CHAPTER 6

1.3K 65 2
                                    

Galit si Jacko dahil sa biglaan niyang pag-alis kagabi nang ihatid nito ang mga gamit niya kinabukasan. Sinabi niya ritong hinananap niya ito ngunit hindi niya makita sa buong club kaya naisip na lang niya na umuwi na. When she asked her friend where he's been, nagkibit-balikat ito at sinabing napasarap lang ang usap sa isang kakilala. He also told her how Lukas was so pissed to find out that she's already taken.

"Totoo ba iyon, Ada? May lalaki raw na sumundo sa'yo!" ani muli ni Jacko.

She denied about it but chose not to tell Jacko about Lukas' actions last night. Ayaw na niya ng kahit na ano'ng gulo tungkol doon. Dahil naman sa nabanggit nito, naalala niya kung paanong pinuyat siya muli ng kanyang kapitbahay. But this time, it's not because he pissed her.

Naaalala niya ang paraan ng titig sa kanya ng lalaki, ang pakiramdam ng kamay nito sa kanya, at ang init ng katawan habang yakap-yakap ito no'ng naka-angkas siya sa motorsiklo nito. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit sa isip niya ang mga iyon. It's the first time she had thoughts that involved a man. Well, maybe it's because it's also the first time that happened to her. Hindi niya talaga alam.

"Ada!" si Jacko upang pukawin ang atensiyon niya.

Nag-init ang kanyang mga pisngi nang ma-realize ang paglipad ng isip patungo sa ibang bagay o tao habang kinakausap pa ng kaibigan.

She smiled apologetically at him. "P-Pasensiya na. Kulang yata ako sa tulog."

Nagbuga si Jacko ng hangin. Sa huli ay napa-iling na lamang ito.

"Are you going with me again this coming Saturday? Kung hindi totoong may boyfriend ka na pala, may ipapakilala pa ako sa'yo!"

Bumalik ang excitement sa tinig ni Jacko pagkasabi no'n. Although she's dedicated last week, after what happened last night, she's not sure if she still wants to go back. Nag-enjoy naman talaga siya kagabi kahit paano. Kung hindi nga lang sa ginawa ni Lukas sa kanya.

"Ano, Ada? Sayang naman ang mga damit na pinamili ko para sa'yo kung hindi mo gagamitin para doon!" anitong nahihimigan niya ng pagtatampo dahil matagal siya bago nakasagot.

"Jacko—"

"I'll only forgive you for leaving me last night kung papayag ka ulit na sumama!" mas mariin nitong sinabi. "Please, Ada? Aasahan kita!"

Na-appreciate niya ang kagustuhan ni Jacko na mag-night out kasama niya. That means he really considers her as his friend and enjoys her company. Nahihiya rin siya dahil napakarami ng pinamili nito para sa kanya na gagamitin sana niya tuwing gi-gimmick. Kung hindi na siya sasama at pagbibigyan ito, parang magiging ungrateful naman ang labas niya rito. She's the one who asked for his help in the first place.

"Sige. Labas tayo ulit sa Sabado," sa huli ay pagpayag niya rito.

Jacko looked very pleased with her answer. Hindi na rin ito nagtagal doon at nagpasyang umalis na. Inihatid niya ito sa labas at nanatili roon hanggang sa nawala na sa kanyang paningin ang sasakyan nito.

Pumihit siya para sana bumalik na sa loob ng bahay at ituloy ang mga balak na gawain. She's asleep the whole morning at bigla naman dumating si Jacko ilang oras matapos mananghalian.

Nagulat siya nang isang topless na Zeke ang tumambad sa kanya mula sa bakuran nito. He's squinting because of the sunlight. Ang kaparehong sikat ng araw ang nagre-reflect sa pawisan nitong pigura making him look like a radiant bronze sex god.

Bumaba ang mga mata niya sa malapad nitong mga balikat at pectorals na halatang alaga sa pagji-gym. It went further down on the cracks and crevices of his hard abs. She imagined how it would feel to trace those well-defined abs with her fingers. How hard would those muscles be against her dainty hands. Nang lalo pang bumaba ang mga mata para sa umbok ng itim nitong shorts, nag-init ng husto ang pisngi niya at batid niyang walang kinalaman ang haring araw doon.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now