Chapter 22

879 25 0
                                    

Sam's POV

Hindi parin ako nilulubayan ng mga tanongan ni Amanda sakin. Talak padin siya ng Talak sa akin hanggang ngayon na busy ako dito. Wala bang trabaho ang isang to? At dito naghahasik ng lagim sakin?

"Muling ibalik na ba?" She said with a malice tone. Seriously? May boyfriend na ako. Ay hala! Hindi ko pa pala nasasabi sa babaeng to na kami na ni Kent. Ang alam niya na nanliligaw pa lang siya. "Duh, I already have a boyfriend." Sabi ko sa kaniya at laglag panga naman siyang tumingin sakin.

"Whaaaaat??!" Napangiwi ako sa sigaw niya. Ano bang akala niya sa opisina ko, Soundproof? Ang lakas talaga ng sigaw. "Can you please, stop shouting?" Naiiritang sabi ko sa kaniya. Paano ako matatapos dito kung ganyan siya? Akala ko ba bibisita lang siya dito para mag-usap sa ibang bagay? Well, what do you expect with Amanda.

"Sorry naman, pero sinagot muna si Kent?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi pa sila nagkikita ni Kent kahit kailan. Gulat parin siya.

"Oo, nung pagkarating niya." Walang pag-alinlangang sabi ko. Natahimik siya bigla at inangat ko naman ang ulo ko para tignan siya. "Oh? Ba't di ka makapag-salita?" Lumiit naman yung mata niya sa sinabi ko.

"Seryoso ka na ba dyan?" Sabi niya habang seryosong naka tingin sakin. Kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya, minsan lang kasi magseryoso to kaya medyo nakakakaba minsan.

"O-Oo n-naman." Sabi ko habang tumatango. Bahagya lang siyang ngumiti. Binaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa mga ginagawa. At siya naman ay natahimik na. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na naging tahimik na siya ulit o kakabahan ako sa pagtahimik niya.

"Pupunta ba si Kent dito mamaya?" Biglang tanong niya. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang naging ganun ang reaksyon ko.

"Oo, u-umuwi l-lang siya para magbihis s-sa p-penthouse niya. Sa bahay kasi siya natulog k-kagabi d-dahil hinatid n-niya ako." Nakita ko naman kung paano siya nagulat sa sinabi ko. Ano bang nakakagulat sa mga pinagsasabi ko? Ang weird ng babaeng to ha?

"S-Sainyo siya natulog kagabi?" And she's serious again. I hate her being this serious. Nakakakaba kahit hindi naman dapat.

"Yeah... pero sa guestroom naman siya natulog. Nagpaalam rin naman ako kina Mommy," sabi ko habang malapit ng matapos sa pagpipirma. Ipapa-distribute ko kay Alexa mamaya to sa mga department. Hindi na ulit nagsalita si Amanda at busy na siya kakalikot sa cellphone niya. At ako naman ay inabala ko nalang ang sarili ko sa mga ginagawa. Five papers left at ibibigay ko na to kay Alexa para ipabigay sa mga head ng department.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay biglang nag vibrate ang phone ko. I pick it up and saw Kent's message.

Kent:

Hey, Sam? I'm sorry. I can't go back to your office yet, may urgent lang akong aasikasuhin. I'm sorry. :(

Me:

It's fine, I understand. Kukunin din naman ako ni Manong mamaya, so don't worry. Text or Call me nalang if tapos kana. :)

Kent:

Okay. I love you! Take care. :)

Me:

I love you too. :)

Hindi na ulit nagreply si Kent at pinirmahan ko nalang yung last na papel. Pinindot ko yung intercom sa likod ko at naka connect naman agad kay Alexa yun.

"Yes, Ma'am?" Sagot ni Alexa.

"Get this paper inside, give it to the head of every department." Sabi ko tsaka pinatay yun. Pumasok naman kaagad siya sa opisina ko na nakangiti. In-arranged ko naman yun tsaka ko binigay sa kaniya.

"What's your order for lunch, Ma'am?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ang relo ko. 11:00 na pala hindi ko man lang namalayan na lunch time na.

"I'll just pick in the menu, when you get back here. Tsaka mo nalang kunin." Sabi ko sa kaniya at nakangiti naman siyang umalis sa opisina ko. Tiningnan ko muna si Amanda.

"Hey? Are you hungry? Here's the menu. Just pick any food you want, it's already lunch time. Baka nagugutom kana." Sabi ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang pumunta sa lamesa ko at kinuha ang menu. She's back with her jolly face again, I kind of comfortable when she's with her jolly face. Not the serious one dahil hindi talaga ako masasanay kahit kailan. Sanay ako na palage siyang nakangiti, nakita ko na naman siyang naging seryoso pero hindi talaga yata ako masasanay.

"I'll just order... Fettuccini Carbonara and Coke Zero. I'm not that hungry tho'." Sabi niya at bumalik ulit sa couch. Sinulat ko nalang sa isang scratch na paper yung order niya tsaka order ko.

Hindi rin naman matagal si Alexa sa pagdidistribute sa mga papel na pinirmahan ko para sa agreement. Pagpasok ni Alexa sa loob ay nilahad ko na sa kaniya yung sinulat na order ko tsaka siya lumabas ulit.

"What time ba pupunta si Kent, Sam?" Tanong ni Amanda bigla. Nakatoun parin naman siya sa cellphone niya habang nagsasalita.

"Hindi daw siya makakapunta dahil may urgent na kailangang asikasuhin." Sabi ko sa kaniya. Nag-open nalang muna ako ng instagram ko. Nang wala akong makita sa instagram ko ay nag procceed nalang ako sa twitter ko. Hindi rin kasi ako masyadong mahilig sa social media. Lalo na ngayon na nagfo-focus ako sa kompanya namin. Habang nagsco-scroll ako sa twitter ko ay nag tweet pala yung pinsan ko.

Danica: May pamilya kana pala, niligawan mo pa.

Nakita kung maraming naglike at nagcomment. Hindi ko na rin napigilang mag comment sa post niya. Sino naman kaya ang pinapatamaan nito? Hala?! Baka may nanliligaw to tapos may pamilya pa? Naku! Papatayin ko talaga ang lalaking yun.

Comments:

Antonette: Who's that Dans?

Chelsea: Is that your suitor?

Me: OMG couz?! Is that some of your suitor?

Amanda: Oo nga, sasampalin ko talaga ang lalaking yun.

Sabi ko with matching nakakagulat na emoji. Nagulat din ako ng biglang nagcomment si Amanda sa tweet ni Danica. Close rin sila ni Danica dahil pinsan ko nga at bestfriend kaya minsan ng hindi pa pina migrate ni Tita si Danica sa Canada, kaming tatlo laging nagkakasama. Hindi ko na hinintay na makapag-reply si Danica dahil ni-log-out ko na yung twitter ko.

Pumasok na naman si Alexa dala yung mga pagkain namin. Natigil na din sa pagce-cellphone si Amanda ng nakitang nakarating na ang pagkain namin. Nagsimula na rin kaming tahimik na kumakain. Yung TV lang yung nagsasalita dahil walang gusto magsalita samin dahil siguro gutom narin kami.

When a playboy fall inloveWhere stories live. Discover now