CHAPTER 2

1.2K 67 3
                                    

Matalim ang tingin ni Ada sa kisame na para bang iyon ang kanyang kaaway. Sa labas ay unti-unti nang sumisingit ang liwanag sa madilim na langit hudyat ng pagsisimula ng panibagong araw. She wasn't able to sleep because of frustration and disgust for her neighbour. Tuwing ipipikit niya ang mga mata ay nakikita niya ang malaswang tagpong iyon na nasaksihan niya kagabi!

Sabado pa naman ngayon at may pasok siya sa grad school! Malamang ay lutang siya sa klase dahil sa kakulangan ng pahinga.

"Una, iyong 'di kaaya-aya mo'ng bakuran! Ngayon, ang pagdi-display mo naman ng kalaswaan! Naku! Hindi talaga ako papayag na manatili pa ang lalaking iyon sa lugar na 'to!" aniya sa sarili.

She must do something to finally get rid of him from this neighbourhood!

Kaya naman kahit wala pang maayos na tulog ay sinimulan na niya ang umaga. She did her usual routine. Nag-text muna siya sa mga tiya. Pagkatapos ay inayos niya ang kama saka nagtungo sa banyo para maligo. Lumabas siya para magluto ng kanyang agahan at magtimpla ng kape.

Nang matapos kumain ay natanto niyang masyado pang maaga para sa magiging sadya, inabala niya muna ang sarili sa paglilinis ng bahay although wala na rin naman siya masyadong malinisan doon. Unlike her neighbour, she kept her house clean.

Lumabas siya ng bahay at nagpasyang magwalis na lang sa bakuran. Sinilip niya ang kabilang bahay. Tahimik at nakapatay ang ilaw. Ngunit naroon ang motor ng lalaki hudyat na nasa loob ito ng pamamahay. Siguro ay kasama pa rin ang babaeng kahalikan nito kagabi!

Naningkit ang mga mata niya roon. Lagot ka talaga sa'kin!

Nang sumapit ang takdang oras ay hindi na siya nagsayang pa ng panahon. Natapuan ang sariling nagtutungo sa barangay hall. Ilang tanod ang bumati sa kanya roon. Ang ilan ay kilala niyang magulang ng kanyang mga estudyante. Ngunit hindi lang dahil sa guro siya ng mga anak ng mga ito kaya siya kilala. Kilala rin sa lugar nila ang kanyang mga Tiya na sa katunayan ay naging guro naman ng ilan dito.

Magalang niyang binati ang mga ito. Hindi na kailangan magtanong pa tungkol sa sadya dahil agad niya ito'ng nakita.

"Oh, Ma'am Mendoza. Magandang umaga. Ano po'ng sadya ninyo ng ganito kaaga?" naka-ngiting bati ni Kapitan Nestor sa kanya. Kasalukuyan pa ito'ng kumukuha ng mainit na tubig mula sa dispenser nang mapansin siya.

"Magandang umaga, Kapitan. Pasensiya na po kung maaga ako'ng mang-aabala," she said apologetically.

"Naku, Ma'am. Wala naman pong problema. Sandali lang, ha?"

Tinapos ni Kapitan Nestor ang pagsasalin ng tubig sa baso. Agad na sumabog ang mabangong amoy ng kape sa munting tanggapan nito.

"Dito tayo, Ma'am..." giya nito sa kanya patungo sa silyang katapat ng mesa nito. "Ano po'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nito matapos sumimsim ng kape at maupo sa swivel chair nito.

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "May gusto lang po ako'ng i-reklamo sa inyo, Kapitan. Tungkol po ito sa kapitbahay ko."

Kumunot ang noo sa kanya ng kapitan dahilan para lalong lumalim ang mga permanente nang gatla sa mukha nito. Sa tantiya niya ay nasa late forties o early fifties na nito ang kapitan. Ilang puting hibla ang nakahalo sa itim na itim nitong buhok na malinis ang gupit.

She'd interacted with this good man a lot of times already. Aktibo siya sa mga community projects ng barangay. Naiimbitahan din nila ito kapag may program sa eskwela. Idagdag pa na tiyo ito ng isa sa kanyang mga naging estudyante. She's confident that Kapitan Nestor would be on her side.

"Sino'ng kapitbahay ito, Ma'am Mendoza, at ano'ng irereklamo mo sa kanya?"

"Ezekiel lang po ang pangalang alam ko sa kanya. Iyong bagong lipat tatlong taon na po ang nakararaan? Kinausap ko na po ang land lady namin tungkol sa magulo niyang bakuran na maaaring pamahayan ng kung ano-ano'ng insekto na pupuwedeng magdulot sa atin ng sakit at iyon po'ng maingay niyang motorsiklo na nakakagambala tuwing gabi, pero wala pa rin pong pagbabago. Pero hindi lang poi yon ang sadya ko kaya ako nagtungo ngayon..."

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now