Chapter 17

981 31 0
                                    

Sam's POV

Naglalakad na kami ngayon papasok sa building at binabati naman ako ng mga empleyado na nakakasalubong namin. Ngumingiti lang ako kapag binabati nila ako. Hindi rin maiiwasan na mapapalingon ang mga empleyado sa kasama ko. He's handsome pero yung kasama ko nakahawak lang sa beywang ko. Minsan hindi parin ako nasasanay na may ibang humahawak sakin.

Ano? Lucas parin ba Sam? Hindi naba mawawala si Lucas sa isip mo? Kasama mo yung boyfriend mo Samantha pero iba yang nasa isip mo. Iniling ko nalang ang ulo ko.

"Are u okay?" Tanong ni Kent sakin. Nasa loob na kami ng elevator at papunta na kami sa office ko. I just smiled to him.

"Yeah! I'm fine." Sabi ko. Hinapit niya pa ako lalo sa tabi niya at hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. Napapikit ako sa simpleng halik niya na yun. After a few seconds ay nakarating na kami sa floor ng office ko.

"May gagawin kaba ngayon?" Sabi ko at hindi parin niya inaalis ang kamay niya sa beywang ko. Nakita ko narin ang secretary ko sa labas ng opisina ko. Ngumiti siya sakin.

"Goodmorning Ma'am! Goodmorning Sir!" Bati niya saming dalawa.

"Morning too Lex!" Sabi ko at pumasok na sa opisina. Tyaka lang ako binitawan ni Kent ng pumunta na ako sa lamesa ko.

"May gagawin ka ngayon?" Ulit ko sa tanong ko kanina. Nilingon niya ako and he shook his head. Tumango lang ako sa kaniya. Pumasok naman si Alexa sa loob.

"Excuse me, Ma'am! I just want to say to you na may meeting ka mamaya ng 2:30" sabi ng sekretarya ko. I just smile and nod. It's still 10:20 medyo nahiya ako dahil late na akong nakapasok. Kahit naman kami ang may-ari at ako ang CEO hindi dapat ako nagpapabaya.

Board members ang mga ka meeting ko mamaya at first time kung makipag meeting sa kanila as the new CEO. Pag-uusapan namin kung kamusta ang sales ng mga wine or have we sell good. Our company is selling wine all over the world. We are the most famous wine selling in the world. And kami rin ang may-ari ng ibang resorts.

Nang magtanghalian ay napagpasyahan namin ni Kent na sa cafeteria nalang sa baba kami kakain. Hindi rin naman masyadong maraming papel ang pinipirmahan ko kaya ayos lang. Sumakay na kami sa elevator at may kasama kaming mga empleyado. Tahimik lang ang elevator ng pababa kami. Wala ni kahit isa ang salita. Maybe, they're afraid to talk because nasa likod lang nila kami.

Pagbaba namin ay nagkasalubong na naman ang mata namin ni Lucas at kasama na naman niya si Sabrina at nag-uusap sila. Nakaupo kasi sila sa couch at mukhang tapos na sa mga ginagawa si Sabrina dahil nakipag-usap. Palagi ba siya dito? When I'm with Kent palagi ko nalang siyang nakikita dito. Nililigawan niya ba si Sabrina? Tss. Ano naman ngayon?

Hindi ko na namalayan na napahinto pala ako sa paglalakad ko. Nang hindi nakatoon ang pansin ni Lucas kay Sabrina ay napalingon nalang din si Sabrina sa tinitingnan ni Lucas. Napatayo naman si Sabrina dahil nakita ako. Nakapulupot parin ang kamay ni Kent sa beywang ko kaya mukhang na awkward ako.

"Goodafternoon po, Ma'am!" Sabi ni Sabrina sakin. Madadaanan kasi namin ang couch na inuupuan nila kaya ganun.

"Tapos kana ba sa ginagawa mo?" I said with a cold tone.

"O-Opo, M-Ma'am." Nauutal pa na sabi niya. You can't deny that Sabrina has a look. With her long hair, thick eyebrows, with her coca cola body and her kissable lips. But I'm more beautiful than her. Tss!

"Good. I don't want my employers comfortable sitting in the couch pero hindi pa natatapos ang trabaho." Strikta kung sabi naka taas pa ang isang kilay. Napatungo naman siya sa sinabi ko. I feel bad, mukhang napahiya ko ata siya. Naagaw na kasi namin ang atensyon ng ibang empleyado. Tumayo narin si Lucas at hinawakan ng marahan ang siko ni Sabrina. Pero hindi ko pinansin yun kaya bumaling ako sa mga empleyadong nakikiusyoso samin. Hindi parin inalis ni Kent ang kamay niya sa beywang ko kaya hinayaan ko na.

"Listen everyone!" Umiiral na naman ata yung pagiging strikta ko. Dahil ba yun kanina sa nakita ko? Or may ibang dahilan pa? Don't let anyone affect your job Sam! Kahit pa ikaw ang may-ari. You should treat your employers well.

"Starting from now! I don't want anyone seeing comfortable sitting in a couch without finishing their work. Did we understand?" Sabi ko sa kanila. I don't care what they think about me. If they think that I'm to strict might as well they resigned. Hindi rin naman sila kawalan at magiging pabaya sila. I'm not pleasing them to like me. Giniya na ako ni Kent papunta sa cafeteria at umupo na kami sa bakanteng upuan.

"Are you fine? What was that?" Tanong niya sakin. Hindi niya alam na si Lucas ay ex ko yung kasama ni Sabrina kanina. Hindi ko narin sasabihin sa kaniya ayaw ko na ng gulo. Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang kaming kumakain. Naririnig ko naman ang iba na nagkukwentuhan pero hindi tungkol sa nangyari kanina.

I look at Kent. I feel guilt all of a sudden. I feel guilty not telling him what really happened. Ayaw ko na kasing madagdagan ang mga iniisip ko. At ayoko ng magkagulo pa. Ayoko rin na bigyan siya ng ikakapang-selos niya.

Tahimik kaming kumain at tahimik rin kaming natapos. Hindi ako nagsalita hanggang sa lumabas kami ng cafeteria. Naglalakad na kami papasok sa elevator at hindi ko na nakita si Lucas at ang babae niya. Mabuti narin at ng hindi na kumulo yung dugo ko sa kaniya o sa kanila. I hate seeing them together. I know sinabi ko nakaka move-on na ako but those scar he left me years ago is still there.

Pag-akyat namin sa taas ay walang imik ang sekretarya ko. Nabalitaan niya narin ata yung nangyari sa lobby kanina. Pagpasok sa loob ng office ay hinawakan ni Kent ang siko ko at pinaharap sa kaniya. Hindi naman yung masyadong malakas ang pagkakahila niya.

"Hey? Are you really okay? Kanina ka pa hindi umiimik ah? I let you earlier because we're eating. Pero bakit hanggang ngayon tahimik ka parin? Dinadamay mo ba ako? Okay pa naman tayo kanina ah?" Malambing na sabi niya. And I feel really guilty to do this to him. Mapupungay ang mata ko ng tiningnan ko siya. Mukhang nadamay ko ata siya kanina. I just smiled to him.

"I'm sorry! Hindi ko kasi nagustuhan ang ginawa ng employer ko kanina. Siya lang ata yung employer na umuupo sa couch at nagkukwentuhan sa kasama niya." Sabi ko sa kaniya.

"Baka kaibigan niya lang yun? At matagal silang hindi nagkita?" I shook my head of what he said. Kung alam mo lang Kent babae niya yun.

Pagkatapos naming pag-usapan ang nangyari ay nagpaalam na ako sa kaniya na makipag meeting lang sa board members. Pagpasok ko sa conference room ay nandun na ang apat na board members kulang pa ng isa.

"Goodafternoon, Miss Martinez!" Sabi ni Mr. Yangco.

"Goodafternoon." Sabi ko at sunod'sunod na ang bati sakin ng tatlo. After a second ay bumukas ang pintuan ng conference room. At dahil naka talikod ako hindi ko namalayan kung sino ang pumasok.

"Sorry, I'm late!" Tumayo ang apat na board members at nakipag kamay sa isang board member na dumating. And I was shock to the person who just came.

"Mr. Saavedra! Hiii." Sabi ni Mr. Yangco at nakipag-kamay kay Lucas. Ganoon rin ang tatlo. And lastly, nakipag-kamay narin ako. Hindi ko na pinakita sa kaniya na nagulat ako sa pagdating niya. I remain my serious face kahit sa loob-loob ko naghuhurumentado na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Shit!

Wala akong ibang choice kundi makipag-kamay sa kaniya. Umupo na kaming lahat at nagsimula na kaming pag-usapan tungkol sa kompanya.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now