CHAPTER 10

2K 68 5
                                    

Maaga siyang nagising kinabukasan ngunit mukhang mas maagang bumangon si Zeke sa kanya. Wala na kasi ito sa tabi niya nang magmulat siya ng mga mata.

Dumapo ang kanyang hintuturo sa namamagang mga labi nang dalawin ang isip niya ng mga ala-ala ng nangyari kagabi. She accepted his offer to become her boyfriend and they spent the whole night passionately kissing before they both fell asleep. Muntik pang may mangyari. Kung hindi lang niya ito pinigilan ay baka naisuko na niya rito ang sarili.

Saka na 'no! Hindi naman siya ganoong pamigay! Yes, she agreed to be his girlfriend but having sex with him is a different story. Wala pa sa ganoon ang lebel ng isip niya. Although she could feel Zeke so turned on last night. He's a healthy adult man and it couldn't be avoided. Matinding effort ang kinailangan niya para lang kumbinsihin ang sariling pigilan iyon. At alam niyang mas magiging mahirap pa sa mga susunod na araw.

Inalis niya muna roon ang isip at nnalala ang mga tiya. Should she tell them about this already? Sa mga kaibigan niya? In the end, she decided against it. Ito ang unang beses na naranasan niya ito. Gusto muna niyang sarilinin at i-enjoy ang nangyayari. She also needed time to process everything and get used to being in a romantic relationship. How does it work and how would she become a good girlfriend?

Nangingiti siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. Totoo ba ito? Kung hindi lang siya nagising sa hindi pamilyar na silid, iisipin niyang nananaginip lang talaga siya kagabi. SPO4 Ezekiel Laxamana is now her boyfriend! That's just hard to believe!

Bumangon na siya at nagtungo sa bathroom nito. Naghilamos at nagmumog siya roon. Pagkalabas ng silid ay wala pa rin siyang Zeke na naabutan. But the house smelled of freshly cooked pancakes and hotdogs. Lumapit siya sa kitchen counter at nakumpirma ang mga pagkain. Marahil ay nagluto ito.

Bumaling siya sa pinto nang makarinig ng ingay na nagmumula sa labas. Pero bago pa man makalapit ay bumukas na iyon. Iniluwa si Zeke at dalawang unipormadong pulis sa likod at nakasunod.

Nagtagpo ang mga mata nila ni Zeke. His hard and cold expression turned warmer and softer when their eyes met. Tila cue ito sa kanyang puso upang bumilis ang tibok.

Bumaba ang paningin ni Zeke sa kanyang dibdib. Nag-init ang mga pisngi niya nang matanto ang kakulangan ng tela sa damit. Tatakbo na sana siya pabalik sa silid ngunit agad ito'ng lumapit sa kanya. Tinawid ng iilang hakbang ang pagitan nilang dalawa saka hinubad ang suot na jacket at isinuot sa kanya.

He smelled so fresh in the morning. Siguro ay nakapag-shower na. Samantalang siya ay nagmumog lang pero hindi pa nakakapag-toothbrush. Wala naman kasi roon ang kanyang gamit!

"Good morning," bati nito saka siya pinatakan ng halik sa labi. Lalong naghurumentado ang kanyang puso. Pero pilit din pinapaalala sa sarili na normal lang iyon.

"Whoa!" dinig niyang bulalas sa likuran ni Zeke dahilan para mapalingon siya sa mga kasama nitong pulis.

Suminghap si Zeke. Ang isang braso ay nanatili sa kanyang bewang bago humarap sa mga kasamahan.

"Kaya pala ilang linggong badtrip. Babae naman pala..." dinig niyang sabi ng mas tsinito sa isang may morenong kutis. Aktong pabulong iyon ngunit tila sadya pa ring nilakasan.

"De Leon..." Zeke warned.

Tumigil iyong tsinito at ngumiti na lang sa kanya. Pormal na ito'ng nakatayo ngayon dahil sa pagsaway ni Zeke rito. Isang awkward na ngiti ang iginawad niya rito. Nahihiyang naabutan siya sa bahay ni Zeke.

Bumuntong-hininga muli si Zeke bago siya binalingan. His expression changed again now that he's looking at her. "Sila ang mga kasamahan kong ipinatawag ko rito para imbestigahan ang pangyayari. These are SPO2 De Leon and SPO2 Agoncillo."

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now