CHAPTER 5

1.2K 67 1
                                    

Sinuyod muli ni Ada ng tingin ang paligid ngunit wala na siyang Zeke na nakita. Natanto niyang baka namamalik-mata lang siya kanina. Pero bakit sa lahat ng taong puwede niyang makita ay ang imahe pa ng buwisit na kapitbahay niyang iyon?

Sa huli, nakumbinsi niya ang sarili na kaya ganoon ay naalala niya ito kanina nang nakakita ng mga naghahalikan. Mabilis ding nawala sa isip niya iyon nang marinig niya ang tinig ni Jacko.

"Drink!" si Jacko na nag-aalok ng makulay na inumin sa kanya habang tinatahak ang mga couches sa gilid ng dance floor.

She reached for the drink. No'n lang niya na-realize na nauuhaw nga siya dahil sa labis-labis na pagsasayaw. Nang sumimsim mula sa inumin ay napangiwi dahil sa nalasahang pait no'n. She knew it has alcohol in it. Nakakainom naman siya noon pero halos juice lang ang nalalasahan niya sa sobrang kaunti ng porsyento ng alcohol. But this one hits different. Mas marami siguro ang alcohol na nilagay.

"Nandito na ang mga friends ko! Come on! I'll introduce you to them," malakas na sinabi ni Jacko. Siguro ay para marinig niya ito sa kabila ng malakas na tugtugin sa lugar.

Lumapit sila nito sa mahaba at pahugis 'U' na couch. Puno ng mga bote ng inumin ang mesa sa harap no'n. Halos puno rin ang puwesto ng pinaghalong mga lalaki at babae. All looked well-dressed and tipsy. Ang sabi ni Jacko ay galing sa ibang club ang mga ito kanina. May ilang naroon na nang dumating sila pero wala pa raw kasi doon ang ipapakilala sa kanya kaya ngayon lang sila lumapit.

"Hey guys!" masiglang bati ni Jacko sa mga ito. "Meet my friend, Ada!"

She smiled at them when she was introduced. Ngumiti sa kanya ang ilang babae ngunit hindi rin siya masyadong pinagtuonan ng pansin dahil may mga kapares. Those who are obviously not with anyone greeted her more warmly.

"Hi, Ada. I'm Lukas. Nice to meet you..." anang unang lalaking naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon.

Ilan pa ang nagpakilala. Jacko was right. They're all good-looking people. Pawang mga mukhang artista o modelo. She's certain that she saw two of them in a TV commercial!

"Hi, Lukas," ngumiti siya rito.

Naupo siya nang ilahad ni Lukas ang bakanteng space sa tabi nito. Uminom siya mula sa hawak na inumin para lang may ibang magawa. She's still very nervous. Everything is still new to her. Ngunit kung ikukumpara kanina, mas nagagawa niyang kontrolin ang kaba ngayon.

Umupo si Jacko ngunit sa kabilang panig niya. He winked at her to tell that she's doing great. Nakipag-usap ito sa kagabi at doon na naabala kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang kausapin ang katabi na titig na titig sa kanya.

"You're so pretty," bulong ni Lukas sa mismong tapat ng kanyang tainga.

Halos mabuga niya ang inumin sa pagkabigla nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Ibinaba niya ang inumin sa mesa bago tumikhim. "T-Thank you..."

"How did you become friends with Jacko?" tanong nito pagkatapos. "Ngayon lang yata kita nakita na kasama niya. Alam ko dahil siguradong hindi kita makakalimutan kung nakita na kita noon."

He's still uncomfortably close. She tried to keep her cool and convince herself that this is how it is here. Kailangan niya lang masanay.

"W-We're schoolmates back in college. Kaklase ko naman siya ngayon sa graduate school. Unang beses kong lumabas kasama siya," malumanay niyang tugon.

"Hmm..."

"Have some more drink, Ada!" alok ng lalaking nagpakilalang Ivan kanina. Inaabot nito ang isang baso na may gintong likido.

Inabot ni Lukas iyon para ilahad sa kanya dahil ito ang mas malapit kay Ivan. "Here..."

Sa tingin niya'y hindi pa niya kaya kung purong alak kaya naman umiling siya para tanggihan iyon.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon