Chapter 16

978 31 0
                                    

Sam's POV

Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa mangyayari next week. I'll be seeing Lucas for our business. And wala naman atang masama dun diba? Business lang naman yun. Yeah business.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ako nakatulog ng maayos kaya ang kinalabasan late na akong nagising. At bigla kung naalala na susunduin nga pala ako ni Kent ngayon! Gosh.

Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ko ang Living Area namin and there I saw kent talking to my parents. Oh my god! Hindi ko pa nasasabi sa kanila na may boyfriend na ako. Mabilis na akong pumasok ulit sa kwarto ko at nagmadali na akong maligo at nagbihis. Pagkatapos kung mag-ayos sa sarili ko at bumaba ako na parang walang nangyari. Wala naman talagang nangyari kinakabahan lang ako.

Pagbaba ko ay kaagad kung naagaw ang atensyon nila. Hindi ko pinapakita na kinakabahan ako. My knees are trembling like an idiot. What's the matter? Boyfriend ko naman talaga si Kent. Last kasing pagpapakilala ko ay hindi kami nagtagal. I didn't want to keep it a secret naman. I'm not yet ready siguro.

May usapan rin kami ni Kent na sa labas lang kami kakain ng breakfast ngayon. Nang nakalapit na ako sa kanila ay binigyan ako ni Mommy ng PAKILALA-MO-SAMIN-NG-MAAYOS-SI-KENT look. Nagets ko naman agad yun at kaagad akong tumabi kay kent. Ngumiti ako kay Mommy at ngumiti rin naman siya. Nanatili namang seryoso si Daddy.

"A-Ahm.. Mom, Dad. S-Si Kent b-boyfriend k-ko." Nauutal pa ako. Calm yourself Sam!

"Yeah! Nagpakilala siya sa amin kanina. At sinabi na rin niya na girlfriend ka raw niya." Nakita na nina Mommy si Kent sa Canada noon pero as my photographer mukhang hindi nila inaasahan na magiging boyfriend ko ang photographer ko. Well, I didn't expect him to be my boyfriend too.

"We'll go ahead! Mom, Dad." Sabi ko at nakipagbeso na sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Mommy at simple lang na tumango si Daddy.

"Una na po kami. Tita, Tito." Tumango lang silang pareho.

"Why can't you two join us a breakfast?" Aya ni Mommy. Umiling naman ako.

"No need, Mom. Sa labas lang kami kakain." Sabi ko. Hindi naman ako nag-alala sa oras kaya okay lang na malate ako sa office. Tinignan ko si Kent and his smiling awkward.

"Is that so? Okay.. take care both." Sabi nalang ni Mommy at lumabas na kami sa bahay.

Pinagbuksan ako ni Kent ng pintuan. "Thank you!" Sabi ko sa kaniya at ngumiti lang. Umikot naman siya at sumakay sa drivers seat.

Nilingon ko siya. "Sorry nga pala at late akong nagising. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog." Sabi ko sa kaniya. Nagda-drive narin naman siya palabas ng subdivision.

Ngumiti naman siya sa akin. "Okay lang, I had fun talking to your parents." Malambing na sabi niya. Hindi ko naiwasang maisip ulit kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos.

Wala narin naman siguro sa kaniya yun. I'm sure naka move-on na yun sa akin. It's been years narin simula ng nangyari and I already forgive him about what happened naman. It's all in the past now. I shouldn't be worry meeting him this week. We'll just talk business, that's all nothing more.

Nandito kami sa parking lot ng SM at dito daw kami kakain ng breakfast. Kinalas ko na yung seatbelt ko at bababa na sana ako ng naunahan niya akong pagbuksan ng pintuan. He smile and take my hand.

I smiled too. "Thank you." Sabi ko sa kaniya at naghawak kamay kami papasok sa loob. Hindi rin matatakasan ang tingin ng mga tao. Kilala rin kasi ang pamilya namin sa isa sa pinaka mayaman na tao sa Cagayan. And nakadagdag pa ang pagiging model ko international.

Nag-suggest rin ako na sa Jollibee nalang kami kakain dahil mukhang nasa mood ako ngayon kumain sa fastfood nalang. He agreed naman din. Medyo marami ang tao pero may mga bakante parin namang upuan. Naghanap kami ng upuan and nakakita kami sa medyo sulok na. Wala namang problema sakin yun, okay narin yun at hindi ko gusto na baka bigla nalang may susulpot habang kumakain kami.

"What's your order?" Tanong niya sa akin. "Ikaw nalang bahala." Sabi ko nalang. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo na at pumunta na para mag-order.

Tiningnan ko naman siya. Makikita parin kasi siya kung titingnan ko siya mula dito hindi nga lang yung malapitan. I looked at him and I can't help myself to think about him. Kent is goodman, a gentleman. Inshort mabuti siyang tao. Pero kahit mag boyfriend-girlfriend na kami hindi ko maramdaman sa kaniya ang gusto kung maramdaman para sa isang taong mahal ko... Mahal ko si Kent pero ngayon hindi ko alam kung mahal ko ba siya dahil mahal ko siya. O mahal ko lang siya kasi siya yung nandyan ng kailangan ko ng taong malalapitan. O mahal ko lang siya bilang kaibigan... I try my best to be a better girlfriend.

Pero ngayon, hindi ako sigurado kung tama ba yung desisyon kung sagutin siya. Hindi ko kasi maramdaman sa kaniya yung tibok ng puso ko. Yung parang pagmakikita mo lang siya titibok na bigla yung puso mo sa walang dahilan. Hindi katulad kay Lucas. I like and love lucas before and sa kaniya ko lang din nararamdaman ang tibok ng puso ko. Ewan ko nalang ngayon kasi hindi naman kami masyadong nagkikita. Pero nung sa bar hindi ko mapigilan yung tibok ng puso ko nung nag-usap at lumapit siya sa akin.

Gulong-gulo ako. Sana lang tama yung desisyon kung to. Nung una pa lang ayaw ko ng masaktan si Kent dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero nung sinagot ko na siya, parang masasaktan ko siya sa huli. Ayaw ko na mangyari yun, siya yung taong palaging nandyan para sakin. Siya yung taong sumalo sakin... Siya yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako.

"Hey? Okay ka lang?" Tsaka pa lang ako natauhan ng nagsalita na si Kent sa harap ko.

"A-Ah.. yeah, I'm fine. Let's eat? Medyo late na ako sa office." Sabi ko at nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain at minsan ay napapatingin pa kay Kent habang tahimik ring ngumunguya. Napapangiti nalang ako everytime magtapat ang mga mata namin.

I don't want to hurt this person, but I know I already did.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now