lang ang gamit ko." Sabi ko at tumango naman siya. Nasarado muli ang pintuan at kinuha ko yung mga gamit ko. Lalabas na sana ako ng muling nagsalita ang kasama ko.

"Maghihiwalay rin kayo, Sam." Sabi niya at napalingon ako sa kaniya.

"We won't. I love him and he love's me that's why, we won't." Confident kung sabi at nginitian siya bago lumabas. Doon ko lang natanto na hindi pala ako humihinga ng sinabi ang mga yun. Malakas akong napa buntong hininga bago umiling at sumakay na sa elevator.

Pag-akyat ko sa taas ay naka pandekwatrong upo si Kent sa upuan ko. Awkward akong ngumiti sa kaniya, and I feel the guilt parang ang sama kung tao dahil naglilihim ako sa kaniya. But, I don't want him to feel jealous. Ayokong bigyan siya ng dahilan para magselos and besides, it's all in the past now! Wala na yun ngayon parte nalang siya ng board members at wala na akong paki sa kaniya.

"Hey? I was talking to you. Kanina pa ako nagsasalita, kanina kapa madaming iniisip. What's wrong?" Tsaka palang ako natauhan ng nagsalita si Kent. Ang bobo mo Sam! May boyfriend kana hindi mo na dapat iniisip ang mga ganung lalaki. Past na siya at marami naman siyang kalandian ngayon.

"A-Ah! W-Wala, Sorry. Uuwi kana ba?" Tanong ko sa kaniya. Ewan ko at yan ang naisip kung tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"What? Ako pa maghahatid sayo mamaya diba? Sabi ko, hindi kaba nagugutom?" Sabi niya nagtataka parin. Yan kasi andaming iniisip.

"Hindi naman, nagsnack kasi kami kanina pagkatapos ng meeting." Ngumiti ako sa kaniya. He smiled to me. Papalubog na ang araw at malapit narin kami uuwi. 6:30 ako uuwi at I'm sure sa labas kami kakain.

"Sa labas ba tayo mag-dinner?" Tanong ko sa kaniya habang nasa laptop ang mga tingin ko. Nasa couch lang naman siya at nagpipindot sa cellphone niya.

"Yeah! Anong oras ka ba uuwi?" Tanong niya sakin. Hindi ko na muna siguro tatapusin ang mga ginagawa ko. Pwede na kaming umuwi ngayon para hindi narin siya gabihin sa daan. Sasabihin ko nalang sa kaniya mamaya na magpapakuha nalang ako kay Manong kapag pauwi na ako.

"Pwede, ngayon na. Pagod narin kasi ako hindi ko na muna tatapusin to." Hinilot ko ang sentido ko. Medyo sumasakit kasi yung ulo ko at gusto ko nalang magpahinga.

"Let's go? So, you can rest. I know your tired." Sabi niya at sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya. Kinuha ko yung bag ko at sabay na kaming umalis. As usual, pinatay ko muna yung mga lights sa office ko. Mukhang uuwi narin ngayon ang secretary ko kung wala na siyang ibang aasikasuhin. Pagsara ko ng pinto ay nag-aabang na si Alexa sakin.

"Uuwi na ako, umuwi ka na rin okay?" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango sakin.

"Ingat po kayo, Ma'am! Sir!" Sabi niya.

I just smiled to her.

"Ingat ka rin, We'll go ahead." Sabi ko at hinawakan na ako ni Kent sa beywang. That's his favorite gesture to me. At unti-unti narin akong nasasanay.

Sumakay na nga kami sa elevator at ng nakarating na kami sa lobby ay unti-unti naring nagliligpit ang iba at nakita ko ulit si Sabrina na nagma-make-up na sa tabi at kausap niya ata ang kaibigan niya. Mukhang may date sila ngayon ah? Good to her. And habang naglalakad kami ay nakarinig ako ng bulong-bulongan.

'Uy! Sab. Nandyan na manliligaw mo oh!'

'Yiiiieeee! Sinusundo kana ng manliligaw mo'

'Ang gwapo talaga ni Engineer!'

'Sagutin mo na kasi Sab!'

"Sira! Hindi ko siya manliligaw." Sabi pa ni Sabrina. Natahimik lang sila ng nakita nila ako. So, that's it. Kaya pala palagi siya dito dahil nanliligaw na pala siya sa empleyado ko.

"Ingat po, Ma'am! Sir!" Sabi ng isang babaeng malapit kina Sabrina. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kaniya at tumango. Nagkatinginan naman kami ni Lucas at nakita ko namang umigting ang panga niya at nakita niya ang kamay ni Kent na nakapulupot sa beywang ko. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya at dumiritso na kami palabas ni Kent at sumakay na kami sa sasakyan niya.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now