Chapter 23

893 23 0
                                    

Sam's POV

Natapos ang araw ko ng ganun lang, kinuha narin naman ako ni Manong. Hindi rin kasi nagtagal si Amanda sa opisina kailangan pa raw niyang bumalik sa restaurant nila. Pagdating ko naman sa bahay ay nasa dining table na sina Mommy at Daddy kumakain.

"Hey, Mom! Hey, Dad!" Bati ko sa kanila at tsaka bineso. Kaagad naman ako umupo sa kabila, bali kaharap ko na si Mommy ngayon. Binigyan naman ako ng yaya namin ng pinggan tsaka nilagyan niya narin ng Juice ang baso ko.

"Don't forget na bukas na yung meeting mo with Engineer, okay?" Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Huh? Bukas na ba yun? Akala ko hindi pa? Masyado ba akong maraming iniisip na hindi ko na naisip na may meeting pa pala ako with Lucas?

Kunot-noo naman akong tumingin kay Mommy. "Bukas na ba yun, Mom? Kagagaling niya lang sa opisina kanina ah? And by the way, narito na yung picture ng sight na pinapasa mo." Sabi ko sa kaniya. Kinuha naman yun at nilabas sa envelope. Nakangiti namang tiningnan ni Mommy ang envelope. Makikita mo sa mukha niya na na-a-amaze siya sa picture. Ano bang meron sa picture na yan? Wala namang importante.

"Pinagbukas nalang ni Engineer, kasi may gagawin pa raw siyang importante." Sabi ni Mommy habang binabalik na ulit sa loob ang picture.

"Bakit? Hindi ba importante ang project natin, para pagtoonan niya ng pansin?" Nakakunot-noong sabi ko. Mas marami pa ba siyang gagawin aside sa pinapagawa naming hotel malapit sa beach? Ganyan na ba siya kabusy'ng tao ngayon?

"Hindi lang naman ang hotel natin ang kailangan niyang asikasukin hija." Hmp! Masyado lang siyang pa importante. Ang kapal pa ng mukhang mag-aya sa akin ng Lunch.

"Oh, edi kayo nalang ang pumunta, Mom." Sabi ko. Natigil naman agad si Mommy sa pagkain niya pati si Daddy natigil rin. Seriously? What's wrong with my parents? "What?" Confused kung tanong. Wala naman ata silang gagawin bukas. Bakit, kailangang ako pa? May trabaho ako sa office bukas. Walang katapusan ang trabaho ko, mabuti nalang sana kung hindi muna ako nagpapahinga sa pagiging model ko.

I prefer modeling rather than managing our company this stressful. Idagdag pa yung mokong na yun. Tss!

"You know that we have work right? At aalis kami ng Dad mo papuntang Cebu bukas." Seryosong sabi niya. Kinabahan naman ako, Am I crossing some lines? Wala naman ah? So, bakit ako kakabahan sa seryosong boses ni Mommy? Siguro, hindi talaga maganda kapag seryoso na si Mommy magsalita. Nakaka-intimedate.

"I t-thought, w-wala kayong trabaho bukas? And beside, what are you doing in cebu?" I said before I chew the rice I was eat. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Mommy looks strict when she's being serious, I don't like it.

"Pinapunta kami ng Tita Grace mo, dahil magpapatulong siya." Sabi naman niya at nagsimula na ulit kumain.

"May work rin naman ako bukas, Mom e." Reklamo ko. I don't really want to meet that asshole. Tama na siguro yung nasa office. Mababaliw na ata ako kapag nag-usap pa kami ulit. Hindi ko rin kasi mapigilan ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya e. And I don't want him near me.

"Oh, eh sinong gusto mong makipag-usap sa kaniya? Kuya mo?" Bahagya akong tumango.

"You know already that your brother is in maldives now, right? He's spending he's vacation with his family. And he deserve that vacation. Your brother is spending so much time in working in our company while you were in Canada. I didn't force you to work in our company, right? So, what's wrong being in a meeting with Engr. Saavedra? Is there something you didn't tell us. Samantha?" Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Napatuwid naman ako ng upo dahil sa sinabi niya.

"O-Ofcourse n-not!" Nauutal kung sabi. Ba't pa kasi nagrereklamo, Sam? Your Mom doesn't know you had past with that Engr. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy nalang ako sa kinakain ko. At baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Mahirap na.

Nauna ng umakyat sina Mommy at Daddy dahil mag-iimpake silang ng gamit. 1week daw kasi sila dun kaya maraming damit ang dadalhin nila. Naiwan naman ako sa lamesa na nakatulala habang pinoproseso ang isiping magme-meeting kaming dalawa bukas! What the hell? Oh shoot! Hindi ko pa pala natatanong kung saan at kailan kami magme-meeting ni Engr. Saavedra kaya tumayo na ako sa upuan ko at kinuha yung bag.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa master's bedroom at kumatok. Binuksan ko ang pintuan at busy naman silang nag-iimpake.

"Yes hija? You need anything?" Sabi ni Mommy na natigil muna ang pagliligpit dahil sa akin. Bahagya naman akong ngumiti. Argh! I really have no choice but to do it. Bakit kasi siya pa ang pinaka sikat na construction dito sa pilipinas? Tsk!

"U-Uh.. I just want to ask if saan kami magkikita bukas and what time." Diritsahang sabi ko. Pumasok ako bahagya nakaka-ngawit ang ganung posisyon.

"Sa Conference Room lang kayo magme-meeting bukas around 10:00 it's not bad for you kasi sa company lang naman kayo magme-meeting about the construction. After that, you can go back to your office." Sabi niya. I was kind of shock na sa conference room lang kami mag-uusap but I kind of nervous talking again to him.

Yeah! Nag-uusap kami pero hindi naman yung kaming dalawa lang. After almost 6years ngayon lang ulit kami mag-uusap ng kaming dalawa lang. I know it's business but still. Shit! Am I having a choice here? Argh!

"O-Oh, o-okay." Do I still have a choice? Wala na talaga sana lang maging maayos ang pag-uusap namin kahit hindi naman tungkol saming dalawa ang pag-uusapan.

"A-Anong bang pag-uusapan namin?" Tanong ko kay Mommy. Hindi pinapahalata na medyo kinakabahan ako para bukas.

"You're not really talk that much, siguro may edi-discuss lang siya sa mga gagawin sa hotel at kung paano ba gagawin." Sabi ni Mommy na nagpatuloy sa ginagawa. Mabuti nalang hindi talaga siya nagfo-focus makipag-usap sakin at talagang mahahalata na niyang kinakabahan ako.

Huminga nalang ako ng malalim. "Okay! I'll go ahead. Just leave a note to Manang if you're going tommorrow." Sabi ko. Tumango lang naman siya at ngumiti.

Lumabas na ako sa kwarto nila at naglakad na papasok sa kwarto ko. Sana lang pagkatapos naming mag-usap about sa hotel ay umalis na siya dahil hindi ako nagiging komportable kapag malapit siya sa akin. Lalo na yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko.

Humiga ako sa kama ko at hindi na ako nagbihis. I'll just sleep early to ease this feeling. I closed my eyes and I feel at peace.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now