CHAPTER 11

2.2K 67 3
                                    

Warning: R-18

Sa wakas ay natagpuan niya ang lakas na sumunod kay Zeke palabas ng bahay. The first thing she saw was the increasing number of crowd on the street.

Kunot-noo niyang binalingan ang siyang sentro ng kaguluhan. Nakita niya si Mang Berto na may hawak na kutsilyo habang mahigpit na akbay ang anim na taong gulang na anak nitong babae.

Pinanlakihan siya ng mga mata nang maintindihan ang nangyayari. People were shouting and crying for help. Malakas din ang palahaw ng bata na maaring nasasaktan at natatakot sa ginagawa ng sarili nitong ama.

"Berto! Bitawan mo si Tintin! Huwag mong sasaktan ang anak mo!" si Aling Martha na nakikiusap sa asawa nito.

Ilang tauhan sa kanilang barangay ang nagtungo na roon ngunit alanganing lumapit. One wrong move and Mang Berto could hurt his own child! Lalo na ngayong tila wala ito sa sarili. Malalim at namumula ang mga mata at labis na nangangayayat.

"Huwag kayong lalapit! Papatayin ko kayo! Huwag kayong lalapit!" sigaw ni Mang Berto.

A police mobile went into the scene. She looked around for Zeke. Sumunod siya rito kanina ngunit bigla na lang ito'ng nawala.

Ang mas malakas na hiyawan ng mga tao ang nagpabalik sa kanyang atensiyon kay Mang Berto na hostage pa rin si Tintin. She saw Zeke behind the man and she felt her heart literally stopped from beating. Mabilis ang naging pangyayari ngunit tila naka-slow motion iyong rumehistro sa kanya.

Pumihit si Mang Berto paharap kay Zeke dahil sa sigawan ng mga tao. He was about to swing the knife but Zeke quickly grabbed Mang Berto's wrist and twisted his hand. Malakas na dumaing si Mang Berto dahilan para mahulog ang hawak nitong patalim sa sementadong kalsada. Zeke kicked the weapon away from Mang Berto. Although telling from the way the latter's wrist was now twisted, she knew he won't be able to hold anything using that hand for the next weeks.

Agad na lumapit si Aling Martha upang kuhanin ang anak na nabitawan na rin ni Mang Berto dahil sa pagdaing ng sakit. Sumubok pa ang huli na patamaan ng kamao si Zeke ngunit agad na nailagay ng huli ang mga braso nito sa likod. Mang Berto fell on his knees and struggled in Zeke's steely grip. Hanggang sa mapadapa na lang ang lalaki sa kalsada sa pagod at panghihina.

Kagaya niya, natigilan at natahimik ang lahat dahil sa nangyari. The first ones to recover are the policemen who just arrived in the scene. Lumapit ang mga ito kay Zeke na mabilis tumayo mula sa pagkakadagan sa nagwawalang si Mang Berto saka pinosasan ang huli.

Naroon na si Kapitan Nestor at kasama ang mga tanod nito'y pinaalis ang mga taong nakiki-usyoso roon. Nakita siya ng kapitan ngunit binati lang at hindi naman itinaboy. Nang mabawasan na ang mga tao sa paligid ay inalalayan sina Aling Martha patungo sa sasakyan ng barangay.

Mang Berto on the other hand was now being guided inside the police car by one of the policemen. Ang isa sa mga ito'y kausap naman ni Zeke. Mabilis na natapos ang pag-uusap ng mga ito. Sumaludo ang pulis kay Zeke bago lumulan na rin ng sasakyan at umalis doon.

Bumaling si Zeke sa direksiyon ng bahay at namataan siya sa labas. His Moreno skin was tinged with red and beaded with sweat from all the effort he exerted to stabilize the hostage scene.

Naglakad ito palapit sa kanya. Kung kanina'y marahas at matigas ang ekspresyon, his expression now was like the one she saw the first time she confronted him. Gentle and laid-back.

Binabawi na niya ang sinabing wala sa personalidad nito ang pagiging pulis. His usually relaxed demeanour was a façade! Zeke is a capable policeman. A really good one at that.

"Kailangan kong sumunod sa presinto," anito nang tuluyang makalapit sa kanya.

Marahan siyang tumango rito. Hindi makakalimutan ang ginawa nito kay Mang Berto kanina at ang labis niyang pag-aalala. "A-Are you hurt?"

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now