CHAPTER 14

1.4K 65 1
                                    

Ilang araw ang naging pananatili niya sa ospital. It is to make sure that the drug was completely out of her bloodstream. Malakas ang gamot na iyon at sa mataas na dosage ay maaaring makapag-tulot ng coma o kaya pagkamatay sa kung sino'ng makaka-ingest.

For the days she was confined, her aunts were there to assist and take care of her. Nagulat na lang siya sa presensiya ng mga ito roon ngunit nagpapasalamat dahil kasama ang mga ito. It was a close call back there in Jacko's mansion and she thought she'd never see them again.

"Tumawag sa'min ang nobyo mo, hija. Si Zeke? Para sabihin ang tungkol sa iyong lagay," sabi ng tiya Rowena niya na naiiyak.

"Hindi mo nabanggit ang tungkol sa kanya, Adelayda. Kailan ka pa nagkaroon ng nobyo?" ang striktang Tiya Ruvy niya.

"Ate naman! Tsk. Saka na ang ganyang usapan kapag tuluyan nang nakalabas ng ospital si Ada," anang kanyang Tiya Rosa.

Zeke was nowhere to be found in her hospital room. Ang sabi ng kanyang mga tiya ay ito ang nadatnan ng mga ito'ng kasama niya sa silid na iyon bago dumating ang mga ito. He arranged everything for her in that private hospital especially the security outside her room. Ipinatawag lang para sa detalye ng naging operasyon na nagbunga sa pagkahuli ng dalawa sa tatlong taong involved sa pagkakabuo ng sindikatong iyon.

From the news, it was revealed that the Mayor of their city himself was also involved in the syndicate. Ibinulgar iyon ng mga ebidensiyang natagpuan sa tahanan ni Jacko na nagsisilbi ring opisina at taguan ng ilang mabibiktima ng mga ito. That's the reason why, for years, Zeke failed to catch the real culprits. Katulong ang mayor sa pag-ligaw sa mga ito nang mga panahong lumalapit na ang grupo ni Zeke sa paghuli sa mga tunay na may sala.

"Ang talino naman ng batang iyan para malaman na inililigaw lang sila ulit ng pain," anang kanyang tiya Ruvy na nakatutok sa balita kagaya niya.

Zeke was now being interviewed on national TV. He's wearing his blue police uniform. Humahapit ng husto sa matikas na pangangatawan na tila ikalawa nitong balat. His usually tousled hair was now cut and fixed clean. Kahit hindi ito kaharap mismo, nararamdaman niya kung paanong mag-react ang katawan niya rito partikular ang kanyang puso. It's as if every part of her recognized the man in front as its rightful owner.

Ibinahagi ni Zeke kung paano nito pina-amin ang lalaking ipinadala nina Jacko at Jerome rito para malaman kung sino ang nag-utos at kung ano ang tunay na plano. He didn't share all the details about it but she could just imagine what he did to finally squeeze all the information out of that person. Zeke is certainly not the nicest person she'd ever met. Mula roon ay nag-plano ang grupo ni Zeke sa kung ano'ng hakbang ang susunod na gagawin.

A detail from his statement was missing. Hindi niya pa rin alam kung paano nalaman ni Zeke na naroon siya sa poder ni Jacko. Or maybe he doesn't know? Nagkataon lang na naroon siya nang i-raid ang mansiyon ni Jacko kasama ng team nito.

But she cannot recall him being surprised to find out she's there. It's as if...he only went there for her. Ni hindi ito nag-abalang posasan sina Jerome at Jacko para lang masabi na ito ang nakahuli sa mga ito. Nang makita siya ni Zeke ay para bang nawalan na ito ng pakealam sa kahit na ano at sa kanya na lang itinuon ang buong atensiyon. Kahit sa sindikatong ilang taon din ng buhay ang inialay nito para matugis.

"Nobyo mo ba talaga ang pulis na iyan, Ada? Aba, botong-boto na ako kaagad sa kanya!" anang kanyang tiya Rowena.

"Masyadong matipuno at guwapo, Rowena. Baka nakakalimutan mong ganyan din ang tindig ng dati kong asawa? Kaya tignan mo't namroblema ako sa dami ng naging babae! Sinusuyo-suyo pa ako pero iniwanan lang din ako sa huli," bakas pa rin ang sakit sa tinig ng tiya Ruvy niya habang inaalala ang dating asawa.

DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now