Chapter 9

1.1K 38 0
                                    

Sam's POV

Nandito kami sa isang store kung saan may mga laruan at nagsimula ng mamili ang pamangkin ko. Nakasunod sa kanya ang kanyang Nanny habang nasa likod lang kami at sumusunod sa kaniya. Para kaming mga buntot na naka sunod sa kaniya.

"Hey? Adrielle is big now, wala bang plano ang Kuya mo at si Ate Johanna na sundan siya?" Nagkibit balikat lang ako "I don't know with them. Gusto ko rin sanang masundan na si Adrielle eh!" Sabi ko.

"Ikaw? Wala ka pang balang sagutin ang manliligaw mo?" Baling niya sakin na nakangiti. "I'm scared! I still have the doubt of myself. Paano kung sasagutin ko siya pero masasaktan lang din siya sa huli?" Malungkot na sabi ko sa kaniya. Hindi ko kayang saktan ang lalaking walang ibang pinaramdam sakin kundi pagmamahal. He made me happy the way it is. Parang bang kapag kasama ko siya nalilimutan ko ang mga problema ko. Pero kapag naiisip ko rin na kapag sasagutin ko siya at masasaktan ko siya. Nasasaktan rin ako. I love him! But not romantically. Ang hirap para sakin.

"Hindi naman maiiwasan na hindi masaktan yung tao eh! Syempre, nagmamahal siya. Masasaktan talaga kapag nagmamahal ang isang tao. Hindi naman sa lahat ng bagay laging masaya diba? Loving can hurt." Sabi ni Amanda sakin. Pero ayaw ko talagang sagutin siya eh. Alam kung pinapaasa ko na siya pero matagal ko na namang kinlaro sa kaniya na hindi talaga muna ako papasok sa isang relasyon ulit.

"It's either, sasagutin mo siya or babastedin mo siya, ULIT." Diing sabi niya sa huling salita. Ang hirap naman nito! Hindi pa ako nahihirapan sa ganito buong buhay ko. Ang hirap magdesisyon, hindi ko gustong magpadalos-dalos at baka magkasakitan lang kami sa huli.

"I'm done tita nang!" Nakangiting sabi sakin ng pamangkin ko at tinignan ko ang dalawang basket na laruan. Ngumiti naman ako sa kaniya at hinawakan siya sa pulsohan. "Let's go baby! Magpapa cash na tayo." Sabi ko at hinila na siya papunta sa cashier. Nagsimula ng magpunch ng mga laruan ang cashier at ang laki nung ibang napili ni Adrielle. Mukhang mapapalaban ako ngayon ah!

"Psst." Siko sakin ni Amanda. "What?" Tanong ko naman sa kaniya. Bigla nalang nangsisiko eh. "Tayo naman ang lalabas bukas ah? Bar tayo." Sabi niya at kumindat pa talaga ang bruha. Inirapan ko naman siya "Whatever." Sabi ko.

"20,350 po lahat ma'am." Sabi naman ng cashier. Sabi ko na nga ba't mapapalaban talaga ako. Ngumiti nalang ako sa cashier at binigay ang card ko. "Are you hungry, Adrielle?" Tanong ko sa pamangkin ko.

"Opo Tita Nang!" At nagpout na naman siya. Oh come on! How cute he could be? Pinanggigilan ko na naman ang pisngi niya. "Ouch. Stop pinching my cheeks tita nang! It hurts po." malungkot na sabi niya. "Oww, sorry baby! Tita nang can't resist your cuteness." Sabi ko sa kaniya at tumayo na.

"Let's go! Sa MCDO na tayo." Sabi ko at nauna na kaming tatlong naglakad.

"Miss Sam? Pwede po papicture? Idol ka kasi ng anak ko." Sabi ng isang ina na may batang babae sa gilid niya. Ngumiti naman ako "Sure po! Come here baby!" Sabi ko sa bata at ngumiti siya ng malaki sa akin at patakbong pumunta sa akin. Pinicturan naman kami ng nanay niya at kaagad na silang nagpaalam sa akin.

Nandito na kami sa loob ng Mcdo at umuupo. Nasa medyo masulok naman kami umupo ulit.

"Ate Minda? Ikaw na bahala umorder sainyo okay? Here, get this." Sabi ko at binigyan siya ng 1k na cash. "Amanda? Can you order us our food, please?" Sabi ko kay Amanda at binigyan siya ng 1k. "Sure thing!" Sabi niya at tumayo kasama si Ate Minda.

Pinunasan ko ang medyo basang pawis ni Adrielle sa mukha at sa likod niya. Pagkatapos ko siyang punasan ay kaagad kung kinuha ang damit na pamalit niya.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now