Chapter 19

929 28 0
                                    

Sam's POV

We're heading on our way home now! Tapos na kaming kumain at nandito na kami sa SM UPTOWN medyo malayo pa yung subdivision namin. And it's getting late kung sa bahay nalang kaya matulog si Kent? May isang guestroom naman dun. Gumagabi narin kasi, At baka mapano pa siya sa daan. Kargo ko pa kasi hinatid niya ako sa bahay.

"Sa bahay ka nalang kaya matulog?" Out of nowhere natanong ko sa kaniya. Wala naman sigurong problema dun? Hindi naman kami sa iisang kwarto matutulog. Yun nga lang kung papayag si Mommy.

"I don't have clothes." Simpleng sagot niya. May mga damit pa naman ata si Kuya sa bahay? Mukhang hindi na naman niya gagamitin yun.

"May damit pa naman siguro si Kuya sa bahay na iniwan. And besides, if you go home it's getting late at baka mapano kapa sa daan." Binalingan ko siya. Seryoso parin siyang nagmamaneho.

"Is it okay with your Mom?" Tanong niya. Para narin hindi siya mahirapan bukas na pumunta ulit para sunduin ako. I'm sure maaga siyang nagigising para lang sunduin ako. Late na nga siyang nakaka-uwi, maaga naman siyang gumigising.

"Magpapa-alam ako, para hindi ka narin mahirapan bukas na babalik ka ulit para sunduin ako. You're having sleepless nights because of me." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya.

"It's fine! I'm doing this because of you. No problem!" Sabi niya. Napangiti nalang ako. Sana nga matutunan yung puso kung sino ang dapat mahalin no? I'll forever choosing you if I have the chance to teach my heart who the person I want to beat my heart. I'm sure hindi moko sasaktan tulad ng ginawa niya sakin. I've seen in his eyes how much he really love me.

"Thank you and I love you!" Sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng I love you na yun. Nasasaktan ako tuwing naiisip kung masasaktan ko siya. Hindi ko rin naman pinagsisihan na sinagot ko siya. He never fail to make me happy everyday. Since day 1.

"I love you too, Sam!" Sabi niya sakin. Simula ng naging kami, madalang lang kami magkiss sa lips. Nirerespeto niya rin kasi ako. Madalas niya akong halikan sa forehead lang. And I admire him for being a gentleman.

Nakapasok na kami sa loob ng subdivision at malapit narin kami sa bahay namin. Bumusina muna si Kent bago binuksan ng yaya namin ang gate. Nagpark na si Kent sa tabi ng sasakyan ko. Nauna siyang lumabas sakin at pinagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba na ako at inayos ang medyo nagusot na damit.

Papasok na kami sa bahay at nadatnan namin si Mommy at Daddy na nanonood ng Netflix sa sala. Ba't dito pa sila nanood? May TV naman sila sa kwarto nila. Alas nuebe y media na kami nakarating dito sa bahay. Nasa gilid ko si Kent ng nasa living room na kami. Tumayo naman si Mommy at Daddy. Nakipag beso ako kay Mommy at Daddy. Nagmano naman si Kent kay Daddy at nakipag beso kay Mommy.

"Goodevening po, Tita! Tito!" Bati ni Kent sa kanila. Ngumiti lang sina Mommy.

"Mom? Pwede bang sa guestroom nalang siya matulog? Natatakot kasi akong umuwi pa siya. Gabi na, at baka mapano pa siya sa daan." Sabi ko kina Mommy. Baka kasi madisgrasya o mapag-trippan siya habang pauwi. Hindi pa naman siya masyadong matagal sa pilipinas para malaman ang pasikot-sikot.

"Ganun ba? Oh sige... Handa na naman ang guestroom. May damit ba siya?" Sabi ni Mommy. Kaagad naman akong umiling.

"Sige, ipapahiram ko nalang yung damit ng kuya mo na hindi na gagamitin."

"No need na po, Tita! My clothes is still good pa naman. It's not yet dirty kaya bukas nalang ako magbibihis pagkatapos kung ihatid si Sam sa office." Nakangiting sabi ni Kent kay Mommy. Ngumiti naman si Mommy sa kaniya.

"Sure ka ba hijo?" Paninigurado ni Mommy sa kaniya. Matamis naman siyang ngumiti sa ina ko at umakyat na kami sa taas at hinatid ko na siya sa kwarto niya. Hanggang labas lang ako at baka kung ano pa ang isipin nina Mommy at Daddy samin, mahirap na.

"Dito yung kwarto mo, Sleep well okay? I'll just wake you up tommorrow if we gonna eat our breakfast." Sabi ko sa kaniya. Baka siya pa yung unang gumising saming dalawa bukas eh.

"Yeah! I'm fine here. Go, and rest well too. I know you're tired of work. Goodnight! I love you." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo at smack lang sa lips. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"I surely will, goodnight. I love you too." Sabi ko. Ewan ko paano ko nasasabi sa kaniya ang I love you ng hindi naguguilt. Mahal ko naman talaga siya pero hindi sing lalim ng pagmamahal ko kay Lucas NOON. Noon ba talaga Sam? O hanggang ngayon? Naka move-on na ako kaya hindi ko narin siya mahal.

Deny pa Samantha!

Pagpasok ni Kent sa kwarto niya ay agad narin akong umalis dun at pumasok na sa kwarto ko. Nilagay ko lang sa lalagyan ko ang bag at dumiritso na ako sa banyo para mag half-bath. After ilang minutes ay lumabas na ako at nagbihis ng terno na damit. Hindi paman din ako humihiga ay nagring na yung phone ko na hindi ko pala nakuha sa bag ko. Kaya nagmadali akong hinaloglog ang bag ko.

Danica Calling...

"Hello?" Sabi ko sa inaantok na tono. Ba't ngayon palang nakatawag ang isang to? Simula ng nakarating ako dito ay hindi pa siya nakatawag at isang himala na tumawag siya sakin ngayon.

"Hi Sammy! How are you?" Masiglang sabi niya.

"I'm fine! Ba't ngayon kalang napatawag? Simula ata ng umuwi ako dito ngayon mo palang ako kinamusta." May halong pagtatampo sa sinabi ko.

"Sorry naman, na busy kasi ako sa trabaho ko dito e. Ikaw ba? How's work? Kumusta sila Tita?"

"Okay naman sila at nakakapagod rin ang trabaho pero kinakaya naman. Ikaw? How are you?" Sabi ko sa kaniya.

"I'm fine too, medyo na busy lang sa work. Sorry narin kung hindi agad ako nakatawag. May emergency kasi na nangyari sa kompanya namin e."

I somehow miss this girl. Siya lang kasi ang kapamilya na nasandalan ko nung down na down ako. Siya palage yung natatakbuhan ko kapag umiiyak ako. Siya rin nagturo sakin mag bar kaya marunong na ako.

"By the way, hindi ko nakita si Kent dito sa Canada. Alam mo ba kung nasan siya?" Biglang tanong niya. Hindi naman ako kinabahan sa tanong niya kasi parang normal lang naman na tanong yun.

"Yeah! He's here in the philippines. Nasa guestroom nga namin siya ngayon natutulog e. Hindi ko na pinauwi dahil gabi na ng hinatid niya ako dito galing opisina." Sabi ko sa kaniya. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko.

After kung sabihin yun ay biglang natahimik ang pinsan ko.

"Hey? Dans? Still there?" Tanong ko sa kaniya. May mali ba akong nasabi? Ba't natahimik siya bigla?

"U-Uh, U-Uhm... G-Ganun ba? K-Kumusta naman k-kayo? K-Kayo na b-ba?" Utal-utal na sabi niya. Kahit na nagtaka ako ay binalewala ko lang yun.

"Oo, kami na. Bakit?" Walang pag alinlangang sabi ko.

"ANO?!" Nalayo ko yung cellphone ko dahil sa sigaw niya. Kailangan talagang sumigaw?

"Ba't ka naninigaw?"

"K-Kayo n-na?" Avoiding what I just say.

"Oo nga, bakit? May problema ba?" Kalmado kung sabi kahit nagtataka na ako sa kinikilos ng pinsan ko.

"A-Ah, wala naman. S-Sige na.. I need to work. Bye couz! Take care!" Sabi niya and she ended the call without letting me bids her goodbye.

Anong nangyari dun? Parang temang naman tong pinsan ko. Hindi ko nalang inisip yun at pumikit nalang ako para matulog.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now