CHAPTER 1

2.1K 86 4
                                    

Pinagmasdan ni Ada ang sarili sa salamin ng kanyang dingding. She's wearing a floral long sleeved top in pale pink and paired it with black slacks. Para naman sa kanyang mga paa, naka-suot siya ng itim na sandals na may mababang takong.

Inayos niya ang kuwelyo ng suot bago pinasadahan ng palad ang damit para ituwid ang kahit na ano'ng kusot doon. Ginalaw niya rin ang salamin sa mga mata upang ituwid iyon at mabistahan ng maayos ang mukha. She put on minimal make-up consisting of foundation, blush-on, and lipstick that is also the shade of her lips. Her hair is on its usual pony.

One last glance at the mirror before a satisfied smile touched her lips. Simple but presentable, like how she always wants it. Kinuha niya na ang shoulder bag bago lumabas ng kanyang silid.

Ngayong gabi ay nakatakda silang magtipon ng kanyang barkada magmula pa kolehiyo sa restaurant-bar kung saan din sila madalas noon. It's their friend Lianne's despedida party before her flight to USA this Sunday. Doon na ito permanenteng maninirahan pagkatapos pakasalan ang foreigner boyfriend nito two weeks ago sa Boracay.

Masaya siya na nakahanap ang kaibigan ng lalaking mamahalin at makakasama nito habang-buhay. Tanda pa nilang magka-kaibigan kung paano nito ayawan ang idea ng pag-ibig at pakikipag-relasyon noong college. Sa grupo nila, silang dalawa nito ang naturingang NBSB dahil kailanman ay hindi pa nagkaroon ng boyfriend. Pero ngayon nga ay ikinasal na rin ito.

Nakakalungkot lang dahil kailangan nitong umalis. That means, they will no longer see her often. Ang sabi nga nito ay baka isang beses tuwing isang taon lamang makakauwi dahil sa mahal ng pamasahe. Kailangan din nitong mag-adjust sa magiging buhay sa ibang bansa dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon nito na manirahan sa ibang lugar.

It's just that, for her, Lianne is like the glue in their group. She kept their group together. Masipag kasi ito'ng mag-organize ng mga get-together at magyaya ng lakad sa kanilang barkada. Magaling din ito'ng mamilit kaya kahit pa pawang mga busy na sila sa kanya-kanyang karera ay nagagawa pa rin nilang magkita-kita. Her house has been their usual hang-out place since college as well. Malaking adjustment at pagbabago para sa kanila ngayong aalis na ito.

But she set those thoughts aside. Masaya ang kaibigan niya at iyon ang importante. They may not see each other as often as before but that doesn't change anything about their friendship. Mabuti na nga lang at mas umusbong ang teknolohiya ngayon. Marami silang paraan para mag-usap at magkita kahit saan pang lupalop ng mundo.

Nang masigurong maayos nang nakalock ang pintuan sa likod ng bahay at mga bintana ay lumabas na siya ng bahay. She locked her front door before fishing her phone out from her bag. Nakapag-book na siya kanina ng sasakyan sa Grab kaya anomang oras ay parating na iyon. Nabistahan niya ang ilang texts na nakuha kaya inabala muna ang sarili sa pagtugon doon habang hinihintay ang sasakyan.

Nakaalis ka na ba, Adelayda? Mag-iingat ka, ha. I-text mo sa amin ng mga auntie mo ang plaka ng sasakyan at pangalan ng driver mo.

Sa text pa lang ay naririnig na niya ang istriktang tono ng kanyang tiya Ruvy. Napangiti siya saka tinugunan iyon.

Bata pa lang ay naulila na sa mga magulang si Ada. Naunang pumanaw ang ama niyang OFW dahil sa aksidente roon sa trabaho. Halos magta-tatlong taon lang siya noon kaya walang malinaw na ala-ala na kasama ang ama. She only remembered his face in photographs that her mother kept for her.

Grade 3 naman siya nang sundan ito ng kanyang ina. Noon pa ma'y sakit na ito sa puso. Nag-agaw buhay pa ito noong ipinanganak siya ngunit mapalad na naka-recover. Ngunit tuluyan din ito'ng sinukuan ng katawan makalipas ng ilang taon. Her mother died peacefully in her sleep.

Magmula noon ay ang Tiya Rowena at Tiya Rosa niya na ang umaruga sa kanya. Naging guro ang mga ito kung saan din siya kasalukuyan ngayong nagtuturo. Dalawang taon makalipas niyang maka-graduate sa college nang mag-desisyon ang mga ito na umuwi na sa kanilang probinsiya sa Nueva Ecija. Bukod sa nagkaroon ng oportunidad ang Tiya Rowena niya upang maging principal sa pampublikong paaralan doon, nagkasakit din ang Tiya Ruvy niya kaya kailangan ng mag-aalaga.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now