CHAPTER 13

1.2K 61 2
                                    

Ang mga sinabi ni Danielle ay tila sampal na gumising sa kanya mula sa masaya at magandang panaginip. She realized how blinded and stupid she is when it comes to Zeke. Sinabi na nito sa kanya na hindi ito nagseseryoso sa relasyon ngunit binalewala niya iyon. She rushed into this relationship out of desperation and her strong attraction for him. Hindi man lang niya naisip ang posibilidad na maloko't masaktan nito.

Umasa pa siyang papakasalan ng lalaki balang-araw? She's a total fool! Zeke is a playboy and a very good one at that. He won't trap himself into a complicated marriage when he could easily satiate his physical needs without it. Hindi nga ba't ganoon lang niya kadali at kabilis naibigay dito ang sarili na iningatan ng maraming taon? He doesn't even need to force her. All he has to do is to kiss her and she would completely surrender.

Ang tanga niya! Ang laki-laki niyang tanga! But she cannot blame Zeke for making her believe that this relationship is serious. That this is different from the others. He made it clear from the very beginning that he cannot offer something permanent. He cannot commit. Siya ito'ng baliw na baliw sa lalaki na sumuong pa rin at umasa. Kaya kung nasasaktan man siya ngayon, she's the only one to blame for it.

At kung hindi pa nga sobra-sobra ang katangahan niya, kahit alam nang walang patutunguhang seryoso ang relasyong iyon ay hindi pa rin niya magawang makipaghiwalay. Yes, she became cold and indifferent with Zeke for the next days. Idinadahilan niyang abala sa huling araw ng pasukan sa graduate school sa taong iyon para hindi muna makipag-usap o bumisita sa bahay nito. But she cannot find the courage to completely end it with him.

Ano'ng pumipigil sa kanya? Oh, yeah, right. She's in love with him. Nakakatawa talaga magbiro ang tadhana. Bihira na nga lang may lalaking makakuha ng interes at puso niya sa isang playboy pa. Ano'ng gagawin niya sa damdaming ito ngayon? Danielle told her that Zeke won't want it. Iiwanan siya nito. But ending their relationship would mean leaving him too.

Wala bang option na magiging masaya siya? Dahil kahit ano'ng piliin niya sa mga choices na mayroon ay talo talaga ang puso niya.

Suminghap siya habang paalis na ng building ng graduate school. Sinabi niya noon na handa siya sa kahit na ano mang karanasan sa pag-ibig, saya man iyon o sakit. Pero mas madali nga talagang magsalita kapag wala pa. Mas madali kapag hindi mo pa pinagdadaanan talaga. Because the way her heart hurts right now? She never imagined it to be this painful. At kung alam niya lang, hindi na niya hihilinging maranasan pa.

Tumunog ang kanyang cellphone para sa isang text galing kay Zeke.

"Pauwi ka na ba?"

She could feel a renewed wave of pain in her chest. Naguguluhan siya sa kung ano'ng dapat niyang gawin. Ngayong wala nang pagkakaabalahan sa graduate school, wala na siyang excuse para hindi kausapin si Zeke. Will she break-up with him? Or will she stay and endure knowing that he might abruptly end this relationship in the future? Damn, she can't leave him. She can't let Zeke go! He might as well just file a restraining order against her! But...it hurts to stay either.

Gusto niya ng pangmatagalan. She dreamt of getting married and having her own family. But Zeke isn't up for that. His plans for them is short-lived and based on lust. Kaya dapat alam niya na kung ano'ng pinaka-mainam gawin sa sitwasyong ito. It's clear as a day what choice she should make.

For once, she should stop letting her feelings choose which path to take. Dahil alam niya na kung ganoon, paulit-ulit lang nitong pipiliin ang daan patungo kay Zeke. Mapanganib man iyon o masaktan man siya sa huli.

"Oo." Reply niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan pagkatapos.

Isang hakbang bago tuluyang makalabas ng gate nang mapansin ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa labas. Saglit na nawala ang isip sa problema nang mula roon ay umibis si Jacko.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora