CHAPTER 8

1.4K 64 10
                                    


Tatlumpung-minuto ang mabilis na dumaan pagkatapos magpaalam ni Zeke sa kanya. Naka-idlip siya ng kaunti. Tuluyan lang nagising nang kumatok ito at pumasok sa kanyang silid na naka-puting t-shirt at black jersey shorts. She could smell the clean scent of mint on his skin, indikasyong nakapag-shower pa ito bago umalis o pagkarating.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" minuwestra nito ang kanyang puson.

"Ayos naman na. Nakatulong ang hot compress," aniya. "Saan ka galing?"

"Sa botika at namili rin ng pagkain natin. Okay ka lang ba na kumain ng barbecue? Nagsara na kasi iyong ibang carenderia na malapit dito."

Parang gusto niyang matawa roon. Bakit kung ituring siya nito ay para siyang may malalang sakit? "Zeke, masakit lang ang puson ko. Gumagana pa rin naman ang panunaw ko."

Pero ang hirap yata nitong biruin ngayon. Sa halip kasi na makitawa sa kanya ay seryoso lang siya nitong inalalayang tumayo. Tinatanggihan niya ang pag-alalay nito ngunit napagod din nang hindi ito matinag.

Sa mesa ay nakita niya ang paper bag at platong naglalaman ng barbecue. May isa pang plato para sa kanin na sa tingin niya'y binili rin nito dahil wala naman siyang sinaing. May dalawang plato pa na may nakapatong na dalawang pares ng kutsara at tinidor.

"Nangealam na ako," he said when he probably noticed where her eyes are.

"Okay lang," kibit niya ng mga balikat.

Why does this felt fine and natural, she doesn't know. Ang alam niya'y hindi naman talaga nababahala kung mangealam si Zeke sa kanyang mga gamit. Tama ba 'to? He's still practically a stranger. Pero hindi niya maramdamang ganoon nga si Zeke sa kanya.

Sinilip niya ang laman ng paper bag. Mayroong pakete ng Ibuprofen doon, ilang tsokolate, at dalawang uri ng sanitary pads, isang with wings at isang wala. Halos ma-eskandalo siya sa huli pero nagtataka siyang higit sa tsokolate. She looked at Zeke who's now pulling out a chair for her.

"Chocolate? Bakit may chocolate?" nagtataka niyang tanong.

Inosente ito'ng nag-angat ng tingin sa kanya. "Ah...nagtanong kasi ako sa mga ka-trabaho ko kung ano ang dapat binibili para sa mga babaeng...uh...alam mo na. May dalaw?"

Chocolate? Then she remembered Facebook posts about women during their time of the month. Maraming kine-crave ang mga ito at kadalasan nga mga matatamis. Iyon kaya ang impormasyong nakalap ni Zeke sa mga ka-trabaho?

Nakakatawa rin ang imahe nito habang tumatawag o nagte-text sa ibang pulis kung ano'ng dapat bilhin para sa kanya. At ang imahe ni Zeke na bumibili ng sanitary pads! Halos sapuin niya ang kanyang mukha sa halong tawa at pagkapahiya.

"'Tsaka bumili na rin ako ng...napkin. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gamit mo kaya...dalawa na kinuha ko. Magkaiba raw kasi iyang dalawa sabi no'ng nasa botika."

Tuluyang naka-alpas ang tawa sa kanya dahil sa sinabi nito. Nahihiya siya na bumili pa ito ng ganoon kahit na hindi naman na kailangan pero tawang-tawa lang talaga siya habang ini-imagine ito!

"What?" anitong kunot-noo sa kanyang reaksiyon. "Ano'ng tinatawanan mo?"

"Ano'ng sabi sa'yo no'ng mga ka-trabaho mo no'ng magtanong ka sa kanila? 'Tsaka iyong binilhan mo ng napkin?" natatawa niya pa ring tanong. She's so curious about their reaction! Si Zeke na malaking tao, nagtatanong sa kaibahan ng napkin na with wings at wala! She lost it again!

"Tsk..."

Moreno si Zeke ngunit napansin niya ang hustong pamumula ng mukha at leeg nito. Nag-iwas ito sa kanya ng tingin bago tumungo sa kabilang silya at naupo. Nagsimula na ito'ng magsalin sa plato niya ng kanin. Umupo siya ngunit hindi pa rin niya mapigil ang pagtawa.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now